Ending...(epilogue)

3.2K 202 31
                                    











Unedited......










"Ano ang masasabi mo sa pag-export natin sa mga gawa ng mga katribu mo?" tanong ni Kean habang nagkakape silang dalawa sa sala.

"Isang magandang oportunidad po ang binigay mo sa amin. Nang dahil sa ginawa ninyo, mas lalong nakilala ang talento naming mga mangyan at higit sa lahat, marami ng bata ang nakapag-aaral at nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng magandang buhay." Nagpapasalamat din siya sa mga Lacson dahil sa malaking tulong nila sa kanya lalo na't hinasa siya para maging personal bodyguard ni Arianna.

"Hindi ka magiging successful kung wala kang inilalagay na effort," sabi ni Kean na uminom ng kape.

"Oo nga po," pagsang-ayon ng binata na masaya dahil sa susunod na taon ay magtatapos na siya ng kanyang kursong pol-sci. Si Arianna naman ay naka-graduate na at nagpapatayo ng sariling boutique.

"Maayos na rin naman ang lahat at sana huwag nang mapahamak pa ulit ang anak ko," sabi ni Kean na nakahinga na nang maluwag. Pinasadahan niya ng tingin si Brandon, ang laki na ng ipinagbago nito lalo sa porma.

"Cakes and cookies!" sabi ni Arianna na may dalang merienda. "Bagay sa coffee."

Inilapag niya sa center table ang dala at lumapit kay Brandon saka naupo sa kandungan nito tapos ipinulupot ang mga kamay sa leeg ng kasintahan.

"Anong gusto mo, cake, cookies o ako?" pilya niyang sabi at natawa nang makitang pulang-pula ang mukha ni Brandon.

"Umayos ka, Arianna!" saway ng ama na hindi maipinta ang mukha. "Maupo ka nang maayos!"

"I'm sitting properly," sagot ng dalaga. "Joke lang, Daddy." Agad na umalis siya sa kandungan ng kasintahan nang makitang hinubad ng ama ang tsinelas nito na ibabato na sana sa kanya.

"Mahiya ka naman sa mga tao rito!" saway ni Kean na ang iksi pa ng shorts ng anak.

"Bakit kayo ni Mommy, ganyan naman kayo ah."

"Mag-asawa kami!"

"Eh di magpapakasal na kami ni Brandon!"

"Tigilan mo ako, Arianna!"

"Nasa tamang edad na kami a. Kaya lang naman nahuli si Brandon dahil tumigil siya sa pag-aaral noon. Sabay naming tuparin ang pangarap namin na kasal na."

"Tama na!"

"I'm pregnant!" seryoso ang mukhang sabi ni Arianna kaya pati si Brandon ay nagulat. "I-I'm two weeks pregnant, Dad."

"Fuck!" pagmumura ni Kean. "Alam mo ba ang ginagawa mo, Arianna?"

"Yes po. Isa pa, ready na po akong maging isang ina, Daddy. Ikaw nga po, tumatanda. Ayaw mong magkaroon ng apo?"

"Alam mo bang hindi ganoon kadali ang maging isang ina?"

"Lahat ng babae ay nahihirapan maging ina pero nakakaya naman nila," depensa ni Arianna habang nakahawak sa tiyan. "I-I'm sorry, Daddy."

"Sorry? Hindi ka talaga nag-iisip!" inis na sabi ni Kean at napahilamos sa mukha.

"D-Dad kasi . . . I'm sorry," hinging paumanhin ni Arianna na tumulo ang mga luha. "Alam kong nangako kami sa 'yo na hindi namin gagawin pero h-hindi kasi talaga namin naiwasan lalo na't palagi kaming kasama tapos mahal ko pa si Brandon..."

"Y-Yanna," usal ni Brandon na hindi alam ang gagawin lalo na't umiiyak na ang kasintahan.

"Brandon, ano 'to?" seryosong tanong ni Kean. "Hindi ba't nangako ka sa akin na gagraduate ka ng virgin?"

Ang Prinsesa at ang mga MangyanWhere stories live. Discover now