Chapter 13 (Deep)

72.1K 2.4K 609
                                    

Bukas ko pa dapat ipo-post ito kaso marupok ako sa inyo. As always 😂

Happy reading!😚

CHAPTER 13

"ANG lalim ng iniisip mo. May problema?" Umupo si William sa tabi niya habang siya ay tumungga ng alak.

"Bakit nandito ka sa Maynila?" Balik-tanong niya.

William called earlier and he have to tell Alyssa that he will go back home late tonight. Hindi na ito nagtanong pa kung saan siya pupunta. Nakakatawa na ikinasama pa niya iyon ng loob kanina.

"Aasikasuhin ko ang negosyo. Hunter is here as well. Magkasama kaming bumalik ng Maynila," kibit-balikat na tugon nito.

Nagkita silang dalawa sa isang kilalang club sa Maynila.

"Kailan ka babalik sa isla?" Muling tanong niya.

"Kapag naayos ko na ang dapat ayusin ko dito. I miss the island," ngumiti ito at tumungga ng alak.

Tiningnan niya ang kaibigan.

"You miss the island or—"

"Shut up," kaagad siya nitong sinaway.

Mahina siyang natawa.

"Hindi pa nga ako tapos magsalita," natatawang sambit niya.

"Dahil alam ko na ang sasabihin mo," ngumisi ito.

"Ano ba ang sasabihin ko? Oh, about Kathy? Grabe, bakit inaasar mo ang kapatid ni Alyssa, ha? Nakailang sapak na 'yon sa'yo. Tibay ng mukha mo, pare," muli ay natawa siya.

William chuckled.

"That woman...she's attracted on girls. I will put her where she belong," mahina itong nagsalita.

"Saan ba siya nararapat?" Tanong niya.

"Sa kandungan ko," ngumisi ito.

Natawa silang pareho.

"So, kumusta ang pagbabantay mo sa bunso?" Tanong ni William, ngumisi.

"Ang maldita kahit kailan," naiiling na tugon niya.

"Naka-score ka na ba?" Natatawang tanong nito.

Binatukan niya ang kaibigan at kapagkuwan ay tumawa.

"Baka bugahan ako ng apoy," natatawang tugon niya sa kaibigan.

"Bugahan mo na lang ng likido para mawala ang apoy." Malakas itong tumawa.

Napailing siya at kapagkuwan ay muling tumungga ng alak.

"May dysmenorrhea siya ngayon. I don't know how to help her, I'm worried," sumbong niya, napabuntong-hininga.

"Gusto mong malaman ang solusyon?" Nakakaloko itong ngumiti.

"Hindi ako intere—"

"Buntisin mo, pare. Doon mo siya matutulungan," muli itong tumawa.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na alak at kapagkuwan ay sumandal sa inuupuan niya.

"Hindi pa puwede," tugon niya, napatingala. "Kahit noon ko pa gustong gawin," patuloy niya.

Naibuga ni William ang iniinom nito.

"Nagbibiro lang ako, h'wag mong seryosohin," anito, tinapik siya sa balikat.

Seryoso niya itong tiningnan.

"Hindi ako nagbibiro. I want to...own her, William," seryosong sabi niya.

Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now