Chapter 17: Tanong

79 9 34
                                    

Rita's POV

"Oh pasok kayo" Masaya niyang sabi ngunit nakakunot-noo pa rin naming tinignan ang lalaking ito.

"Kilala mo ba 'to, Jade?" Tanong ni Julie kay Jade ng pabulong ngunit 'di naman nakatakas sa pandinig nung lalaki.

"I don't know, hindi ko pa naman siya nakikita eh" masungit na saad niya at tumingin sa ibang direksyon.

"Hey, I think I know you" The man suddenly pointed at Julie.

"Ohh, I think I know you too. Nagkita na ba tayo?" Napasapo ako sa ulo ko at tinignan ang taas na bahagi ng pinto kung nagkamali ba kami ng kinatukan pero tama naman.

"You're the girl I saw at the bar, right?" Oh right, tama siya. Siya pala yung lalaking 'yon!David ba ang name? pero kung siya nga eh bakit siya narito sa unit ni Ken?

"Oh exactly tama ka! diba ikaw si Dave?" Kumunot naman akong napatingin dito, dahil sa tanong niya.

"My name is David" Pag-kaklaro niya kaya natawa si Julie at 'di ako makapaniwalang hinampas niya ito ng mahina sa braso kaya nagulat ito. Hays kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to, hindi na nahiya!

"Sabi ko nga, David haha. Oh ano pwede bang pumasok kami dyan" Kinurot naman ng mahina ni Jade ang tagiliran nito.

"Ano ka ba! Hindi mo pa nga tinatanong kung sa kaniya ba 'yang unit na 'yan eh"

"Oo nga tsaka baka hindi si Ken—" Naputol ang sasabihin ko nang makita namin si Ken na nasa likod ni David. Napalaki ang mata ng dalawa at tumahimik.

"Oh..nandyan na pala kayo. Come inside" Nakangiti nitong aya at nadako ang tingin sa akin. Ngumiti naman ako pabalik.

I entered his unit but the two remained standing and seemed to be scolded by the teacher and made to stand in front of them.

"Huy!" Pitik ko sa hangin. "Ano? dyan lang kayo? Kanina gustong-gusto niyo nang makita 'to tapos nakatayo lang kayo dyan!"

"Hey, don't worry hindi ako nangangain kaya come inside and feel at home" Rinig kong sabi ni Ken na nasa likod ko kaya nilakihan ko ng mata ang dalawa para pumasok na.

"Okay po" Napanganga ako sa sagot nilang dalawa kaya nagkatinginan kami ni Ken. I gave him an apologetic smile for what they said and he said it was okay.

"Hindi pala siya nangangain bakla eh, aww sayang naman" Bulong ni Julie sa'kin nang makaupo kami sa sofa.

"Ito naman, 'di naman sayang eh meron pa namang isa dyan oh" Turo naman ni Jade kay David na abala sa kitchen kasama si Ken. Sabi ko ay 'wag na silang magpa-meryenda pero umiling sila. Bisita nga raw kami.

"Kayong dalawa, tigil-tigilan niyo nga 'yung pagpa-pantasya dyan sa magkaibigang 'yan. Baka marinig kayo" Saway ko dito.

"Oh kumain muna kayo. Anong gusto niyong gawin?" Naglakad palapit sa amin si Ken at inihain sa harap ng coffee table ang niluto nilang pancake. Sure silang nagtulungan pa silang gumawa 'non? Bakit parang nasunog naman, pero hindi ko nalang sinabi dahil baka ma-offend sila. Kami na nga 'tong nakikikain tapos magre-reklamo pa.

"Maybe, let's watch movie or let's drink" Suggest ni Julie kaya sinita ko ito.

"Huy ano ba!"

"Oy tama 'yon. Inom tayo mga tol" Natawa naman ako nang magsalita si David.

"Anong tol ka dyan? Mukha ba kaming tol ha?Sa ganda namin 'to" Sagot naman nung isa at umirap pa. Aba!

"Edi sorry, ano bang gusto mong itawag ko sa'yo? Baby?" Napailing ako sa sinabi ni David at naalala ang sinabi ni Ken sa'kin noon. Gano'ng-gano'n 'yon eh. Magkaibigan nga talaga.

Let's Design LoveWhere stories live. Discover now