Chapter 4

990 23 3
                                    

CHAPTER FOUR

PARA akong na statwa sa kinatatayuan ko at wala akong ibang nakikita kung 'di siya. Siya lang. Ang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung sa kaba ba o may problema na talaga ang puso ko.

Naka-focus lang ang tingin nito kay rachel at nang gumawi naman ang tingin nito sa akin ay para lang akong estranghero, na wala lang rito ang presensya ko. May umusbong na munting galit sa puso ko, hindi ba niya ako natatandaan? Hindi ba niya natatandaan kung paano niya ako pinagod na madaling araw na niya ako tinigilan.

Hindi man lang ba nito natandaan ang araw na hindi niya kailanman makakalimutan.

"Anak ko! And friends halina kayo at kakain na." Ang lambing ng boses ng mommy ni rachel. Dito yata nagmana si rachel pati itsura ay carbon copy at ang kuya naman ni rachel ay nagmana sa daddy nito.

Kung hindi pa ako hinatak ni Cristina papunta sa dining room, ay maiiwan ako roon na nakatayo at parang wala sa sarili. Nang makapunta kami sa dining room nila ay bumungad sa amin ang napakaraming pagkain, parang nasa fiesta lang.

Nagsiupuan na sila at ako ang nahuling naghanap ng mauupuan at kong minamalas ka nga naman, natuon pa ang upuan ko sa kuya ni rachel. Kung hindi lang ako nahihiya sa mga magulang ni rachel na nakatingin na sa akin ay hindi ako uupo sa upuang katabi niya.

"Guy's, let's dig in." Nakahinga ako ng maluwag ng mag-umpisa ng kumain, limitado lang ang kinuha kong ulam at kanin. Tapos na ang cheat day kaya dapat naming limitahan ang pwede naming kainin kung gusto pa talaga naming tumagal sa industriya ng modeling.

Rachel mom started asking rachel and cristina question hanggang ako naman ang tanungin nito.

"Ikaw jessa your also, a model right?" Rachel mom asked me and I nod.

"How your life iha?" Tanong nitong muli I chew the food on my mouth first before answering her.

"Okay lang naman ho. Ang pamilya ko po ay nasa province po namin at pinatayuan ko na lang po sila ng mini store, para may mapag kaabalahan naman kahit papano. Dahil ayaw naman ho nila na dito nalang sa maynila manirahan." 

Marami pang naging tanong sa akin ang mommy ni rachel hanggang sa hindi niya na ako tinantanan at pinigilan pang umuwi.

"Dito kana matulog iha, please." Nakakahiyang tumanggi lalo na at naging mabuti ang pagwe-welcome samin kanina ng mommy ni rachel. Pero paano naman ako, pano ko pakikisamahan ng isang gabi ang ama ng mga anak ko.

Hindi niya ba talaga ako natatandaan? O nagpapanggap lang siya.

"Ah, Sige po." Pagpayag ko sa gusto ng mommy ni rachel. Kumislap ang mga mata nito sa naging sagot ko at napapalakpak pa.

"Princess, albor ko muna itong si jess ha, my ipapakita lang ako sa kanya." Rachel nodded at her mother and smile at me.

"Perfect!" anito. "Sumama ka sakin iha at may ipapakita ako sayo." Dugtong pa nito, hinatak ako ng mommy ni rachel sa papunta sa second floor.  Habang paakyat kami sa hagdan ay nakita kong nabaling ang tingin ni regan sa 'min ng mommy niya.

Sa klase ng tingin na ibinibigay nito ay parang ayaw nitong sumasama siya sa mommy nito.

Don't worry, hindi ko aagawin ang mommy mo.

Huminto kami sa isang pintuan at ng buksan 'yon ni tita stella ang pinto ay bumungad sa amin ang nursery room. Anong gagawin namin dito?

"Pasok ka jess." anyaya ng mommy ni rachel sa akin ng mauna na itong pumasok sa nursery room.

The typical nursery room may dalawang maliit na kama na panlalaki at babae, kasya ang mga apat o limang taong gulang na bata. May crib din at mga laruan na pang bata, parang naging stock room siya ng mga gamit laruan at gamit ng bata.

 The Forgotten Night Of Pleasure (Swayed Series #2) Where stories live. Discover now