Chapter 20

472 12 2
                                    

SAWANG SAWA na ako sa ganitong trabaho. Pero ano nga ba ang pagpipilian ko? Wala akong mapagpipilian. Wala.

Ano kaya ang buhay na simple at walang bahid ng kasalanan? Ano kaya ang feeling na mabuhay ng hindi nagnanakaw at nakakulong sa impyernong kulungan?

"Halika na Chay," Natigil ang pag-iisip ko at napunta ang atensyon ko kay Drake ng tawagin niya ako.

"Ha?"

"Baba na." Sabi niya. Doon lang pumasok sa isip ko na nasa labas na siya ng van kasama si Ashianna, habang ako naman ay nakaupo parin at animoy lutang sa pangyayari.

Sandaling sumilip ako sa driver na masama ang tingin sa akin at dahil isa akong malditang babae ay inirapan ko rin siya bago bumaba ng sasakyan.

"Nasaan tayo?" I asked Drake when I got out of the van.

All I can see are tall and huge buildings with people wearing their business suit and formal attire.

"Iyan ang nakakawan natin,"  automatikong sumunod ang tingin ko sa itinuturo ni Drake at ganun na lang ang pasinghap ko ng makita ang itinuro niya.

Dalawang lalaki, ang isa ay naka suot ng business suit habang ang isa naman ay pantalon at puting V-neck tshirt ang suot. Nag-uusap ang mga ito nakasandal sa mamahalin nilang kotse. Ni walang mapipintas sa kanilang mga mukha, ang gwa-gwapo at ang kikisig ng mga ito. Kulang na lang ay lapain ang mga ito ng mga babae na kung tingnan ang mga ito ay animo'y masarap na ulam.

"Big time ang mga 'yan. Kaya big time din ang laman ng mga pitaka." Drake informed me.

"Ikaw na ang nagsabi na big time ang mga 'yan, tiyak na pagnahuli tayo ay hindi na tayo makakalaya pa." Sabi ko.

"Baka kulungan na ang sunod nating tahanan. Tiyak na may mga bodyguards ang mga 'yan sa tabi tabi. Mayayaman sila, imposibleng wala." Tumango ako sa sinabi ni Ashianna. Tama siya imposibleng walang mga bodyguards ang mga 'yan, baka tatangkain pa lang namin, nahuli na kami.

"Maniwala kayo, walang mga bodyguards ang mga 'yan. Matagal na ang mga 'yan na minamanmanan ng mga tauhan ng Boss at basi sa pag-oobserba nila, wala naman daw kasamang bodyguards ang dalawang 'yan."

"Paano nga pagnahuli tayo?" Tanong ko. Kinakabahan ako sa mangyayari, hindi pa nga kami nagsisimula para na akong hihimatayin sa kaba. Paano pa kaya pagninakawan na namin ang mga naggwa-gwapuhan lalaking 'yan.

"Hindi ko alam." Sagot ni Drake. "Basta, h'wag niyo na lang hayaan na mahuli tayo, pagkakuha alis at takbo agad. Huwag kayong mag-alala, hindi ko kayo pababayaan."

We're both scared and we don't have choice but to do what they want us to do. Or else we want to die.

"Kaya niyo 'yan!" Drake said encouraging us.

Kaming dalawa ni Ashianna ang magnanakaw at pasekreto itong ibibigay kay Drake.

Nang makitang tapos na sa pag-uusap ang dalawang lalaki at  sabay na naglakad patungo sa gusaling may pangalan Villanueva Real Estate Corp. Ay agad naman kaming naglakad ni Ashianna para sundan ang mga ito.

Pumwesto kami sa kanilang likuran habang dahan dahan ang naging lakad namin. Pigil ang hininga at maingat ang naging kilos, nang makalapit ako sa lalaking may nang hihipnotismong mga mata ay agad na pasimple kong sinuri kung nasa bulsa ba ng suot niyang slacks ang wallet niya. At mukhang malas dahil wala!

Anong nanakawin ko sa kanya? Panyo?

Tanging panyo lang ang nakikita kong nakausling tela sa slacks nito. Talaga bang mayaman siya? Bakit walang wallet man lang?

Mukhang malas yata ang araw ko ngayon. Nakakainis! Tiyak na paparusahan kami mamaya pagwala kaming naibigay sa leader ng sindikato. Iniisip ko na agad kung ilang latay na naman ng latigo ang dadapo sa katawan ko.

 The Forgotten Night Of Pleasure (Swayed Series #2) Where stories live. Discover now