Chapter 3

174 13 0
                                    

Ability to Shatter

Samo't-saring ingay ang naririnig ni Selena mula sa labas ng kanyang silid. Marami ang nagkukwentuhan at nagpapayabangan sa kanilang mga abilidad. Damang-dama niya ang mga emosyon ng mga ito, puno ng pagka-inggit at pagkamangha para sa isa't-isa.

Sandaling kumunot ang kanyang noo nang maramdaman ang kilos ng tatlong tao na malapit sa kanya. Hindi man nya imulat ang kanyang mga mata ay alam na niya agad kung sino ang mga ito. Si Sirina, Acasia at Maliya na may kanya-kanyang pinagkaka-abalahan.

Si Sirina ay tila naka-upo sa kama nito at pinagmamasdan siya habang natutulog, si Maliya naman ay tahimik na nagbabasa ng libro, samantalang si Acasia naman ay tila sinasanay ang abilidad nito.

She decided to open her eyes. Nang maimulat niya ang kanyang mga mata ay agad na nagsilapit ang mga ito sa kinaroroonan nya at inulanan siya ng mga tanong, hindi man lang ba siya bibigyan ng mga ito ng maiinom o ng pagkain?

"Selena kumusta ang pakiramdam mo? Tatlong araw kanang tulog ah." nag-aalalang tanong sa kanya ni Sirina.

Three days, ganoon katagal?

"Mabuti naman, pakiramdam ko ay unti-unti na akong nasasanay sa abilidad ko."

"Ano bang abilidad mo?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Acasia.

"Super senses."

"Super senses?" nagtatakang tanong ni Maliya.

"Sobrang lakas ng pandinig at pang-amoy ko na kahit malayo sakin ang isang tao o ang isang bagay ay naririnig ko at naaamoy sila. Para bang naka-speaker ang mga ingay na naririnig ko at tila napakalapit lang sakin ng lahat ng bagay and humans kaya nagagawa ko silang maamoy kahit malayo. Nakapikit man ako pero alam ko kung nasaan kayo, alam ko ang mga ginagawa nyo at alam ko ang bawat kilos nyo dahil mas malakas ang pandama ko," she paused for a moment.

"Hindi lang iyon dahil kaya kong makita ang lahat kahit isang daang dipa ng kamay, 182. 88 in meters o 240 steps ang layo sakin. Para bang isang magnifying glass na may halong telescope ang mga mata ko. Kaya ko ring maramdaman ang emosyon ng tao at kaya kong maramdaman kung nagsisinungaling ang isang tao o kung may panganib."

"Wow, ang ganda naman ng abilidad na tinataglay mo." nangingiting aniya ni Sirina.

"Kayo ba, ano ang mga abilidad nyo?" nakangiting tanong niya.

"Shapeshifting ang sakin, may kakayahan akong gayahin ang hitsura ng kahit na sino. Pero ayon sa professor ko ay hindi ko magagawang baguhin ang anyo ko hangga't hindi ko nahahawakan ang taong nais kong gayahin. Isa pa, anyo lang ang kaya kong gayahin pero hindi ang abilidad nila." Sirina answered.

"Ako naman ay invisibility, may kakayahan akong maglaho sa paningin nyo. Pero kailangan kong maghubad dahil hindi tumutugma ang mga suot ko sa katawan ko. Isa pa, isn't it being coward having the ability of invisibility?" Acasia rolled her eyeballs.

Napatango-tango siya. Suddenly a conclusion entered her mind, she remained silent for a moment. Why do they seem to have limited abilities? Kung sa bagay, minsan narin nasabi sa kanya ng lola niya na hindi porque may abilidad sila ay nakatataas na sila sa mga simpleng tao. Minsan narin nito nabanggit na ang lahat ng bagay ay limitado at may disadvantages rin.

"Ikaw Maliya?" nakangiti nya itong binalingan.

"Ako naman ay animal transformation. May abilidad ako na magbagong anyo into an animals. Nasubukan ko narin na magbagong anyo into a tiger pero dahil maliit akong tao ay nagmukha lamang akong malaking pusa." nakangiti ito ngunit alam nyang malungkot ito.

"Bakit ka malungkot?" tanong niya.

"H-hindi ako malungkot Selena, ang saya ko nga eh!" tumawa ito ngunit hindi siya nagpatinag.

Deadly Saga 1; Super SensesWhere stories live. Discover now