Sierra 36

253 16 0
                                    

Fire's POV

"guys?" pag tawag pansin ni Xandra sa aming lahat kaya naman humarap na kamo sa kanya at pinagpatuloy niya na ang pagsasalita "Teleport tayo sa gubat kung saan tayo lumabas nung pumasok tayo sa portal dahil doon magsisimula ang paglalakbay nating lahat" sabi niya sa aming lahat at pagkatapos niya sinabi iyon ay walang tanong tanong na naglakad ang mga babae sa kapares nila ng una kami magteleport upang mas maging madali ang pagteteleport at upang hindi kami mahuli, pagka lapit ni Xandra sa akin ay hindi ko siya magawang matignan ng maayos na mukhang nahalata niya naman kaya nagsalita siya

"Hey, are you okay?" tanong niya sa akin

"Y-yes, don't mind me" sabi ko sakanya dahil nararamdaman ko ang malakas na tibok ng aking puso dala ng kanyang malambing na may pagka malamig na boses at malumanay na titig, Xandra ako ang ginagawa mo sakin at bakit ako nagkakaganito

Pagka tapos kong sumagot ay hindi na siya nag-salita ulit kaya naman bago pa namin maramdaman ang pagka-ilang ay nag teleport na ako papunta sa aming mga kasamahan

"Listen guys, dito na magsisimula ang ating misyon at tatandaan niyo na kailangan nating magingat dahil uuwi tayo ng buo at hinding hindi tayo mabibigo" sabi niya sa aming lahat pagka rating na pagka rating namin sa kinaroroonan ng lahat kaya naman kahit nagulat sila dahil sa may biglaang nag salita ay napangiti pa din sila, gaya ko dahil sa sinabi niya

"Yes and now let's get going" pagsang ayon ni Zeke

Xandra's POV

"Listen guys, dito na magsisimula ang ating misyon at tatandaan niyo na kailangan nating magingat dahil uuwi tayo ng buo at hinding hindi tayo mabibigo" sabi ko sakanila at nakita ko naman na napangiti sila

"Yes and now let's get going" pagsang ayon ni kuya Zeke

Pagkatapos namin magusap ay nagsimula na kami sa aming paglalakad dahil gusto ko na bago pa sumikat ang araw ay nasa kalahati na kami ng gubat at upang bukas din ng umaga ay makarating na kami sa Dark Hegdes pero kung hindi kami magpapahinga ng magpapahinga ay baka mamaya lang ay nasa bungad na kami ng Dark hedges

Habang nagla-lakad kami ay rinig kung panay reklamo ang mga babae naming mga kasama na kesho masakit na daw ang kanilang mga paa, hindi daw ba muna kami magpa-pahinga dahil kanina pa kami palakad lakad pero dahil alam kung hindi pa namin nakakalahati ang gubat ay nag-salita na ako at nang matahimik na sila

"Just endure it for a while and just keep walking, dahil malapit na tayo mag-pahinga" sabi ko sakanilang lahat ma sinang-ayunan naman nila kaya naman ay nag-simula na kaming mag-lakad ulit at ngayon ay tahimik na din sa wakas

Habang nagiisip ako kung saang bahagi na ba kami ng gubat at kung malapit na ba kami sa Dark Hedge Forest ay hindi ko namalayan na tumabi na pala sakin si Fire

"What are you thinking? mukhang malalim ang iniisip mo" tanong niya sa akin, pero bago ako nag-salita ay tinignan ko muna ang lahat at may kanya kanya naman silang pinagkaka-abalahan kaya ayos lang naman siguro na kausapin ko siya dahil walang manga-asar saming dalawa

"Iniisip ko lang kung saang banda na ba tayo ng kagubatang ito at kung malayo pa ba tayo sa Dark Hedge dahil kung malayo pa tayo ay kailangan na natin mag-tayo ng mga tent sa malapit dito upang doon na tayo makapag-pahinga" sabi ko sakanya at pansin kung napangiti siya pagka-tapos kong mag-salita

"Why are you smiling?" tanong ko sakaniya pero bago pa siya makasagot ay tumayo na ako

"Bakit ka biglang tumayo? anong meron?" takang tanong niya pero isa lang ang sagot ko sakaniya

"Shh" sabi ko sakanya at buti naman ay sumunod na siya at hindi na nag-tanong pa

"May mga kalaban sa likod ng mga puno at nararamdaman kong napapalibutan na nila tayo" sabi ko sakanila ngunit walang lumabas na boses sa aking bibig dahil ginamitan ko ng telepathy upang hindi makahalata ang mga kalaban

Bumalik ako sa pag-upo dahil sinabi ko sakanilang lahat na mag-panggap na hindi parin namin sila nahahalata at sinabihan ko na din sila na mag-handa sa kung ano mang ate ang gagawin ng kalaban

Habang nakaupo kami ay napag-pasyahan ko na gumawa ng invisible na pana na gawa sa apoy upang ipatama na sa iba at para hindi na marami rami ang kakalabanin naming lahat mamaya

Napadali ang pag-bawas ko sakanila dahil magka-kalayo ang bawat mga puno at sinigurado ko na hindi matutumba ang mga ito sa oras na dapuan sila ng pana

"TAPUSIN NA NATIN TO" sabi ko sakanila gamit ang isip kaya naman isa isa kaming nagsi tayuan upang lapitan ng tahimik ang mga kalaban

*After how many minutes*

Finally tapos na din kami sa pakikipag laban at masasabi kong hindi basta basta ang mga pinadala nilang mga kalaban upang pigilan kami dahil kita ko sa mukha ng lahat na medyo nahirap din sila sa pakikipag laban dito

"Hey guys?" tawag ko sakanila dahil lahat sila ay nakaupo nanaman sa gilid ng mga puno dala ng pagod kaya ng lumingon sila ay hindi ko na hinintay pa tanungin nila kung bakit dahil nag salita na ulit ako

"Let's get going dahil hindi tayo ligtas sa lugar na to, magla-lakad lang siguro tayo ng kaunti upang humanap ng lugar kung saan ligtas na magtayo ng tent" sabi ko sakanilang lahat at sabay sabay silang tumayo

Habang naglalakad lakad kami ay pumasok sa isip ko na lagyan ng potion ang ipapakain ko saming lahat upang mawala ang pagod na nararamdaman naming lahat

"Ligtas na siguro dito kaya dito na muna tayo mag-palipas ng gabi at bukas ng alas tres ay itutuloy na natin ang misyon, sa ngayon ay itayo muna natin ang mga tent na tutulugan natin at para na din makapag luto na ako" sabi ko sakanilang lahat

~~~~~~~~~~~~~~
A/n hey guys, I know it's a lame update but still sana magustuhan niyo pa din dahil ginawa ko naman yung best ko para masulat yung chapters nato

To all the silent readers there sana naman magcomment din kayo paminsan minsan at ipaalam ninyo sa akin kung nagustuhan niyo ang bagong update

I love you all

Sierra Wonderland Academy (On-hold)Where stories live. Discover now