Chapter 9

1.2K 36 11
                                    

Dale POV

Inis na inis ako sa sa sitwasyon namin ngayon. Bakit kasi sabay na pumasok si Zeus at Margaux. Parehas tuloy silang natapunan ng tubig na yon.

Deserve yon ni Margaux pero hindi ko intensyon na idamay si Zeus kaya eto na naman kami. Nagaaway!

Ako nga ang nagutos na gawin ng mga classmates ko yon at binayaran ko sila. Gusto ko lang gumanti.

Naiirita ako sa kanya dahil sa pakikipaglapit nya kay Zeus. Ang kapal naman ng mukha nya para makipaglapit sa kaibigan ko.

"Substitute girlfriend? Wow! Dale ano ito? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Kailangan ko pa ba sabihin sa kanya?"Ginawa ko yon para sa atin. Alam mong ayaw sayo ng mga magulang ko. Gusto nilang maghiwalay tayo"

Dapat nga maging masaya pa sya dahil gumagawa ako ng paraan para maipagpatuloy namin ang relasyon na ito.

"Bakit sa kanya pa? Ang dami dami diyan na iba tapos sa kanya pa. Hindi ka ba nandidiri na iniharap mo sa magulang mo ang hampas lupang yan"

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis sa sinabi nya. Gusto ko syang sampalin dahil sa lumabas sa bibig nya.

"Isang maling salita pa Jeah, lalapat ang kamay ko sa mukha mo"pananakot ni Amari

Wow lang ha! Nakahanap na talaga ang babaeng yan ng kakampi nya at yung mga kaibigan ko pa talaga.

"Tunay naman ang sinasabi ni Jeah, look at her. Mukha syang pulubi. Nagtataka nga ako kung bakit pa yan napapasok dito eh. Scholarship? The hell! Dapat namimili naman sila ng bibigyan nila"

*PAKKK

"Binalaan ko na si Jeah na wag magsasalita ng kung ano ano tungkol kay Margaux dahil lalapat talaga ang kamay ko sa mukha nya pero ikaw naman ang gumawa. Pakialam nyo ba kung mahirap sya. Naaabala nya ba kayo? Napupurwisyo?"

"Sino ka para sampalin ako?"

"Ako? Sino ako? Ako lang naman ang sasampal sayo ulit kapag hindi ka pa tumigil magsalita diyan. Hindi ka kasali kaya wag kang sumabat"

"Hampas lupa ka talagang babae ka!"sigaw ni Jeah at saka lumapit kay Margaux pero bago pa sya tuluyang makalapit ay biglang natumba si Margaux.

"Margaux!" Sigaw ni Amari na agad nilapitan si Margaux

Anong nangyari sa kanya? Wala namang nakapanakit sa kanya ah? Bakit sya natumba?

Kitang kita ko kung paano nagmadaling lumapit si Zeus sa kanila at inangat yung ulo ni Margaux!

"Margaux, anong nangyari sayo? Margaux, gumising ka"halata ang pagaalala sa boses nya habang sinasabi nya yon

Lalapit na sana ako ng matigilan ako kasi biglang humarang si Jeah sa harapan ko.

"Wag na wag mo syang malapit lapitan. Mandiri ka nga! Lalapit ka sa isang hampas lupa"

Inis na tiningnan ko si Jeah. Ano bang pakialam nya kung gusto kong lumapit?!

"Ano kayang nangyari sa kanya?" Tanong ni Janna

"Malay ko. Mamatay na sya!"

Agad na hinawakan ko ang braso ni Jeah ng marinig ko ang sinabi nya.

"Naririnig mo ba ang sarili mo ha?! Paano mo nagagawang sabihin sa kanya yan!"

"Aray ko Dale! Nasasaktan ako! Bakit ka ba nagagalit?! Diba ayaw mo rin naman sa kanya"

Naiinis ako kay Margaux dahil sa paglapit nya kina Zeus pero hinding hindi ko hihilingin na mamatay na sya. Hindi ako ganon kasama!

Amari POV

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now