Chapter 10

1.8K 153 22
                                    







Unedited...









"Magandang araw!" masiglang bati niya nang lumapit ang mga bata. Sabado ngayon at magpapakain siya ng lugaw na may itlog sa mga ito tapos mamigay ng tsinelas at papel sa kanila. Kaunti lang naman ang mabibigay niya mula sa kinikita niyang paggawa ng TV ads pero para sa mga mangyan ay malaking tulong na ito.

"Hello po, princess Arianna!" sabay na bati ng mga ito kaya natawa siya. Princess Arianna na nga ang tawag ng mga mangyan sa kanya kaya hindi na siya tumutol pa.

"Pumila kayo ha. Isa-isa at huwag kayong mag-alala, lahat ay makakatikin nitong lugaw," sabi niya kaya pumila ang mga bata.

"Napatingin siya kay Brandon na inilapag ang malaking kalderong may lugaw sa gilid ng mesa at kumuha ito ng plastic cup at dalawang malalaking sandok.

Nang mabigyan na nila ang mga bata ay naupo rin sila sa paborito niyang kubo na sa gilid ng palayan para kumain ng umagahan.

"Gusto mo ng pakpak?" tanong ni Brandon na inilagay na sa plato ng dalaga ang laman.

"Salamat," pasalamat ng dalaga na binalatan ang itlog pero kinuha ni Brandon at siya na ang nagbalat.

"Kumusta ang pag-aaral?" tanong niya.

"Nahirapan ako sa English at sa computer subject pero okay lang, kaya naman," sagot ng binata.

"Kaya mo 'yan," sabi ng dalaga.

"Kakayanin," sagot ni Brandon na kinuha ang bamboo container sa ilalim ng mesa na dala niya kanina.

"Ano 'yan?" nagtatakang tanong niya na nakatingin sa nakaukit sa kawayan.

"Ambahan," sagot ng binata. "tawag sa panitikan naming mga mangyan lalo na ng mga Hanunuo. Kagaya nito, nakaukit siya sa kawayan gamit ang kutsilyo at isinasalin-salin sa kabataang mangyan para hindi mawala ang tradisyon at unique na literatura namin."

"May mga paniniwala ba kayo or kagaya ng mga diwata or what?" curious na tanong niya.

"Mahal na Makaako," sagot ni Brandon. "Niniwala kaming siya ang naglikha sa amin at si Binayi naman ay ang paniniwala ng karamihan ay may-ari ng garden na kung saan namamahinga ang lahat ng spirits," pagkukuwento ng binata. Nakikinig naman si Arianna sa kanya kaya naganahan  siyang magkuwento. "Binayo, sacred female spirit na tagapangalaga ng rice spirits or kalag paray tapos ikinasal siya kay Bulungabon." Napatingin siya kay Arianna na matamang nakikinig sa kanya. "Okay ka lang?"

"Oo, tuloy mo lang," sagot ng dalaga at itinuon ang tingin sa pagkain.

"Ano pa ba ang gusto mong malaman?"

"Tungkol sa pag-aasawa ninyo. Sabi mo pwede na ang sampung taon? Paano naman kayo ikinakasal?"

"Ah," wika ng binata na napatingin sa hawak na kawayan. "Sa aming mga iraya mangyan, kailangan nating hilingin ang basbas ni Apo Iraya na diyos nga namin tapos kailangang matulog ng mag-asawa gabi-gabi sa lahat ng kamag-anak ng babae at lalaki at kapag magawa na nila iyon, ganap na silang mag-asawa."

"Hala, eh di ang hirap nun. Paano kung marami kayong kamag-anak?" bulalas ni Arianna.

"Hindi na rin naman pina-practice 'yan ngayon kung ayaw nilang dalawa," sagot ng binata.

"Sa lahat ba ng mangyan?"

"Sa ibang tribu, iba rin. Mayroong sa unang gabi nila, dapat katabi nila ang pinsang babae ng babae at pinsang lalaki rin ng lalaki tapos sa pangalawang gabi, sila na lang ang magkasama at sa pangatlong gabi, doon na sila matutulog sa bahay ng mga magulang ng lalaki tapos ganap na silang mag-asawa."

Ang Prinsesa at ang mga MangyanWhere stories live. Discover now