9

1.7K 154 19
                                    








Unedited...








"Daddy! May pasalubong po si Brandon," sabi ni Arianna nang pumasok sa dining room ang parents.

"Kamote?" tanong ni Kean at hinila ang silya para makaupo si Irene at naupo rin siya sa tabi nito.

"Nope. Suso po."

"Suso?" ulit ni Kean. "Naku, loyal ako sa suso ng mommy mo."

"Hindi nakakatawa, Kean!" sabi ni Irene na kulang na lang batukan ang asawa.

"Ano ba kasi ang suso?" curious na tanong ni Kean.

"Sa ilog. Yung gumagapang!" sabi ni Irene. "Suso lang, hindi mo pa alam?"

"Tinuruan kami ng parents namin na maging faithful sa asawa," seryosong sagot ni Kean na alam naman niyang iba ang tinutukoy ng mga ito pero hindi lang niya alam kung ano ba ang suso.

"Basta kainin mo na lang," sabi ni Ariana. "Masarap itong adobo sa gata dahil tinuruan ako ni Brandon."

"Mabuti at kampante ka sa personal bodyguard mo," sabi ni Kean na nakita ang grades ni Brandon at matataas ang marka nito ngayong unang semester.

"Mabait po si Brandon at kaibigan ko," sabi ng dalaga at napatingin sa katulong na inihain ang ulam nila. "Kain na po tayo. Basta try mo 'to daddy, masarap."

Nilagyan ni Arianna ng bayuko ang plato ng ama. Sa una, medyo nakukunatan si Kean pero tolerable naman ang lasa at nakakain ito.

Nang patapos na sila ay tumayo si Arianna at tumungo sa kusina tapos agad namang bumalik.

"Ano 'yan?" tanong ni Kean nang makita ang uok sa ibabaw ng mesa. "Bakit may malaking uod ka at naka-bowl pa?"

"Uok po ito, daddy."

"Pakialam ko! Tapon mo nga 'yan!"

"Kinakain yata 'yan," sabi ni Irene na nakikita sa TV na kinakain ng tagaprobinsya.

"Opo, masarap po itong panghimagas at rich in protein po," sabi ni Arianna.

"Pakialam ko? Alisin mo 'yang uod sa harapan ko!" utos ng binata.

"Daddy naman, tikman mo, sige na, please."

"Hindi ka—yuck!" nasusukang wika niya nang makitang kinain ng anak ang isang piraso ng uok. "Seriously, Arianna?"

"See? Kinakain po siya at masarap naman."

"Never!" tanggi ni Kean. "Kumain ka kung gusto mo pero ayaw ko! Magkamatayan man tayo!"

"Try mo lang tapos kapag ayaw mo talaga ng lasa, huwag mo nang ituloy."

"Huwag mo akong bwesitin, Arianna. Kung ano ang natutunan mong kainin sa mga mangyan, huwag mo akong idamay! Ayaw ko!" todo tanggi ni Kean at tumayo. "Nawalan na ako ng gana!"

"Sorry, Dad!" pahabol ng dalaga pero ni hindi man lang siya nilingon ng ama.

"It's okay. Hayaan mo siya," sabi ni Irene.

"Mom, try this."

"I'm sorry, I won't." Tanggi rin ni Irene na ayaw talagang kumain kaya nirespeto na lang ni Arianna ang mga magulang. At least kinakain ng mga ito ang ibang pasalubong ni Brandon.

Nang matapos silang kumain ng tanghalian, tumungo siya sa kwarto at nahiga upang matulog muna dahil may lakad sila ni Brandon mamaya. Nahuli na raw sina Kurt kaya balak niyang dalawin sa kulungan at nang masampal man lang.

Alas 2:30 ng hapon siya magising. Naligo muna siya at nang mapatuyo ang buhok ay naupo sa terasa para magpahangin muna habang hinihintay si Brandon pero tumawag naman ito na baka alas singko pa ang uwian nila. Tumayo siya at nagpalit ng damit. Puting blusa at skyblue na mahabang palda ang isinuot niya tapos brown sandal.

Ang Prinsesa at ang mga MangyanOnde histórias criam vida. Descubra agora