Sierra 41

150 5 4
                                    

Xandra's POV

Kina-umagahan ay agad na kaming nag-ayos  ng aming sarili sa kadahilanang gutom na kami at sinabihan kami ni tanda na pumunta sa kanyang office after naming ihanda ang aming sarili ngunit napag pasyahan namin na pumunta na muna sa cafeteria upang mag umagahan

"You're all so bagal talaga kumilos, Make it fast because I'm so gutom na" paalala ni Elyse sa mga iba pa naming kasama, hindi ko naman siya masisisi dahil alam kung lahat kami ay nakararamdam nang gutom kasi wala ni isa sa amin ang nag hapunan at dumaretso na kami sa aming mga kama upang makapag pahinga

"Oo nga naman, wag na kayo magpa bagal bagal pa at para makakain na din tayo" pangse-sermon ni Wynter sa sakanila ngunit hindi maganda ang naging kinalalabasan

"Hep! anong sabi mo? kami ang mabagal? Eh halos pumuti na ang mga buhok namin sa kakahintay sayo kanina!!" dramatikong sabi ni Aiden

Kahit gusto man silang sitain at sabihin na wag na silang mag away ngunit hindi ko magawa dahil miski ako ay wala ng energy upang pag sabihan sila

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay bigla na lamang akong nagulat nang may biglang humawak sa aking mga braso kaya wala akong nagawa kundi tignan ito

"Hey, are you okay? Kanina pa kita tinatawag pero mukhang malalim ang iniisip mo at naka tingin ka sa kawalan" nag-aalalang tanong ni Fire na nakapag-palakas ng tibok ng puso ko dahil lahat ng ginagawa niya nitong mga nakaraang araw ay nakaka panibago lahat

"U-uh yeah, I'm just hungry and I don't much energy yet" Sagot ko nalang at mas lalo akong nahiya nang bigla siyang natawa sa pagkaka-utal ko

*Chuckles* "You don't have to stutter" muling sabi niya ngunit umiwas nalang ako ng tingin dahil sa hiya, at dahil sa ginawa ko ay muli meron siyang binulong na hindi nakatakas sa aking pandinig "Cute" isang salita ngunit nakapag iwan ng milyon milyong emosyon sa aking tyan, tila ba napaka daming paru-paro ang nagli-liparan dito.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ngunit nitong mga  nag-daang araw ay napaka laking epekto ng mga ginagawa ni Fire sa akin, isang hawak lang niya ay tila bang nasusunong ang aking balat at isang tawag lamang niya sa aking pangalan ay para bang hinahabol ako sa sobrang bilis ng tibok ng aking puso

"Hey, wag na kayong mag talo dyan at lahat tayo'y gutom na kaya't halina kayo para matapos na ang lahat" ang sabi ni Kuya Zach na nakapag balik sa akin sa tamang wisyo

Dahil utos ng leader ay agad silang nag ayos at nag simula ng pumunta sa cafeteria kaya naman ay agad kaming nakarating dala na rin ng walang nagtakang mag salita sa sobrang gutom na din

Nasa bungad palang kami ng pinto ng cafeteria ay rinig na rinig na namin ang malakas na tawanan at maingay na kapaligiran ng cafeteria na nakapag pa lawak ng ngiti sa aking labi dahil hindi ko maitatanggi na masaya ako at nakauwi kami ng ligtas at buong buo

"Punta na kayo sa seats natin at kami na ang bahalang mag-order ng food na kakainin nating lahat" mahinahon at nakangiting sabi ni Zeke sa aming lahat na sinunod naman namin na walang reklamo

"Hey Xands, saw you and Fire talking kanina, ano pinagusapan niyo? yiee are you two dating ba?" Mapang asar na tanong ni Avery sa akin na nakapagpa kuha ng atensyon ng iba pa kaya naman tinignan nila akong lahat ng may nangaasar na tingin

Dala ng hiya ay hindi ako nag salita at siguro napansin nilang wala akong balak sumagot kaya sabay sabay silang natawa sa inasal ko

Kaidan's POV

"Punta na kayo sa seats natin at kami na ang bahalang mag-order ng food na kakainin nating lahat" dinig kung utos ni Zeke sa mga girls na walang reklamo nilang sinunod kaya naman ay habang papunta sila sa aming pwesto ay wala kaming ibang ginawa kundi ang pag masdan lamang sila

Aking pinagmamasdan si Kylie ng bigla kong narinig ang tanong ni Aiden kay Fire kaya na baling naman ang aking tingin sa kanilang dalawa

"Hoy apoy, ano pinag-usapan niyo ni Xandra? Ikaw ha, masyado ka ng tsumatsansing at sinakto mo pang busy ang lahat nang lapitan mo siya pero sorry ka, nakita ko ang lahat" Mapang asar na tonong pagtatanong niya kay Fire

Nakita naman naming ngumiti si Fire kaya sabay sabay kaming napa iling

"Ha? Nothing, I just asked her if she's okay because ang layo ng tingin niya" simpleng sabi ni Fire na pinaniwalaan naman namin dahil hindi imposible iyon

Oorder na sana kaming mga lalaki ngunit napalingon kami sa sobrang lakas ng tawa ng babae at nakita namin na tinatawanan nila ang nakayukong si Xandra na siguro ay nahihiya

"Tsk, tinatawanan nanaman nila ang kapatid ko" sabi ni leader

"KAPATID?!!!" sabay sabay na sabi naming lahat dahil sa gulat "MAGKAPATID KAYO?" dagdag pa namin

*Laughs* "Fools, no we're not okay, pero kapatid na ang turing ko sakaniya dahil magka-edad din sila ng prinsesa" sabi niya at nag-order na siya nang makakain naming lahat

"Hey tara na, dalhin na natin ito sa table para makapunta na din tayo sa office ni Hm" sabi ni Kieran saming lahat kaya kanya kanya kaming bitbit ng mga pagkain

Pagka rating naming lahat sa table ay napagpa salamat na lang ang mga babae at wala na kaming ibang narinig kaya nagsimula na kaming kumain dahil alam naman namin na lahat kami gutom na

~~~~~~~~~~~~~~~
A/n Hi guys I hope you enjoy this chapter!! Humihingi din po ako ng pasensya at ang tagal kong hindi nag-updatee, babawi po ako at maguupdate na po ako every other day!

I love you all

Sierra Wonderland Academy (On-hold)Where stories live. Discover now