Sierra 02

2.8K 65 0
                                    

Unkown's POV
*kring kring* *kring kring*

Napamulagat ako sa inis ng dahil sa walang sawang pag iingay ng aking alarm clock, bago pa man ito makapag ingay muli ay pinatay ko na ito at baka maibato ko pa ito dahil sa inis, maghahanda na lamang ako kasi unang araw naman na ng pasukan ngayon

Matapos ang ilang minutong pagkukuskos ay natapos narin ako sa wakas, hindi na ako nag lagay ng kung ano anong kolorete sa aking mukha dahil ako ay maganda na kahit kay simple lang tignan

Ako nga pala si Xandra Yvonne, isang kinatatakutan dahil sa pagiging cold ko sa aking paligid at idagdag na natin  ang pagiging Student Council President ko, pero hindi nila alam na sa kabila ng isang kinakatakutan at sing tigas ng yelo ang aking ugali ay may pagka isip bata din naman ako lalong lalo na sa aking mga magulang

Tama na muna ang pag papakilala dahil baka sa unang araw pa lamanf  ng pasukan ay late na agad ako, mamaya nalang ulit byeeee

Third Person's POV

Pagka babang pagka baba ni Xandra ay saktong pagkaluto ng kanilang almusal

"Anak, halika na dito at tayo ay mag almusal, dalian mo baka malate ka sa school, first day pa naman" tawag sakanya ng kanyang mommy

"Morning mmy, morning ddy" kanyang tugon at sabay halik sa pisngi ng kanyang mga magulang

Pagkatapos ng kanilang batian ay nagsimula na silang kumain at sinabayan nila ito ng masayang kwentuhan. Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam na ito sa kanyang mga magulang

"Una na po ako mmy and ddy" paalam nito

"Sige anak, mag iingat ka at wag mo sila masyado takutin sa pagiging cold mo" sabi ng kanyang daddy

"Sige po ddy" kanyang tugon bago lumabas ng kanilang bahay

"Iha, aalis na ba tayo?" tanong ng kanilang family driver

"Opo manong"

"Osya, halika na at baka malate kapa iha"

Nagsimula ng magdrive ang kanilang driver at si Xandra naman ay nakatingin lamang sa bintana ng sasakyan at ang lalim ng iniisip

Ilang minuto lamang ang lumipas ng sila ay nakarating na sa pinapasukan niya, at kung hindi niya pa nasasabi ito sainyo (readers) sakanila ang school na to, ngunit walang kahit na sinong may alam dahil ayaw niyang malaman ng iba at baka isipin pa nila na siya ay nanalo lamang bilang student council president dahil anak siya ng may ari ng eskuwelahan

Xandra's POV

Hii I'm back, well I'm sure na sinabi narin naman ni author na kami ang may ari ng school na to, yes it's true pero walang kahit na sinong may alam dahil sa ayoko at baka lumapit lamang sila sa akin upang magpa-sipsip

Eto ako ngayon naglalakad mag-isa sa gitna ng hallway, pansin ko din ang pagdistansya ng mga istudyante sakin at ang pa-simple nilang pag-sulyap sa akin, dahil lahat sila ay takot sa akin sa kadahilanang ako ang SC president at dahil sa kilala ako sa pagiging cold ko sa paligid ko.

Patuloy parin ako sa paglalakad ng biglang may lumapit sa akin na isang lalake, tinitigan ko itong mabuti upang maalala kung saan ko nga ba ito nakita *ting* ahhhh naaalala ko na siya nga pala yung three consecutive years MVP ng volleyball at ang leader ng The Empire Llamas or TEL

"Para sayo pala" sabay abot ng isang rosas na may kasamang tsokolate

lahat ng naka saksi ay gulat na gulat sa nangyari dahil kilala ang lalaking to na iwas sa babae at bola at pagaaral  lang ang inaatupag

"Uhmm thankyou" aking sabi sabay ngiti na mas lalong nakapag pa gulat sa mga tao dahil ni minsan ay hindi pa ako ngumiti sa harap nila "Una na ako, salamat ulit" hindi na siya nakasagot dahil sa pagka tulala, kaya kinuha ko yung pagkakataong yun upang makaalis sa ganoong sitwasyom dahil hindi ko rin naman alam ang dapat gawin

Nasa hallway palang ako ay rinig na rinig ko na ang mga sigawan at malakas na tawanan na nangga galing sa room namin, at ng papasok na ako ay bigla silang umayos at tumahimik

Btw nagtataka siguro kayo bat ako nagiisa, well I can say that I'm a loner, ayoko napapalapit sa mga tao kaya nakaupo ako sa pinaka dulong upuan ng room katabi ng window at kung nagtataka ulit kayo kung may katabi ba ako, well sorry to say bakante ang upuan sa tabi ko.

Lumipas ang ilang minuto kung pagka tunganga ng dumating na ang aking teacher sa siyensiya

*fast forward*

Uwian na namin, as usual nakaka bagot at nakaka inip, lalo na't hindi ako nakikinig dahil hindi ko kailangan non, Matalino ako hindi naman sa pagmamayabang pero isang scan ko lang sa mga libro ay kuhang kuha ko na ang dapat kung matutunan.

Nakalabas na pala ako ng school at ngayon ay pauwi na kami sa bahay, tahimik lamang akong nakasakay sa kotse habang nakatingin sa labas ng bintana, sa sobrang pagmumuni muni ko ay hindi ko na napansin na andito na pala kami

"Iha andito na tayo, baba kana" sabi ni manong

"ah opo manong, salamat po" at tuluyan na akong bumaba sa sasakyan

"Halika na iha, kain kana wala pa ang mommy at daddy mo kaya ikaw lang ang magisang kakain"

"Salamat po manang"

Pagka tapos kung mag dinner ay napag pasyahan ko na umakyat na lamang sa aking silid upang magpahinga tutal nakakapagod din naman ang unang araw ng pasukan

Humiga na ako sa aking kama at hihintayin ko na lamang na kainin na ako ng dilim

Good night!!

~~~~~~~~~~~
A/n Hii sana magenjoy kayoo sa pagbabasa, please comment down below kung may suggestions kayo and reaction niyo, thank youu!!!

Sierra Wonderland Academy (On-hold)Onde histórias criam vida. Descubra agora