Sierra 37

258 13 0
                                    

Xandra's POV

Hi guys 2:30 am na kaya naman pinili ko ng bumangon upang makapag luto ng aming kakain para sa aming umagahan

Mabilis lang akong natapos sa aking ginagawa dahil pinili kong lutuin ang madaling putahe at iyon ang Fried rice dahil madaming kanin ang natira sa pagkain namin kagabi at sayang naman kung itatapon lang namin iyon

Pagka luto ng fried rice ay gumawa ako ng Chicken Sandwich upang may babaunin kami sa aming pagla-lakbay patungo sa Meadow Ever Glow Forest pero hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung paano kami makakarating doon ng mas maaga at mas madali na hindi na namin kakailanganin harapin ang mga naghi-hintay sa amin sa dalawang gubat na isinumpa

"Hey are you done cooking?" tanong ng isang tao sa aking likod at hindi na akong nag-abala pang tignan ito dahil boses palang ay kilala ko na at siya lang naman ang mahilig sumulpot at bigla bigla nalang magsa-salita

"Hey don't do that and yes I'm done cooking our breakfast" sabi ko sakanya

"Stop doing what?" tanong niya sa akin pero hindi na ako nakapag-salita dahil may biglang tumili sa aming likuran

Pag-lingon ko sa kanila ay nakita kong nakahilera ang mga babae at may nakakaloko silang mga tingin at ang mga lalaki naman ay nasa likod at nakangisi na para bang may nasaksihang kung ano

"Hey lapit na kayo dito para masimulan na natin agad ang mission dahil kailangan na natin matapos agad bago pa tayo maunahan ng kabilang kampo" sabi ko sakanila at sumunod naman sila ngunit hindi pa din nawawala ang mga kanya kanya nilang reaksyon

Nag-simula na kaming kumain at dahil tahimik kaming kumain biglang pumasok sa aking isipan ang problemang kanina ko pa iniisip, kaya naman pinili kong tanungin sila upang mas mabilis kaming makaisip ng paraan

"Hey guys?" pag tawag pansin ko sakanilang lahat at sabay sabay naman silang lumingon sa akin at tumigil sa pagkain

"May alam ba kayong paraan upang makarating tayo agad sa Meadow Ever Glow na hindi na natin kailangan pang dumaan sa mga naghihintay sa atin na panganib sa dalawang isinumpang gubat" sabi ko sakanilang lahat at nakita ko naman na lahat sila ay nawala sa isipan na tila bang nagi-isip ng mabuti

"Paano kaya kung mag-teleport nalang tayo para makarating tayo agad" suhesyon ni Ate Kylie pero lahat kami ay umiling

"Hindi tayo pwedeng mag-teleport dahil agad makakaramdam ang mga kalaban kung nasaan tayo kaya hanggang maari sana ay wag tayo gumamit ng kapangyarihan" sabi ko sakanila at nakita kung tumango ang lahat

"Paano kaya kung gamitin natin ang mga Dragon natin upang sa himpapawid tayo dumaan at sa ganoong paraan ay mababawasan ang mga kalaban na ating haharapin at kung maswerte tayo ay baka wala talaga tayong makakalaban kung itatago natin ang presensiya nating lahat" mahabang paliwanag sa amin ni Kuya Zach at tumango kaming lahat dahil magandang idea naman talaga ang kanyang sinabi

"Tapusin na natin ang pagkain at sa pag-sakay sa mga dragon ay kakailanganin natin mag by partner para hindi masyadong pagod ang lahat para kung may susugod mang kalaban saatin ay may ipang lalaban pa din tayo" sabi ko sakanila kaya naman nag-simula na kaming kumain muli

"Let's get going para hindi tayo gabihin at makarating tayo ng maaga sa Meadow" saad ni Fire kaya kaming mga babae ay nagkanya kanyang punta sa aming partner kaya heto ako ngayon papunta kay Fire

Pagka rating ko sa tabi niya ay agad na akong sumakay sa Fire Dragom niya pero bago pa sila makaalis lahat ay linakasan ko pa ang pag-tago ng kanilang presensiya upang siguradong walang makakakita sa amin

"Hey, do you think tayo ang makakarating sa Meadow Ever Glow?" biglaang tanong ni Fire kaya napatingin ako sakaniya na may pagtataka

"Ha oo naman, diba sabi ko naman sainyo na uuwi tayo ng buo at hindi tayo mabibigo" pagpapalakas ko ng loob niya kaya naman pagka tapos ko sumagot ay hindi na muli itong nag salita pa

Ilang minuto na din kaming naglalakbay at masasabi ko na nasa kalahati na kami ng Dark Hedges at mabuti naman na hindi kami naka enkantro ng-

Mali pala ang inaakala ko dahil pagka dapo ng paningin ko sa ibaba ay napakaraming kalaban na tila ba ay nagpa-planong sumugod sa himpapawid kaya bago pa sila mag tagumpay ay gumawa nako ng napaka raming Ice ball at pinatama ko sakanilang lahat

Nakita ko naman na naubos ko ang mga kalaban ngunit nararamdaman ko naman ang panghihina na dala siguro ng pag gamit ng napaka raming kapangyarihan kaya kahit ayoko ay sumandal nako sa balikat ni Fire

Fire's POV
"Hey, do you think tayo ang makakarating sa Meadow Ever Glow?" biglaang tanong ko sa kanina pang tahimik na Xandra at halatang nagulat siya pero sumagot pa din siya

"Ha oo naman, diba sabi ko naman sainyo na uuwi tayo ng buo at hindi tayo mabibigo" positibong sabi niya sa akin na nakapagpa ngiti sa akin pero tulad niya ay hindi na ulit ako nag salita pa

Habang naglalakbay kami sa himpapawid ay naramdaman ko nalang na biglang bumagsak si Xandra sa balikat ko kaya tumingin ako sa paligid upang tignan kung natamaan ba siya ng kung anong kapangyarihan upang nagulat ako sa aking nasaksihan

Napakaraming kalaban ay naka handusay sa lapag at makikita mo ang ilang arrow na naka kalat sa lapag ay gawa sa yelo

Sino ka ba talaga Xandra? Bakit hindi pangkaraniwan ang kapangyarihan mo at Paano mo napa bagsak ang sandamakmak na kalaban? tanong ko sa aking isipan ngunit kahit ilang beses pa akong mag tanong ay wala naman sasagot sa mga katanungan ko

"Hey guys, bumaba na muna tayo at magpahinga dahil nawalan ng malay si Xandra" sabi ko sakanila gamit ang aking telepathy bago pa bumagsak ang katawan ni Xandra dahil walang umaalalay sakanya

Inunahan ko na sila pumunta sa lapag dahil nararamdaman ko na ilang minuto nalang ay babagsak na si Xandra

Nakita ko naman na nagsi sunuran sila kaya naman ay wala nakong ibang ginawa kundi ang hintayin sila para mapaliwanag ang nangyari

"Hey, anong nangyari sakanya?" tanong ni Winter

"Oo nga bro bakit siya hinimatay" tanong ni Zeke

"Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero ang hula ko ay pinatumba niya lahat ang sandamakmak na kalaban kaya nawalan siya ng malay dala ng sobrang pag-gamit ng kapanyarihan" mahabang paliwanag ko sakanila

"Dahil sa kondisyon ni Xandra ay magpapahinga muna tayo ng ilang saglit at ipagpapatuloy natin ang paglalakbay hanggang sa makalabas tayo sa Dark Hedges dahil hindi tayo ligtas kung dito tayo matutulog" sabi ng Leader kaya naman si Millie ay lumapit kung nasaan ang gamit ni Xandra upang kuhanin ang Sandwich na ginawa nito

"Pagkatapos nating kumain ay sisimulan na ulit natin ang paglalakbay dahil malapit ng mag gabi" ani ni Avery na sinangayunan naman naming lahat

~~~~~~~~~~~~~~
A/n Hiii guys I hope you enjoy this chapters because it's dedicated for you guys

Please comment down below if you have any complains,suggestion or even your reaction

I love you all

Sierra Wonderland Academy (On-hold)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang