Chapter 2

1.8K 148 9
                                    







Unedited...






"Salamat," pasalamat niya sa dalagitang nagdala sa kanya ng pagkain.

"Kain ka po para bumalik ang lakas mo," sabi nito.

"Marunong kang magtagalog?" manghang tanong niya.

"Opo. Tinuturuan po kami ng ibang nakapag-aral sa amin," sagot nito na titig na titig sa kanyang mga mata.

"B—Bakit?"

"Wala po," sagot nito sabay iling. "Ang ganda mo po kasi tapos ang puti mo pa. Para kang diwata."

"K—Kakainin ba ninyo ako?" natatakot na tanong niya. Kanina, sumilip siya sa bintana at nakita niyang sumasayaw ang mga kalalakihan na para bang gumagasa ng ritwal.

"Hindi po. Mababait kami kaya huwag kang mag-alala."

"S—Sino pala ang lalaking . . . 'yung matangkad tapos mahaba ang buhok," tanong niya. Gusto pa sana niyang idagdag na masungit kaso baka mas lalo pa siyang mapahamak.

"Ah, anak 'yon ng leader namin, si Brandon."

"Brandon?"

"Oo, yun kasi ipinangalan sa kanya ng kanyang ama."

"Ah, salamat pala."

"Wala iyon. Pasensya ka na sa ulam namin, 'yan lang ang makaya namin," paumanhin nito kaya napatingin si Arianna sa bowl na may lamang tinolang manok.

"Naku, maraming salamat. Ang sarap niyan sigurado," sabi niya.

Lumabas na ang dalagita na nalaman niyang Mica Grace Rustia ang tunay na pangalan.

Humigop siya ng sabaw at nilagyan ng kaunting kanin ang bowl para magkaroon ng lakas. Nanghihinaan na siya ng loob pero kailangan niyang lumaban. Nang mabusog, sumilip siya sa bintana. Limang bahay ang nandito na lahat ay gawa sa nipa ang bubong at kawayan ang dingding. Napapalibutan sila ng maraming punong-kahoy at saging. Sa paligid ay malayang gumagala ang mga native na manok.

"Mangyan," ulit niya. Hindi lahat ng nakikita niya ay nakabahag. Ang iba lalo na ang dalagita ay lumang tshirt at shorts ang suot pero ang matatanda ay nakabahag. Napahawak siya sa makirot na ulo. May malaki siyang sugat dahil sa pagkakahampas sa malaking bato pero ngayon ay papahilom na.

Narinig niya ang mga yabag kaya naupo siya nang maayos sa gilid. Nang bumukas ang pinto, napatingala siya kay Brandon na nakatingin sa kanya.

"Lumabas ka para maarawan ka."

"O—Okay lang ba?" tanong niya.

"Oo."

"Sige," sagot niya at tumayo. Gusto rin niyang makalanghap ng sariwang hangin. Napag-isip-isip niya kagabi na magpapakabait siya para makuha ang loob ng mga ito at pauwiin na siya pero hindi pa rin niya alam ang tunay na nangyayari.

Nang makalabas ng bahay, nagsitago ang ilang mangyan kaya napangiwi siya.

"Isa sa pinakamahiyaing tribu ay ang mga mangyan," sabi ni Brandon habang naglalakad sila patungo sa ilalim ng malaking puno na may mahabang upuang gawa sa kawayan.

"Ano ang sabi mong Iraya mangyan kayo?" Napaatras siya nang hinarap siya ni Brandon. "K—Kung hindi mo masamain pero kung ayaw mong sagutin, okay lang."

"Binubuo ng walong pangkat ang mga mangyan. Iraya, Alangan, Ratagnon Tadyawan, Tawbuid, Bangon, Hanunuo at Buhid," sagot nito.

"At Iraya Mangyan kayo," aniya pero hindi na siya sinagot ng binata.

Ang Prinsesa at ang mga MangyanWhere stories live. Discover now