Chapter 1

2.5K 137 5
                                    



Unedited...

"Overnight lang po ako kina Rose Nana," paalam niya sa amang nagbabasa ng diyaryo.

"Bakit?"

"Dad? May gagawin kaming project at group study," sabi niya na hindi makatingin ng diretso sa ama. Tinanggal niya ang tali ng buhok at hinayaang nakalugay ito. Magaling din siyang mag-makeup at magdala mg damit nang dahil sa mga pinsang Villafuerte. Wala kasi silang ginagawa noon kundi turuan siyang maglagay ng blushon, magkilay, eye liner at eye shadow.

"Project nga lang ba?" tanong ni Kean. "Naku, huwag mo akong madala sa ganyan, Princess!"

"Eh? Arianna naman name ko e!"

"Princess pa rin kita."

"Nagtatalo na naman kayo," sabi ni Irene na kakababa lang. "Ba't 'di ka pa nakabihis, Kean?"

"Mommy Irene naman, mamaya pa ang lakad natin."

"Isang oras na lang. Ang bagal mo kayang maligo!" sabi ni Irene at napatingin kay Arianna. "Oh, bakit nandito ka pa?"

"Si Daddy, ayaw akong payagan," sagot ng dalaga na kunwari ay nagtatampo sa ama.

"Nagsisinungaling ka lang kasi!" giit ni Kean. "Baka sa boyfriend mo ikaw matulog?"

"Eh? Hindi ah! Promise!" sabi niya.

"Umalis ka na. Nakapagpaalam ka na kagabi sa amin," sabi ni Irene.

"Huwag mong iwala ang cellphone mo at ipaalam mo sa amin kung sino ang mga kasama mo, okay?"

"Okay po," sabi niya at dali-daling lumabas ng bahay saka nagpahatid sa driver sa bahay nina Nana Rose. Nang makapasok siya sa gate ay agad namang umalis ang driver. Si Nana Rose ang matalik niyang kaibigan kaya madalas siyang nagpapaalam sa magulang na dito mag-sleep over. May tiwala naman ang parents niya kay Nana kaya pinapayagan siya pero kapag sa ibang kaibigan ay hindi siya makaporma.

"Mabuti naman at sasama ka na sa amin," nakangiting sabi ni Rose Nana Abad na nakasuot ng maong shorts at white tshirt. Nasa parking lot na ito at siya na lang ang hinihintay.

"Oo. Gusto ko ring sumama at mag-out of town," sagot niya at ipinasok sa loob ng compartment ng SUV ni Rose Nana ang dala niyang backpack.

"Ready na ba kayo?" tanong ni Tin Talamante nang lapitan sila na galing pa sa loob ng bahay at nag-breakfast muna. Isinuot nito ang shades at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Sa Batangas sila pupunta sa bahay nina Tin. Malapit sa dagat ang bahay nina Tin kaya may mga swimwear siyang dala sa bag. Nakikita niya ang resort nito sa social media kaya naengganyo sila ni Nana na sumama. Isa pa, gusto rin niyang magliwaliw dahil masyado nang napipiga ang utak nila dahil sa pag-aaral.

Noong freshmen pa lang sila, naging kalaban niya si Tin lalo na sa Miss Westbridge. Nanalo ito pero wala naman siyang hinanakit dahil alam niyang magaling si Tin hanggang sa naging magkaibigan na sila. Model kasi si Tin at marami itong project sa agency. Nang dahil kay Tin, naengganyo siyang maging modelo lalo na ng mga shampoo. Mabenta siya sa advertisement lalo na't ang ganda ng buhok niya.

"Oo naman. Let's go?" sagot ni Rose Nana at binuksan ang backseat.

"Hi, girls!" nakangiting bati ni Kurt Floro at napatingin kay Arianna na naupo sa tabi niya. "Hi, baby."

"Hello," bati ng dalaga na hindi inaasahang si Kurt ang makikita niyang nasa driver's seat.

"Okay lang ba na sasama ako?" tanong ni Kurt. "Kung hindi, bababa na lang ako."

"Okay lang," sagot ni Arianna na medyo naasiwa. Third year college na siya, taking accountancy at tatlong taon na ring nanliligaw si Kurt sa kanya pero hindi pa siya handang magka-boyfriend. Mula sa angkan ng military si Kurt. Ang lolo nito ay dating Leutenant general at ang ama naman nito ay kasalukuyang vice admiral pero mas pinili nitong maging architect kaysa sundin ang yapak ng pamilya. Maraming nagkakagusto sa binata lalo na't chinito ito, matangkad at Lamborghini ang sportscar nito. Marami ang nagsasabing ang swerte niya dahil siya ang nililigawan nito pero wala pa talaga siyang balak na sagutin ang binata. Isa pa, paano siya masilaw sa yaman nito kung ang Lamborghini na sasakyan ay pinapagamit lang nila sa katulong kapag mag-dayoff?

Ang Prinsesa at ang mga MangyanWhere stories live. Discover now