chapter 6

1.6K 157 8
                                    











Unedited...






"Missing pa rin si Kurt," pagbalita ni Kean sa anak matapos nitong kausapin ang mga Lacson. Lacson ang pinakamatinik pagdating sa pagpalaganap ng katarungan sa kanilang pamilya. Malayong kamag-anak na sila kung tutuusin pero dahil intact pa rin ang komunikasyon nila, hindi nawawala ang pagiging malapit ng kanilang pamilya.

"Bakit?"

"Hindi pa nahahanap. Pati pamilya niya, palipat-lipat na rin ng tahanan. Sa ngayon, nasa Mindanao ang ama nito kaya hindi pa mahahanapan ng tiyempo nina Dylan pero binabantayan na ang bawat kilos."

"Sina Brandon?" nag-aalalang tanong ng dalaga.

"May nagbabantay na sa kapatagan kaya huwag ka nang mag-alala."

"Pero Dad, kalat ang tribu ng mga mangyan," sabi niya. "Hindi lang ang Iraya mangyan ang lumalaban dito kundi buong pangkat nila."

"Hayaan mo, sina Dylan na ang bahala kaya huwag kang mag-alala, okay? Kumain ka na ba? Nangitim ka roon a. Buti at tumaba ka."

"Pinapakain po nila ako," sagot niya at unang naalala ang uok. Pagdating niya noong isang araw, nakahanda na ang medical team para suriin siya at masasarap na pagkain sa mesa pero wala naman siyang ganang kumain.

"Sigurado kang hindi ka nila ginawan ng masama?"

"Dad, mababait po sila at si Brandon ang rason kung bakit ako buhay ngayon. Utang ko ang buhay ko sa kanya," sabi ng dalaga na hindi makalimutan ang kabutihang ipinakita ng pamilya ng binata. Nakakalungkot lang dahil hindi na siya nakapagpaalam sa mga ito. Ayaw naman siyang payagan ng pamilya na bumalik pa roon.

"May naipadala na kami kaninang relief goods sa kanila. Nagdala na rin kami ng limang karton ng sardinas at noodles tapos tulong pinansyal. May kape, gatas, bigas at tinapay rin."

"Salamat po," pasalamat niya at dumungaw sa bintana. Nakakapanibago lalo na't gawa sa kahoy ang bintanang madalas niyang sinisilip sa Mindoro at mga puno ang nakikita. Sa ganitong oras, naririnig na rin niya ang halakhak ng kabataang naglalaro at ang iba ay umaakyat sa puno tapos ang kababaihan ay gumagawa ng basket at pagkatapos ay maglalaga ng kamote o saging.
"Sina Rose Nana at Tin Talamante po? May balita na kayo?" tanong niya at isinara ang bintana pati kurtina.

"Wala pa rin pero sabi ng pamilya nila, missing din silang dalawa," sagot ni Kean.

"Malamang nagtago," wika niya. "Siyempre hindi rin aaminin ng pamilya kung nasaan ang mga traidor na 'yon!"

"Nagpa-blotter ang pamilya nila," sabi ni Kean.

"Talaga? Anong drama na naman 'yon? Malamang takot!" sabi niya na sabik nang manampal sa mga ito.

"Kailangan natin ng ebidensya na tinangka ka nilang patayin," sabi ni Kean.

"Dad, gusto ko silang mabulok sa kulungan!"

"Gusto ko silang patayin!" gigil na sabi ni Kean na handang pumatay ng tao anumang oras.

"Daddy?" tawag ni Irene nang pumasok.

"Mommy Irene?" malambing na sagot ni Kean at nginitian ang asawa. "Miss mo na 'ko?"

"Nasa baba sina LL at hinahanap kayo," sagot ni Irene na minsan ay napipikon sa sobrang lambing ni Kean kahit na maraming tao.

"Tara, baba tayo, Princess," yaya ni Kean at lumapit sa asawa saka inakbayan ito. "Mommy Irene? Boom boom paw tayo mamaya."

"Tigilan mo nga ako!" saway ng asawa at kinurot sa tagiliran si Kean pero ngingiti-ngiti lang ang loko.

Ang Prinsesa at ang mga MangyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon