Chapter 2: Cellphone

121 13 14
                                    

Ken's POV

"Kung alam ko lang na ayun ang mangyayari edi sana hindi na ako pumasok dun sa coffee shop na iyon"seryoso kong sambit habang isinasalin ang alak sa baso ko.

"What?anong coffee shop?"tanong ng kaibigan kong si David.Nandito pala ako sa unit ko at tinawag si David upang uminom.Kahit man lang sa pag inom ay mawala naman yung inis ko tss.

"Eh kasi naman bro may mga girls na humahabol sa akin doon sa Restaurant na kinainan ko hindi ko naman alam na kilala nila ako eh i'm just a model lang ng magazines and not an artist"

"Ano ka ba bro!syempre makikilala ka talaga nila tsaka nila "lang" mo lang talaga yung pagiging model mo?...or kung mag artista ka nalang talaga ano?"


"Tss waste of time tsaka okay na ako sa pagiging model ko just pose pose and pakita lang ng abs and muscles.Hindi tulad ng artista ay may kakabisaduhin ka pang script"aniko at ininom ang alak.

"Haist ang hirap talaga maging gwapo!"mahangin niyang sambit at sumandal sa sofa.Natawa nalang ako at umiling.


"Oh wait.Ano pala yung nangyari sa coffee shop kwento mo naman oh"haist naalala ko na naman yung babaeng nakaaway ko kanina.

Kinuwento ko naman dito ang buong pangyayari kanina at nagulat naman tong kaibigan ko.

"Really?wow palaban si ate girl"di makapaniwalang sabi niya.

"Yes that's true and i don't know kung bakit pa siya nag eexist dito sa mundo,para lang ba pagsabihan yung mga customer na magnanakaw like yung ginawa niya sa akin kanina?"at ngayon 'di ko na namang maiwasan ang mainis.

"Hahaha that's so sweet"what?nasaan ang sweet to.Siraulo talaga.

"Anong sweet ka jan magkagalit na nga kami tapos sweet?"

"Nahhh.Maybe siya na yung itinadhana sa'yo"nakangiti niyang sambit.

"Anong tadhana yang pinagsasabi mo ha?halos isumpa na nga namin yung isa't isa tapos tadhana pa?"kung siya man talaga handa na akong mamatay.

"Isipin mo kasi bro ganyan din yun eh"

"Anong ganyan?"

"Ganyang ganyan din ang nababasa ko sa libro at napapanood ko sa tv at first you almost swore that you two met but eventually you will end up falling for each other unexpectedly"
lasing na ba ito at kung ano ano nalang ang pinagsasabi.

"Non sense tss"maikling sambit ko.

"Hahaha pagtatagpuin pa talaga kayo ako bro ako na nagsasabi"



"At bakit mo naman alam yan?manghuhula ka ba?"


"Nope.Pero ang sabi mo sa akin na nasa saiyo ang phone ni ate girl"nakangiting sambit niya.Oo nga pala nasa akin pala ang phone nung aling pikon na iyon.Hindi ko na naibalik dahil sa pagmamadali at ngayon ko lang napansin na hawak hawak ko pa pala ang phone niya.


"Asa ka namang ibabalik ko yun,bumili nalang siya ng bago"tama,bumili nalang siya tsaka hindi ako magsasayang ng oras para lang maibalik itong phone na hawak ko.My time is so important and I don't want to give it to worthless people like her.



"Huy ano kaba bro ang sama mo ha,paano kung importante yang phone niya ha?"


"Bahala siya,kung importante talaga iyon dapat hanapin niya ako,ayokong ako ang maghanap"



"Ang suplado mo talaga hindi kana nagbago tss"aniya't uminom ng alak.Tama suplado talaga ano nung una palang.


Rita's POV

Let's Design LoveWhere stories live. Discover now