Chapter 21 (Inlove)

61.6K 2.4K 276
                                    

CHAPTER 21

MAHINANG napadaing si Alyssa at unti-unting nagmulat ng mga mata. Muli siyang napadaing nang maramdaman ang hapdi sa binti niya.

Pinakiramdaman niya ang sarili bago tuluyang bumangon. Napahawak siya sa sariling ulo nang sumakit iyon. Hinawakan niya ang sariling ulo. Nakahinga siya nang maluwag nang masiguradong wala siyang sugat doon.

Ang dugong tumutulo ay hindi nanggaling sa ulo niya kundi sa noo. Kinapa niya ang sarili noo at napagtantong may sugat siya doon.

Tiningnan niya ang binti. Nanginginig ang buong katawan na tiningnan niya ang maliit at matulis na kahoy na nakabaon sa binti niya.

Kinagat niya ang ibabang labi at muling napadaing. Humugot siya ng lakas ng loob bago hawakan ang kahoy na nasa binti niya at buong tapang iyong hinugot.

Malakas siyang napasigaw kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. Sa nanginginig na mga kamay ay tinanggal niya ang panyo na ginawa niyang pantali sa buhok kanina at tinali ang sugat sa binti.

Pinunit din niya ang laylayan ng damit, dinagdagan ang tali sa binti niya.

Tumingala siya at emosyonal na umiyak. Napakalalim ng bangin na ito. Nakita niya ang puno. Ang punong sumalo sa kaniya kanina bago tuluyang bumagsak ang katawan niya. Iyon ang  nagligtas sa kaniya. Kung hindi siya nasangga niyon ay siguradong hindi na siya nakakahinga ngayon.

Nanginginig na niyakap niya ang sarili. Maliligtas ba siya dito? Alam niyang hihingi ng tulong si Alex pero hindi puwedeng magtagal siya dito lalo na sa sitwasyon niya ngayon. Mauubusan siya ng dugo kapag hindi siya kaagad mahanap.

Muli niyang sinipat ang binti niya. Kailangan niya iyong dagdagan ng pantali para mapigilan ang pag-agos ng dugo niya.

Muli niyang pinunit ang laylayan ng damit. Panay ang pagngiwi niya sa bawat kirot ng sugat.

Sinubukan niyang tumayo at paika-ikang naghanap ng kahoy para gawing tungkod.

Muli siyang tumingala. May naghahanap na ba sa kaniya ngayon? Sana ay dumating sila kaagad. Takot na takot siya dito. Napakarami pa niyang pangarap. Hindi puwedeng dito lang matatapos ang buhay niya.

Kinalma niya ang sarili at humugot ng malalim na hininga. Naririnig niya ang sigaw, tinatawag ang pangalan niya. Nakaramdam siya ng pag-asa at muling umiyak.

"N-Nandito ako," walang kasing-hina ang boses niya.

Hindi siya makasigaw sa pinaghalong takot at panginginig ng boses niya.

"T-Tulungan niyo ako," muli ay walang kasing-hina ang boses niya habang nagsasalita, tahimik na umiiyak.

"Alyssa!" Napapitlag siya sa malakas at pamilyar na boses na iyon.

Lumingon siya sa paligid, hinahanap ito. Napakalapit ng boses nito sa kinaroroonan niya. Kumabog ng napakalakas ang puso niya nang marinig ang boses na iyon. Sa pagtawag pa lang ng pangalan niya, nahimigan na niya ang pagiging desperado nito na tila anumang sandali ay mababaliw na kapag hindi siya kaagad makita.

"Z-Zeke..." Bulong niya.

"Goddammit, Alyssa! Sumagot ka!" Palakas nang palakas ang papalapit na boses nito.

Mas lalo siyang naiyak. Humakbang siya para hanapin ang kinaroroonan nito. Nabitawan niya ang hawak na pang-tungkod pero wala siyang pakialam. She's desperate to be near him. She wanted to feel that she's safe beside him.

"Alyssa, please! Baby, please answer me. Alyssa!" Muling sigaw nito.

Akmang ibubuka niya ang bibig para ipaalam na naririto siya nang makita niya ito mula sa hindi kalayuan. Natigilan ito nang makita siya at halos hindi makakilos sa kinatatayuan.

Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now