Chapter 36 (Cravings)

64.4K 2.4K 399
                                    

Hello there! Sorry medyo mabagal na ang update ko niyan kasi ang busy. I have to focus with my manuscript and some other stuffs.

Anyways, congratulations to all of us! Successful na naman ang pre-selling ng One Sweet Night sa Nobelista. Horay to us!

Thank you ng marami dahil sinundan niyo talaga ako sa Nobelista. Nakakatuwa ang support niyo, sobra. Lablab and keep safe everyone!

CHAPTER 36

"YOU should go home. Bukod sa ang sungit-sungit mo ay wala ka pang ganang kumain. Hatid kaya kita sa clinic?" Nag-aalala siyang hinawakan ni Angelu sa siko.

"Ayos lang ako," walang ganang tugon niya habang nasa loob sila ng auditorium.

"Gosh! Bakit ba ang init-init ngayon?!" Napalingon siya sa babaeng umupo sa bandang harapan niya.

Tinaasan niya ito ng kilay. It's Lhean. Tumingin siya kay Angelu nang siniko siya nito.

"Himala pumasok na 'yan," anito, humagikhik.

Balewalang nagkibit-balikat siya. Ngayon lang niya ulit nakita ang babaeng ito pagkatapos ng ginawa nito sa kaniya. Walang nakakaalam kung bakit hindi ito pumapasok. Wala din naman siyang pinagsabihan tungkol sa ginawa nito. Ang tanging nakakaalam lang ay si Angelu at Zeke.

"Kapag 'yan pinakialaman ka pa ulit, sasabog mukha niyan sa'kin," muling nagsalita si Angelu, halata ang gigil sa boses.

Tumingin siya kay Lhean. Hindi na maipinta ang mukha nito. Mukha talagang kuhol.

"Anong tinitingin-tingin mo?" Mataray na tanong nito.

Biglang uminit ang ulo niya sa inasta nito. Isang linggo na siyang ganito. Lumalala ang mood niya araw-araw. Hindi niya alam kung ano ang dahilan. Siguro dahil isang linggo na niyang hindi nakikita si Zeke kaya madalas ay umiinit ang ulo niya. Tinatawagan nga siya nito pero iba pa rin na nakikita niya mismo ang binata sa harapan niya.

Tumayo siya at lumapit kay Lhean. Tumayo din ito, nilabanan ang tingin niya.

"May batas bang bawal kang tingnan?" Sinuyod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"I don't like you staring at me, you bitch. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko sa'yo. Sayang at hindi ka namatay. Ipagdidiwang ko sana ang— Ahh!" Malakas itong napasigaw nang marahas niya itong sinabunutan sa buhok. Ganoon kabilis naubos ang pasensya niya.

"Nagpapasensya lang ako sa'yo, ha? Hindi kita sinumbong pero dahil binigyan mo ako ng pagkakataong gumanti sa ginawa mo, ihanda mo 'yang pagmumukha mong kuhol ka! Ibahin mo ako sa mga bida sa mga teleserye na basta-basta na lang nagpapa-api sa isang katulad mo!" Hinila niya ang buhok ni Lhean.

"Bitawan mo ako! Oh my god! My hair!"

"My hair, your foot! Ang arte-arte mo, akala mo naman kung sinong kagandahan! Umaasa ka lang naman sa mga kaibigan mong mga uto-uto! Kung wala sila, bahag din naman ang buntot mo!" Malakas niya itong itinulak dahilan para mapasubsob ito sa sahig.

"You bitch!"

"Bitch talaga ako! Bakit, aangal ka? Tawagin mo pa mga kaibigan mo, haharapin ko kayong lahat! Bitch, ha? Sige! Ngayon mo makikita kung gaano ako ka-bitch, impakta ka!" Dumagundong ang boses niya.

Si Angelu ay hindi alam kung aawatin siya dahil atras-abante ito. Tila nagugulat pa sa nakikita. Ngayon lang siya nito nakitang ganito.

"Pagbabayaran mo ito! You ruined my hair!" Sigaw nito.

Isla Fontana Series #2: Owning Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now