Chapter 28 (Scream)

83.8K 2.4K 310
                                    

CHAPTER 28

ALYSSA can't believe what just happened. She tasted multiple orgasms while having dinner with Alex. The man who gave her punishment is already gone when Alex went to the bathroom.

Zeke atleast fixed her underwear. Ilang beses siya nitong pinapak habang nasa ilalim ng pabilog na mesa. Ang tela na nakatakip sa mesa ay halos gusot-gusot na dahil paminsan-minsan siyang kumakapit doon habang dinadama ang bawat dampi ng dila ni Zeke sa pagkababae niya.

Nang makalabas sila ni Alex sa restaurant ay hindi na siya mapakali. She's still wet down there. She badly need a shower.

"Alex, h'wag mo na akong ihatid," aniya sa binata nang nasa harapan na sila ng kotse nito.

Tumitig ito sa kaniya.

"May problema ba?" Tanong nito.

Umiling siya at kapagkuwan ay napabuntong-hininga.

"Nagpapasalamat ako na...naging mabait ka sa akin, Alex. Napaka-gentleman mo at matalino. Salamat dahil sa lahat ng mga babae sa school, ako ang nagustuhan mo. Pero..." Napayuko siya at naikagat ang ibabang labi.

Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya itong sinserong nakangiti. Inabot ng binata ang ulo niya at bahagyang ginulo ang buhok niya.

"Alam ko na ang sasabihin mo," anito at napabuntong-hininga.

Napatitig siya sa binata.

"Alex..."

"It's okay. I understand, Alyssa. I will still like you kahit bastedin mo ako ngayon," bahagya itong natawa.

"Sorry," mahinang sambit niya.

"You don't have to. But I want us to be friends, atleast?" Napakamot ito sa ulo.

Kaagad siyang tumango.

"You like him that much, huh?" Muli itong ngumiti.

"H-Ha?" Naguguluhang tanong niya.

Mahina itong natawa.

"The man who fixed your shoelace earlier. I saw how you look at him, Alyssa. I envy him. Nakakaiinggit kung paano mo siyang tingnan," anito at namulsa.

"A-Alam mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango ito.

"I guess he like you as well. I saw something on him that I can't explain, Alyssa. He is kinda...mysterious. Nakikita ko siya sa cafeteria. It seems like there's something on him that no one noticed. It was like...powerful. His aura is different and it's something powerful or it was just my imagination?" Natawa ito sabay kamot sa ulo.

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Bigla siyang natahimik. She noticed it as well these past few days. Ang akala niya ay siya lang ang nakakapuna niyon.

She noticed everything. Noong nilagnat siya. She heard him right. She saw him calling someone and remembered what he said.

I need my car right now.

I'll take you to the hospital.

Lahat ng iyon ay malinaw niyang narinig. Sinabi ni Zeke ang mga katagang iyon nang walang kahirap-hirap. She already knew that he is not ordinary. Gusto lang niyang maging bulag-bulagan at gustong paniwalaan ang mga pinapakita nito sa kaniya. Dahil sa totoo lang, hindi niya matanggap— na matagal na pala itong nagsisinungaling sa harapan niya. Ni hindi na niya alam kung totoo ba ang lahat ng pinapakita nito sa kaniya at maging ang mga sinasabi ng binata.

"Parang siya ang tipo ng lalaking hindi mo gugustuhing galitin o banggain. He seems protective yet intimidating. Parang tingin ko kasi sa kaniya, hindi lang siya basta ordinaryong tao lang," tumingin si Alex sa kaniya, makahulugang ngumiti.

Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now