chapter 15

2.1K 155 18
                                    









Unedited...






"Maraming salamat sa pagligtas mo sa apo ko," pasalamat ni Kyler kay Brandon.

"Walang anuman po. Maraming salamat din po sa tulong ninyo sa aming mga mangyan," pasalamat din ng binata.

"Kung may kahilingan ka, sabihin mo lang at ibibigay namin kung kaya," seryosong sabi ni Kyler na napatingin sa asawang busy sa pakikipag-video chat sa matalik nitong kaibigang sina Kim, Anne at Aira.

"Wala na po, sapat na po sa amin ang lahat ng naitulong ninyo," sagot ng binata.

"Naku, baka may kulang pa," sabat ni Yna na tapos nang makipag-group call tapos lumapit sa kanila. "Nag-aaral ka sa Westbridge, no?"

"Opo."

"Ah, mabuti naman. May girlfriend ka na ba, apo?" tanong ni Yna na napangiwi. "Bakit ba ngayon may tinatawag na akong apo?"

"Matanda ka na kasi," biro ni Kyler.

"Ikaw rin naman ah!" sabi ni Yna at napatingin kay Brandon. "Ang pogi mo namang mangyan. Saan ba ang buntot mo, sa harapan?"

"Yna!" saway ni Kyler na pinandilatan ang asawa.

"Biro lang," bawi ni Yna.

"Wala pa po akong girlfriend."

"Ah, hindi ba kayo ni Arianna?" tanong ng matanda. "Mukhang kayo na yata eh."

"H-Ha?" Kinabahan siya at napasulyap kay Kyler.

"Wala namang problema sa amin kung nagmamahalan kayo," sabi ni Kyler at tinapik siya sa balikat. "Mag-aral ka lang nang mabuti at dapat alam mo ang limit ninyo."

"Hala, parang hindi nagbinata," sabi ni Yna. "Alam mo bang maagang nagkaanak 'yang si Kean? Akala namin nagbibiro lang siya noong una."

"Mom?" ani Kean na lumapit sa kanila. "Huwag mo na ngang ikwento, alam na niya."

"Ah, alam ba niyang naubos mo ang isang box ng condom sa loob ng isang linggo lang?"

"Mom? Irene donated it at hindi ko ginamit!" paliwanag na naman ni Kean na kulang na lang ay lumabas sa balat. Sinong matinong ina na magregalo ng isang karton ng condom sa anak para hindi na muna magkaanak ulit?

"Whatever, Kean! Dami mong palusot!" sabi ni Yna. "Oh siya, alis na kami. Let's go, Kyler."

"Mauna na kami," palaam ni Kyler na gusto na ring umuwi bago pa kung ano ang mabigay na advice ng asawa kay Brandon.

"Pasensya ka na kay Mommy Yna," paumanhin ni Kean nang makaalis ang mga magulang.

"Okay lang po," sagot ng binata. "Si Arianna?"

"Nasa kuwarto," sagot ni Kean. "Puntahan mo na nga at sabihing kakain na. Baka umiiyak na naman 'yon!"

"Okay po," sagot ng binata.

"Teka, pumunta ka nga sa hardin tapos kuha ka ng bulaklak doon, bigay mo kay Arianna para ilagay niya sa flower vase niya." Utos ni Kean.

"Okay po."

Lumabas muna ang binata at naghanap ng magandang bulaklak. Pulang rosas ang pinili niya saka muling bumalik sa bahay at pinuntahan ang dalaga sa kwarto.

Kumatok siya ng tatlong beses bago binuksan ang pinto.

"Can I come in?"

"Pasok ka," sabi ng dalaga na muling dumungaw sa bintana.

"Bulaklak pala," sabi ni Brandon nang lapitan ito kaya hinarap siya ng dalaga.

"Para sa akin?"

"Oo," sagot ng binata sabay abot sa dalaga. "Ilalagay mo ba sa flower vase mo?"

Ang Prinsesa at ang mga MangyanWhere stories live. Discover now