Chapter 14: Together

101 9 34
                                    

Rita's POV

"Ahm babe,i miss you"nakapikit kong sabi habang hinahawakan ang pisngi niya.Haist i really really miss this guy so much.

Naramdaman ko namang pinahiga niya ako sa napakalambot niyang kama kaya napangiti ako.

"Kiss me please"malumanay na sabi ko,nahihilo pa rin ako dahil sa alak kaya ganito na ang sinasabi ko.

"No"maikling sagot niya kaya sumimangot ako.
"Matulog ka na,lasing ka,Rita"at dahil sa sinabi niya ay natulog nga ako.

Nasapo ko ang ulo ko nang tumama ang sinag ng araw sa mata ko dahilan para mapaupo ako.Tumingin ako sa paligid kung nasaan ako at hindi ko matandaan kung saan ito.Teka hindi ito ang kwarto ko.

Bababa na sana ako ng kama nang may mapasin akong maliit na papel na nakadikit sa baso at may kasamang gamot.

Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.

'Take this medicine,para hindi na sumakit ang ulo mo"

Nagtataka ako kung sino ang nag-sulat nito.Sigurado siya ang may-ari ng unit na ito.Binasa ko naman ang maliit na sulat na nasa ibaba nito,medyo malabo dahil maliit pero binasa ko.

'Sige,inom pa!"

"The h*ck! Sinong nagsulat nito?"napapikit ako at bumangon na sa pagkaka-upo medyo may hangover pa ako.

Nilibot ko ang kwartong ito at binuksan ko isa-isa ang mga cabinet dito.Napalaki ang mata ko nang bumungad sa akin ang amoy ng mga damit na ito.Haist napakabango naman,tsaka familliar ha.Natawa naman ako nang may makitang mga brief.

"Speaking of brief..Omg!"bigla kong sinarado ang cabinet at tinignan muli ang kabuan ng kwarto.Ito yung kwarto ni..Ken?

Bumilis ang tibok ng puso ko nang may marinig akong bumukas ng pinto sa labas,mukhang siya na iyon.

"Teka,anong gagawin ko?"nagmamadali akong humiga sa kama niya at nagkunwaring tulog.Hindi pu-pwedeng makita niya akong gising..nakakahiya!

Mas kinakabahan ako nang marinig ko ang mga yapak niya papunta sa kwarto.Pinilit ko talagang ipikit ang mga mata ko.Sana hindi siya tulad ni mommy na nahuhuli akong nagtulog-tulugan kapag pinapatulog niya ako ng maaga nung bata pa ako.

"Sleep?"ewan ko kung sino yung tinatanong niya,ako ba?pero kung ako,hindi ako sasagot no.Duh tatanungin ako kung tulog ako tapos ako naman 'tong si tanga sasagutin kong 'oo'.

Napagalaw ako nang may kumagat sa aking lamok o insekto.Argh ang kanti,hindi ko 'to kayang tiisin dahil sobrang kati na!Hindi ba siya naglalagay ng pesticide dito kwarto niya!May aircon pa man din tapos nakakapasok yung mga insekto.

At dahil nasa gilid ako ng kama ay nahulog ako dahil hindi ko na kinaya ang kati.Naiirita kong kinamot-kamot ang balikat at paa ko.

"So you're awake"napatigil ako sa pagkamot nang ma-realize ko na nariyan pa pala si Ken.Napatayo ako at hindi alam ang sasabihin.

"Ahh ehh ano..kakagising ko lang kasi may ano lamok na—"

"Hindi mo na kailangang magpalusot"edi wag alam niya naman palang nagtulog-tulugan ako tapos hindi niya pa ako gigisingin,nagmukha tuloy akong tanga.Napatingin naman ako sa hawak niyang paper bag at nagulat nang ibinigay niya ito sa akin."Ohh"kunot noo ko itong tinitigan at kinuha ang paper bag na ibinigay niya.

"What's this?"hindi niya sinagot ang tanong kaya tinignan ko kung ano ang laman nito.What?Binilhan niya ako ng mga damit?Para saan?

"Ano 'to?"tanong ko habang nakatingin siya sa akin.

Let's Design LoveWhere stories live. Discover now