Sierra 35

271 12 0
                                    

Xandra's POV

Hi guys, It's already 2:30 am at ako pa lang ang gising sa aming lahat dahil napag pasyahan ko na gumising ng maaga upang makapag-luto pako ng aming breakfast bago kami mag-simulang maglakbay patungo sa Meadow Ever Glow Forest

Ngunit bago kami makarating sa Ever Glow Forest ay dadaanan muna namin ang dalawa sa pinaka mapanganib na Gubat ito ang mga Dark hedges kung saan naninirahan ang iba sa mga Dark wizards at ang Oak Tree Wings kung saan kapag nahila ka ng mga roots ng puno ay hinding hindi kana makakaalis doon at habang buhay ka ng makukulong doon

Kung nagtataka kayo kung bakit ganoon ang nangyari sa dalawang gubat na ito dahil nasumpa ito ng dating Diyosa na pinaka makapangyarihan sa lahat na kahit ako, na pinaka makapangyarihan sa generasyon na ito ay walang maitatapat sa kapangyarihan na ibinuhos niya upang isumpa ang dalawang lugar na iyon

Dahil alam niyo na kung saan kami maglalakbay ay oras na para magluto ako ng kakainin namin para sa aming almusal at kung nagtataka kayo kung ano ba ang lulutuin ko ay mhmm, Rice Omelet nalang ang aking lulutuin upang madali at maaga kaming matatapos

Dahil kinse minutos lang ang paghahanda ng  omelet ay agad akong natapos sa pagluluto ng aming agahan kaya naman pagka-tapos ko sa pagluluto ay agad na akong umakyat sa aking kwarto upang ayusin na ang aking sarili

Pagka-akyat na pagka-akyat ko at dumiretso na ako sa shower room upang makaligo na at makapagayos na ng mabilis, sapagkat ayokong matagalan kami sa pag-alis at dahil nasa isip ko na kailangan nasa kalahati na kami ng gubat bago pa sumikat ang araw ay binilisan ko ang pagaayos ng aking sarili

Napagpasyahan ko na bumaba na sa aming kusina kasi tapos na din akong mag-ayos at nakakasiguro ako na nasa baba na din silang lahat, gising at nakaayos na silang lahat at baka nga ako nalang ang hinihintay nilang lahat kaya naman ayoko na silang paghintayin pa

Habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko silang lahat na nakatalikod sa aking pwesto at naka-upo sa mga sofa at gaya ko ay dala na din nila ang kanilang mga dadalhin na gamit para sa aming misyon

"Oh good, you are all awake now" pagsasalita ko upang maagawa ang kanilang atensyon

"Buti naman at bumaba kana" sabi ni ate Kylie at hindi pinansin ang aking sinabi

"Let's go and eat our breakfast dahil nakapagluto na ako" sabi ko sakanila na agad naman nilang sinunod

Kaya naman ngayon ay nasa hapagkainan na kaming lahat at naninibago ako dahil sa akin tumabi si Fire at ang tingin ng lahat sa amin ay parang nanunukso

Dahil wala naman akong kaalam alam sa nangyayari ay pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko pero sinulyapan ko muna si Fire at nakita kong namumula siya na nakapagtaka din sa akin

"Hey what happened? may sakit kaba? bakit ka namumula?" tanong ko sakanya na naging dahilan ng pagkapula niya lalo at dahil doon ay sabay sabay silang tumawa maliban nalang saaming dalawa

"W-wala akong sakit" sabi niya na nauutal utal pa kaya naman ay pinili ko nalang magkibit balikat para hindi na humaba ang usapan at matapos na kami sa pagkain para makaalis na kami

Pagkatapos ng nangyaring iyon ay nanahimik nalang kaming lahat at wala ng nagsalita pa kaya naman ay tapos na kaming kumain ngayon at handa na upang umalis

"Hey Xandra?" pag tawag pansin sa akin ni Kuya Zach

"Yes kuya?" tanong ko dahil wala akong ideya kung bakit niya ako tinawag

"Saan tayo maglalakbay upang mahanap natin ang Cuphea Leaves at ang mga Guardians na nagbabantay dito?" tanong niya na sinang ayunan naman nilang lahat

Oo nga pala at hindi ko pa nasasabi sakanila kung saan kami magsisimula at kung saan talaga namin makukuha ang pakay namin

"Ah oo nga pala, So makukuha at mahahanap natin ang pakay natin sa Meadow Ever Glow Forest na pagmamayari ng dating pinakamalakas na diyosa ngunit hindi magiging madali ang pagpunta natin doon dahil dadaan muna tayo sa dalawang pinaka mapanganib na Gubat at ito ang mga Dark hedges kung saan naninirahan ang iba sa mga Dark wizards at ang Oak Tree Wings kung saan kapag nahila ka ng mga roots ng puno ay hinding hindi kana makakaalis doon at habang buhay ka ng makukulong doon at hindi doon matatapos ang lahat dahil pagnalagpasan natin ang dalawang mapanganib na gubat ay may naghihintay na tagabantay sa ever glow at hindi mo basta basta makukuha ang nais mo kung hindi mo malalagpasan ang pagsubok nito" mahabang paliwanag ko sa kanila

"Pero teka bakit tayo pinapunta nina Hm dito kung ganong nasa Magical World pala ang hinahanap natin?" tanong ni Ate Avery

"Dahil mahahanap mo ang mga Gubat na ito sa pagitan ng Mortal World at Magical World ngunit ang makakapasok at makakapag lakbay lang dito ang mga taong may kapangyarihan at para naman sa taong walang kapangyarihan ay makikita lamang nila ay isang normal na gubat, kumbaga pareho ng lugar ngunit iba ang nakikita natin sa mga normal na tao"

Pagkatapos noon ay wala ng nag salita kaya  naman ay napagpasyahan na namin lumabas sa bahay at sisimulan na namin ang paglalakbay

"guys?" pag tawag pansin ko sakanila at nang humarap sila ay pinagpatuloy ko ang pagsasalita "Teleport tayo sa gubat kung saan tayo lumabas nung pumasok tayo sa portal dahil doon magsisimula ang paglalakbay nating lahat" sabi ko kaya naman nagkanya kanya kaming punta sa aming partner upang madali na ang pag teteleport at gaya nung una ay si Fire ang kasama ko at pansin ko na hindi ako magawang tignan kaya naman ay hindi na ako nakatiis at tinanong ko na siya

"Hey, are you okay?" tanong ko sakaniya

"Y-yes, don't mind me" sabi niya at iwas ng tingin pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagteleport na siya kasama ako papunta sa aming mga kasamahan

Pagkarating namin sa kung saan sila naghihintay ay tinawag kung muli ang atensyon nila dahil may importante akong sasabihin

"Listen guys, dito na magsisimula ang ating misyon at tatandaan niyo na kailangan nating magingat dahil uuwi tayo ng buo at hinding hindi tayo mabibigo" sabi ko sakanila at nakita ko naman na napangiti sila

"Yes and now let's get going" pagsang ayon ni kuya Zeke

~~~~~~~~~~
A/n hi guys! I hope you enjoy reading this chapter because I really find it hard to write this chapters and onwards, I hope this whole mission will be appreciated because I try my very best to write and I put all my effort just for this and for the next chapters

I love you all so much and if you jave time kindly post your reactions/comment or anything on my wall because I will appreciate it!!

Sierra Wonderland Academy (On-hold)Where stories live. Discover now