Chapter 16: Invite

95 7 31
                                    

Rita's POV

"Salamat nga pala sa niluto mo, nag-abala ka pa" Nakangiting sabi ni Ken kaya ngumiti naman ako. This is my first time to see him smiling at me at ang gaan sa atmosphere kapag ganito.

"Your welcome, Ken" Nang matapos niyang kainin ang niluto ko ay nagpasiya na akong aalis na. Sa totoo lang ay dapat ibibigay ko lang sana ang paper bag na may lamang scrambled egg ngunit natagalan ako dahil pinapanood ko pa siyang kumain ng niluto ko.

"Ken, nice" Natawa naman ako. Well ayoko na siyang tawaging  'hambog na chinoy' pwede namang 'chinoy' because he is a chinese. Wala nang kasamang hambog kasi nakaka-guilty hehe.

"Basta huwag mo na akong tatawaging aling pikon ha. Kapag talaga sinabi mo pa 'yon sa akin. Wala pang tatlong buwan aalis na ako bilang designer mo" Pagbabanta ko dito. Actually isang buwan na nga lang bago ako matapos sa kontratang ito dahil babalik naman na si Mr. Dela Vega at ako naman ay magiging designer sa ni-reffer ni Ma'am Claud sa akin.

"Yes, I'm sorry too. But hindi naman bagay sa'yong tawagin kang gano'n eh" Kinagat ko na lamang ang gilid ng aking pisngi upang mapigilan ang ngiti.

"Sus bahala ka na dyan. Sige na bye na" Pag-papaalam ko at maglalakad na sana nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Hmm May kailangan ka pa ba?" Tanong ko ngunit napakamot ito sa ulo niya na tila nagdadalawang isip kung sasabihin niya ba ang naiisip niya.

"Ahm, Pwede ba kitang imbitahan dito sa unit ko? Ahm pwede mo namang isama 'yung mga kaibigan mo tsaka isasama ko rin yung bestfriend ko" Nagulat naman ako dito.bTeka lang bakit siya nag-aaya no'n? Ibig bang sabihin no'n ay magkaibigan na kami?Napakabilis naman ata no'n.

"Talaga?" 'Di makapaniwalang tanong ko. Baka naman napipilitan lang siya dahil bumawi ako sa kaniya tapos hindi pala bukal sa kalooban niya.

"Yeah yeah" Nukha naman siyang seryoso pero nakangiti. Lakas naman ng amats nito.

"Okay, sasabihan ko sila Julie. Kailan ba?" Ito naman ang hinihintay nila eh. Ang makilala ang lalaking nagpapainit ng ulo ko araw-araw ngunit ngayon ay iba na. Matic nang papayag 'yon. Baka nga mas excited pa sila sa akin eh.

"Tomorrow? Pwede ba? Kasi clear ang schedule ko for this weekend" Napaisip naman ako. Ang bilis naman, bukas na agad? Atat na atat ulit akong makita? Chos.bPero pwede naman, tutal Sunday naman bukas at wala rin akong gagawin pati rin sina Julie and Jade.

"Okay, what time?" Iniisip ko na ang gagawin namin bukas. Manonood ba, iinom or magu-usap ng kung ano-ano. Ewan ko!

"8:00 am?" Grabe naman napaka-aga naman. Hindi naman ata halatang nagmamadali.

"Okay.." Pumayag na ako at ngumiti. Bago ako maglakad ay pinagmasdan ko muna ang mukha nito dahil napaka-perfect na at sabay sabing. "Infairness, ang gwapo mo" Tumawa ako at tumalikod na at hindi na hinintay ang kaniyang sasabihin.

——

"Yow" Sabi ko sa dalawa habang kumakain kami ng hapunan dito sa dining.

"Yes yes yow? Bakit?" Natatawa pang sabi ni Julie habang kinakagat ang roasted chicken na binili ko kanina. Hindi na ako nagluto pa dahil napagod ako sa pag-drive pauwi galing kay Ken.

"May gagawin ba kayo buka—"

"Wala" Wala pa sa alas-kwarto ay nagsi-sagot naman ang mga ito. Tss hindi pa nga tapos magsalita eh.

"Hindi naman halatang excited 'no? De kasi 'wag kayong mag-isip ng kung ano-ano dyan sa matataba niyong utak ha!bBaka ano na namang sabihin niyo" Pinagunahan ko na sila sa sasabihin nila bago ko banggitin ang sinabi ni Ken sa akin.

Let's Design LoveWhere stories live. Discover now