Chapter 2

223 11 0
                                    

Super Senses

Dalawang araw pa lamang ang nakakalipas ngunit tila mababaliw na si Selena sa kaiisip sa nangyari two days ago. Paanong nagawa ng professor nya na palutangin ang ballpen nito? She laughed in that question of her, kalokohan ang naiisip niya!

Paniguradong pinagtitripan lamang sya ng gurong iyon at maging ng mga kaklase niya, marahil ay may tali ang ballpen na iyon at hindi nya lamang napansin kaya inakala nyang lumulutang talaga ang ballpen nito. Hindi pa sya nababaliw para paniwalaan ang nakita niya, tiyak na may scientific explanation ang nangyari. Yeah, that's right.

"Selena, dalawang araw kanang hindi dumadalo sa klase mo. May problema ba?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Sirina.

"Oo nga Selena,"   segunda ni Maliya.

"You look crazy,"   natatawang aniya naman ni Acasia.

"Tulungan nyo akong makalabas sa lugar na ito. Mababaliw na ako rito!"   bulalas niya.

"Bakit, ano bang nangyari?"   Sirina asked again.

"I just saw a floating ballpen and my professor said that she have the ability of telekinesis. Please help me to get out of here, hindi ko na mahihintay pa ang pagdating ni Lola!"

"I think what you saw is real Selena,"   nginitian siya ni Acasia for the first time. Samantalang siya ay naguguluhan.

"Natural lang na makakita ka ng ganoong pangyayari dahil hindi basta-basta ang eskwelahan na ito Selena."

"I don't get you Acasia."

"The legend about Saga Academy is true. You should open your mind for explanation Selena, alam kong maiintindihan mo rin ang lahat. Look at me, I am not afraid on what I saw, I just saw my professor turned into a dove. His ability is what eveyone called animal transformation."   Acasia winked at her.

"Me too, my professor lifted her table using the tip of her forefinger. She said that she have the ability of superhuman strength."   Maliya interrupted.

"Wala pala kayo sa professor ko eh. May lumabas na malaking halimaw na babae sa katawan mismo ng professor namin. Ang sabi ni Ma'am ang abilidad nya ay tinatawag na hulking out."   taas noong saad ni Sirina.

What is wrong with them? Ano ito biro? Kung magkuwento ang mga ito ay animo'y mga bata lang na nagpapayabangan ng mga teacher, but seeing their eyes full of confidence and sidey that makes her to believe. Though it is not easy to believe on but she will try, wala siyang malalaman kung hindi siya magtatanong at makikinig sa eksplanasyon ng mga ito.

"So I'm not crazy right?"   paninigurado niya.

"You're not Selena. Kung tatanggapin mo lang ang katotohanan na abilities really exist ay maiisip mo na ang suwerte natin dahil maaari nating mailabas at magamit ang mga abilidad natin."   Acasia said.

"Okay, unti-unti nang pumapasok sa isip ko ang lahat. But still, I need my Lola's explanation."   aniya.

"I'm ready to explain everything apo,"   sabay-sabay silang napatingin sa matandang nagsalita.

There, she saw her mystic Lola sitting in the wheelchair at the mouth of the door. Nagmamadali siyang tumayo at sinugod ito ng mahigpit na yakap. Hindi niya naiwasang mapahagulhol ng iyak habang nakayakap sa Lola nya. Pero nang mahimasmasan siya ay pareho silang napa-upo sa kama nya.

"Makinig kayong lahat at magkukwento ako,"   aniya ng Lola nya.

"Ablities does exist, lahat ng tao ay may nakatagong abilidad. Ngunit hindi lahat ay may kakayahan na ilabas iyon, at ang ganoong mga tao ay tinatawag na normal na tao. Pero ang katulad natin na nasa loob ng paaralan na ito ay may potensyal na magamit ang abilidad sa loob nyo."   her Lola touched her chest kung nasaang parte ang puso nya.

Deadly Saga 1; Super SensesWhere stories live. Discover now