Chapter 20

108 7 0
                                    

Let's Fight Together

Diretso ang tingin ni Selena habang nakaluhod sa likod ni Maliya na nagkatawang malaking ibon para makalipad. Mas mapapadali ang paghahanap nila sa kanilang grupo kung nasa itaas sila. Finding their team will not be so hard. Nandito naman si Maliya, nandito rin siya na may matalas na paningin at si Ryder naman ang proteksyon nila kung sakaling may makasalubong na kalaban o kung may magtangkang patayin sila mula sa taas o baba.

Napatayo siya mula sa pagkakaluhod sa likod ni Maliya nang mula sa malayo ay malinaw na niyang nakikita ang apat nilang kasamahan na kasalukuyang nakikipaglaban sa hindi mabilang na kalaban. Apat na araw na ang nakakalipas nang magsimula ang digmaan sa pagitan nila at ng RavenDark pero hanggang ngayon ay hindi parin nila magawang patayin lahat ng kalaban. Totoo ang sinabi ng babaeng nakalaban niya, batalyon ang lahi ng RavenDark.

Mula sa malayo ay kitang-kita niya kung gaano kadami ang bilang ng kalaban nila na nasa center ng gubat. Kung hindi siya nagkakamali ay daan-daan ang dami ng mga ito. Mukhang matatagalan pa bago sila makaalis sa mundong ito. Hindi sila maaaring umalis kung marami pang kalaban ang natitira, mauulit na naman kasi ang digmaan. Tiyak na muling magpaparami ang lahi ng RavenDark, at mauulit na naman ang ganitong set up. Magpapadala ang lola niya ng panibagong lalaban sa digmaan. This must stop now.

"Fuck!"   mabilis na napamura si Ryder nang bigla silang matamaan ng ligaw na bala ng baril.

Shit, nakikita na niya si Valerian pero may kung ano ang nagpatigil sa kanila. Tumama ang bala ng baril sa pakpak ni Maliya kaya tatlo silang bumubulusok ngayon pabagsak sa lupa. Nilingon niya si Maliya na nakabalik na sa totoong anyo nito pero walang malay. Sinikap niyang abutin ang kamay nito bago niyakap. Pinakot-ikot niya ang sarili para lumihis ang pagbagsak nila, patungo na sila ngayon sa tumpok na tuyong dahon at doon sila nito bumagsak.

Kaagad na napabangon siya at hinagilap ng kanyang mga mata ang pabagsak na si Ryder. Wala siyang ibang magagawa kundi ang saluhin ito kahit na delikado. Ryder looks heavy, at tiyak na malakas ang impact ng pagbagsak nito pero hindi na iyon ang mahalaga. Kapag hindi niya ito nasalo ay tiyak na mamamatay kaagad ito na hindi niya hahayaang mangyari. Damnit, no!

Bago pa man niya masalo si Ryder ay may naka-una na sa kanya. A beautiful white horse catches Ryder. No, it wasn't just a horse dahil si Maliya iyon. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga dahil ligtas silang tatlo. Pero muling nabalot ng kaba ang kanyang dibdib nang may isang babae ang walang pakundangan na sumugod sa kanya. Sandali niyang binalingan ng tingin ang dalawa na may kalaban narin.

"Bago mo intindihin ang mga kasama mo, unahin mo muna ang sarili mo."   ani kalaban niya.

Sabay silang tumigil.

"Ako si Lunida."   pagpapakilala nito.

"Nasa digmaan tayo, hindi na uso ang magpakilala sa isa't-isa."

"Masyado ka namang seryoso. Gusto ko lang naman na malaman mo kung ano ang pangalan ng papatay sayo."   sabi pa nito at humalakhak.

Buwiset, ang yabang ng babaeng ito.

"Ano kayang abilidad mo?"   bahagya itong ngumuso at napatingala sa kalangitan na animo'y nag-iisip.

"Gusto mo bang malaman kung ano ang abilidad ko?"   ngumiti ito sa kanya.

Sira-ulo ba ang babaeng ito?

"Triple ang limang pandama ko. At sinasabi ko sayo, ang hawak kong baril ang papatay sayo."   ani nito habang nakangiti parin pero madilim na ang mukha.

Napakapit siyang muli ng mahigpit sa kanyang espada. Her ability is the same as her ability. Super senses laban sa super senses. Sa madaling salita ay nakakapanabik na laban pero mukhang hindi maganda ang magiging laban niya sa babaeng ito. Sabi nila, mahirap kalaban ang sarili. At kapag kinalaban niya ito ay parang kinalaban niya narin ang kanyang sarili. Oh shoot!

Deadly Saga 1; Super SensesWhere stories live. Discover now