Chapter 15: Egg

73 9 23
                                    

Rita's POV

Linggo ng umaga at wala akong ginagawa kaya naisipan kong magluto ng scrambled egg.

"Hi baks ang ganda ng gising natin ngayon ah!Wooh ang sarap naman at niyang para sa amin ba 'yan? Patik—" Pinalo ko ng mahina ang kamay ni Julie nang kukuha na sana siya ng niluto kong itlog mula sa tupperware.

"Aray naman, bakit mo ako pinalo?" Sh dramatically said.

"Hindi 'yan para sa inyo tangek!" Nagtaka naman ito at hinawakan pa ang dibdib na kunwari'y nasasaktan.

"Awts ang sakit sa dibdib"

"Luh hindi bagay sa'yong mag-artista" Inirapan niya naman ako.

"Eh para kanino ba 'yan ha? Huwag mong sabihin hindi lang kami ni Jade ang pinaglu-lutuan mo ha! Sabihin mo sino?" Tumingin ako sa kaniya at umiling nalang habang tinatapos lutuin ang natitirang itlog na nasa pan.

"Hoy Daniela. Subukan mong magsinungaling na naman at aangkinin ko na itong unit mo" Pagbabanta niya sa akin. Speaking of pagsisinungaling after akong kausapin ni Ma'am Ina about sa susotin ni Ken for the magazine ay umuwi akong may bungad na sermon sa dalawa. As in literal na sermon na para bang sila yung nasa posisyon ng magulang ko para magalit sa akin. Though na-appreciate ko naman yun.

"Ano kasi" Hindi ko alam kung pa-paano sabihin 'to sa kaniya dahil sigurado akong makakatanggap ako ng asar.

"Oww may itlog!" Napatingin naman kami kay Jade na kakagising lang at tumingin sa niluto kong scrambled egg.

"Uyy sakto nagugutom na ako. Ang bango ng itlog natin Dani ah. Mukhang special" Ang panget pakinggan ng sinabi niyang 'ang bango ng itlog ko hays. Bago pa man kuhanin ni Jade ang scrambled egg na nasa tupperware ay hinila naman siya ni Julie.

"Ano ba! Kakain na ako" Aniya na walang ka alam-alam.

"Huwag mong pakialam 'yan. Hindi 'yan para sa atin 'yan. Gaga" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Huh? anong hindi para sa atin.Eh tayo lang naman yung pinagluluto ni Chef Rita eh yiee" Pang-aasar niya sa akin kaya inirapan ko lang ito.

"Di mo sure teh" Pabalang na sabi ni Julie.

"Eh kanino nga 'yan?!" Tanong muli niya at tinakpan ang bibig nang may ma-realize. "So kung hindi para sa amin, ibig ba nitong sabihin ay this scrabled egg is for your special someone?" Lumaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Special someone pa nga..hindi naman siya special.

"Para kay ano..Ken" Nagulat naman sila at tila natulala sa sinabi ko bago tumili.

"Omg! Jade confirmed gusto niya si Sir Ken" Teka anong gusto? Pinaglutuan lang eh gusto na agad. Hindi ba pwedeng peace offering lang.

"Gaga, anong gusto lang? hindi ba mahal na?" Kantyaw naman nung isa kaya pinanadilatan ko lang silang dalawa habang pinagchichi-chismisan ako.

"Okay na kayo? Pwede na ba akong magsalita?" Seryoso kong tanong kaya natawa ang dalawa.

"Ito kasi yung naisip kong paraan para makabawi kay Ken.." Hindi pa ako tapos magsalita nang sumabat naman 'tong Julie na 'to.

"Rinig mo yun, Ken daw hindi na hambog na chinoy'" Ang sarap pag-untugin nitong dalawang 'to pagdating sa akin ang lakas-lakas makapang-asar. Eh ano naman kung tawagin ko siyang Ken eh nakonsensya ako eh.

"And ito, nilutuan ko siya ng scrambled egg. Pero hindi ko lang alam kung pa-paano ko ito mabibi—"

"Sugurin mo sa unit niya baks! I-surprise mo like ganito Surprise honey bunch, my baby here's your peace offering pinagluto kita ng itlog ko!" Siraulo talaga tinuruan pa ako ng gagawin ko. Honey bunch pa nga.

Let's Design LoveWhere stories live. Discover now