Chapter 26 (Kiss Mark)

74.1K 2.3K 248
                                    

CHAPTER 26

NAKATITIG siya kay Zeke habang buhat-buhat siya nito. Hindi ito makatingin ng diretso sa kaniya hanggang sa maayos siya nitong ibinaba sa mahabang sofa.

Kakalabas lang nila ng ospital. Tanging ito lang ang umaalalay sa kaniya dahil hindi siya makakilos ng maayos. Hindi siya makalakad ng maayos. Wala siyang maintindihan sa sinabi ng doktor sa kaniya. Ngayon lang niya ito naranasan. Basta't ang naiintindihan lang niya ay nagkasugat siya sa loob dahil nakipag-sex siya sa nilalang na ito.

Ayaw niya itong sisihin. Siya itong bumigay. Pero sa nakikita niya sa binata, tila sising-sisi ito na ikinainis niya. Hindi ba dapat siya itong magsisisi dahil nawala ang pagka-birhen niya? O dahil nasasaktan siya sa katotohanang hindi ito naging masaya sa nangyari sa kanila dahil wala siyang karanasan?

"Tawagin mo ako kapag may kailangan ka," mahinang sambit nito, kaagad na nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Naikuyom niya ang mga kamao. Ni kahit tingnan siya ay hindi nito magawa. Tila nag-iba ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Pakiramdam niya ay lumamig ito.

"Bakit hindi ka makatingin sa'kin?" Hindi niya mapigilang itanong.

Tumingin ito sa kaniya pero hindi umimik. Naikagat niya ang ibabang labi.

"Hindi ka ba masaya?" Muling tanong niya.

Awtomatikong kumunot ang noo nito. Nakatayo ito sa harapan niya kaya tumingala siya sa binata.

"Wala akong karanasan. Naiinis ka ba dahil nagkaganito ako pagkatapos ng nangyari sa'tin? Naiinis ka ba dahil nilagnat ako? Hindi ka ba nag-enjoy dahil birhen ako?" Sunod-sunod na tanong niya.

Tila nagulat pa ito sa tanong niya. Dahan-dahan ay umangat ang kamay nito, napahilot sa sentido. Tila gusto nitong matawa pero sa huli ay napabuntong-hininga na lang.

Lumuhod ito sa harapan niya at pinakatitigan siya sa mukha. Halos hindi na ito kumukurap habang nakatitig sa kaniya.

"B-Bakit?" Naiilang na tanong niya.

Ngumiti ito.

"Alyssa..." anas nito sa pangalan niya.

"A-Ano?"

"Ilang taon ka na?"

"H-Ha?"

"Ilang taon ka na?" Ulit nito.

"N-Nineteen," tugon niya.

Tumango ito, titig na titig pa rin sa kaniya.

"Puwede ba kitang pakasalan?"

Napakurap siya sa tanong nito. Kinakabahan siyang nag-iwas ng tingin. Awtomatiko nitong sinapo ang baba niya at muli siyang pinaharap.

"Hindi ako masaya dahil birhen ka? Alyssa, wala kang alam. Hindi mo alam kung paanong pilit kong binabalik sa tamang katinuan ang utak ko..." inilipit ng binata ang bibig sa tenga niya,"dahil sa'yo," patuloy nito.

Halos hindi siya makahinga.

"Hindi mo alam kung gaano ko kagustong angkinin ka...nang paulit-ulit, Alyssa," tumiim ang bagang nito.

Napalunok siya at napahawak sa sofa sabay atras.

"M-Masakit," wala sa sariling sambit niya.

Mahina itong natawa.

"Sisiguraduhin ko na sa susunod ay hindi na," napapaos ang boses na tugon nito.

Muli siyang napaatras. Ngumisi ito.

"Natatakot ka ngayon? Samantalang hindi ka natakot noong ikaw mismo ang nagpasok ng alaga ko sa loob mo kaya—" Tumigil ito sa pagsasalita nang mabilis niyang tinakpan ang bibig nito.

Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now