Chapter 1: Magnanakaw

332 16 23
                                    

Rita's POV

Papaano mo mararamdaman kung malapit nang dumating ang lalaking bubuhay muli sa iyong natutulog na puso?

Anong gagawin mo pag nakita mo na siya?


Kusa na bang bibilis ang tibok ng puso mo na tila ba ikaw ay kinakabahan?titigil ang mga tao sa paligid mo at tanging kayo lamang ang nakagagalaw at nagkatitigan?


At Malalaman mo na ba ang tunay na kahulugan ng salitang pag-ibig?





"Haist..grabe naman itong librong ito..napakalalim ng mga salitang ginagamit at tungkol pa sa pag ibig tss"aniko at isinarado na ang librong nabasa ko at ibinalik na sa book shelves dito sa Coffee Shop na pinagtatrabahuan ko.



"Hoy bakla anong ginagawa mo jan?Nagbabasa ka ng libro?Wow himala!"hindi makapaniwalang sambit ng kaibigan kong si Julie sa akin.Kasama ko rin pala ang aking kaibigan at nagtatrabho rin siya dito.



"Wala lang naman na curious lang kasi ako dito sa librong nandito sa book shelves tapos nagulat ako puro lovestory na naman ang nabasa ko kesho malalaman mo na daw ba ang tunay na kahulugan ng pag-ibig"to be honest ay hindi na ako nagbabasa ng mga libro dahil noon ay hilig kong magbasa ng mga love stories but now?hindi na,ayoko na dahil parang hindi naman totoo ang mga kwentong pag-ibig doon.Tunay ngang kathang isip lamang.



"Asus pwede ka namang magbasa kung natutukso ka tsaka FYI Rita walang connect yang heart break mo sa love story sa mga libro"at yun nga.Isa pang dahilan kung bakit ayoko nang magbasa ng libro dahil broken hearted ako.But let me clear Noon sadyang inggitera lang talaga ako dahil ang mga tauhan sa libro ay nagkakatuluyan ngunit sa totoong buhay ay hindi naman.




"Hmp ewan ko sa'yo magtrabaho na nga tayo"pag iiba ko sa usapan at nag simula nang i-assist ang mga customer na pumapasok sa Coffee Shop.



Ilang sandali lamang ay nagulat kaming lahat nang may lalaking natatarantang pumasok sa coffee shop namin at hindi ko makita ang mukha nito dahil balot ito ng mask at sumbrero.



At dahil sa pagtataka ay lumapit ako sa lalaki at nagsalita.




"Uhm excuse me sir,ahm ba-bakit po kayo natatarantang pumasok dito?Is someone chasing you?"magalang kong tanong ngunit palinga linga lamang ito.




Baliw ba siya?





"Sir?"pag ulit ko sa pagtawag dito at buti naman ay sumagot ito.



"Uhm yes may humahabol sa akin"omg baka naman magnanakaw ito dahil nakatakip ang mukha niya.At dahil sa pag dududa ay agad akong nagsalita dito ng pasigaw.




"Hoy ikaw mama huwag mong idadamay itong coffee shop namin dahil nanahimik ito at huwag kang gumawa ng ano mang bagay na ikakapahamak nitong coffee shop at baka-baka may pumasok na pulis at iraid 'to kaya naman mama umalis kana dito dahil ayaw naming masangkot sa gulong pinasok mo aliss!"pag papaalis ko dito kaya naman nagsitinginan sa akin ang lahat ng tao.Lumapit din sa akin si Julie at bumulong.




"Huy ano kaba bakla ang ingay mo huwag kang mag eskandalo dito lagot tayo kay boss niyan.Tsaka pano mo naman nalaman na may gulong pinasok yang si kuya ha?"tanong nito sa akin.




"Julie Ann naman kita niyo namang natatarantang pumasok yan tsaka balot pa yung mukha.Teka lang tatawag na ako ng pulis para matapos na ito"palaban kong sambit at idinial na ang number ng pulis.Pipindutin ko na sana ito nang hablutin ng mama ang phone ko.WTF!




Let's Design LoveWhere stories live. Discover now