Chapter 35

1.4K 24 3
                                    

Amari POV

Napaatras ako dahil sa lakas ng sigaw nya. Parang nanlilisik ang mata nya sa galit

Masama ang tingin nya sa akin. "Who is the father?"

Kinakabahan na tiningnan ko sya "Z-zeus"

"Paano ka nabuntis?"

I suddenly wanna slap him, hard! How dare he asked me that question! Paano ba dapat mabuntis ang isang tao! Nasaan ang pagiisip nya

"Sino ang ama!?"

Lumapit ako sa kanya at saka sya mahigpit na niyakap "Zeus, it's you. You are the father. I'm pregnant with our child"

Naramdaman ko na lumaylay ang balikat nya. Inilayo nya ako sa kanya at saka muling hinawakan ang kutsara't tinidor nya

"Eat. You're just saying nonsense again" pinagpatuloy nya ang pagkain nya na parang walang nangyari

"Zeus. Aren't you happy? I'm pregnant! Magiging daddy ka na"

Tiningnan nya ako ng seryoso "You're just imagining again. Paano ka mabubuntis eh wala naman nangyari sa atin. You're just pranking me again so stop it"

Hindi ko na napigilan ang tumawa ng malakas. Yes. Hindi po ako buntis. I'm so bata pa kaya to be a nanay na

"Joke lang. I'm just bored kaya sinubukan ko na lokohin ka HAHAHAHA"

Muli ko syang niyakap at hinalikan sa kanyang pisngi "I love you"

Hinalikan nya naman ako sa noo ko at saka ngumiti "I love you too. Stop being crazy okay?"

Tumango tango ako

Margaux POV

"San ba kasi tayo pupunta?"

"Diyan lang"

"Seriously Dale? Kanina pa ako tanong ng tanong kung saan tayo pupunta tapos kanina ka pa diyan lang ng diyan lang. Aba! Napakalayo naman ng diyan mo lang!"

Bwisit talaga itong lalaking ito. Kanina pagkabihis ko basta nalang ako hinila pasakay ng kotse nya at ngayon ay nagdradrive sya kahit hindi ko naman alam kung saan kami pupunta

Sabi nya magsisimba kami pero hindi naman ito ang daan papunta sa simbahan. Nakakainis

"Just shut up okay? Malapit na tayo"

Nanahimik na ako. Naiinis nalang akong tumingin sa labas hanggang sa huminto kami

"Let's go"

Sabay kaming bumaba at tiningnan amg paligid. Nasa harap ko ay isang malaking simbahan.

"Bakit dito pa tayo magsisimba. Meron naman malapit sa amin ahh"

Hinawakan nya yung kamay ko at saka ako hinila papasok sa simbahan

"Nandito sila mommy. Gusto ka rin nila makita kaya dito tayo sisimba"

"Margaux!" Pabulong na sigaw ni tita ng makita ako. Agad syang lumapit sa akin at niyakap ako

"Tita, kamusta na po kayo?"

"Mabuti naman, ikaw ba?"

"Okay lang. Maupo ka" Hinila nya ako paupo sa gitna nilang magasawa at saka sya naupo sa tabi ko

"Hi po, tito. Good morning po" bati ko

"Magandang araw din sayo, iha"

"Mom, dad! Kinalimutan nyo na naman ako" reklamo agad ni Dale. Nakatayo pa sya sa unahan namin

"oh, anak? Nandiyan ka pala?" Pangaasar ni tita at saka muling bumaling sa akin

Nginisian ko si Dale na masama naman akong tiningnan bago ako tumingin kay tita na kinakausap ako

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon