Chapter 30

1.4K 32 4
                                    

"Hehe" tanging nasabi ko habang nakatingin sa kanila na masama na ang tingin sa amin

Bigla akong hinawakan ni Dale sa pulsohan ko at hinila pabalik sa hospital pero syempre hindi ako nagpahila

"Bitawan mo nga ako. Ayoko na bumalik diyan" sawang sawa na ako sa amoy ng hospital. Isang linggo mahigit na kami sa loob nyan

Humarap sya sa akin. Bigla nya akong pinitik sa noo ko kaya napahawak ako don at napanguso "Hindi ka pa magaling tingnan mo nga yang mga sugat nyo, nandiyan pa. Yung mga pasa mo, kita pa! Makinig ka naman sa akin."

Napatampal ako ng noo ko "Sa tingin mo ba gagaling ang mga sugat ko diyan sa loob ng hospitan. Maghihilom ba agad sila diyan? Oras ang kailangan para gumaling ang mga sugat ko, hindi hospital"

"They can help you"

"Anong matutulungan? Ginamot na nila ang sugat ko at hanggang don nalang yon. Mahigit isang linggo na ako don pero nandito parin naman. Ikaw ang makulit eh" halos pandilatan ko na sya ng mata para maintindihan nya lang

Pinagtitinginan na kami ng nadaan at nahihiya na ako pero parang wala naman syang pakialam

"Fine! Uuwi na tayo" napangiti ako dahil makakauwi narin ako sa wakas

"Hatid mo na ako sa bahay namin. Miss ko na yung bahay"

Umiling iling sya kaya napakunot ang noo ko "Sa bahay namin tayo uuwi. Don ka muna"

Mabilis akong lumayo sa kanya "no! No way! Sa bahay namin ako uuwi"

"Makinig ka sa akin. At least don, makikita kita lagi"

"Ayoko nga! Bahala ka sa buhay mo. Sa bahay ako uuwi"

"Sa bahay ka nga namin uuwi. Naiintindihan mo ba?"

"Sa bahay namin ako uuwi kung hindi magbrebreak tayo! Naiintindihan mo ba?"

Hindi magandang tingnan na nakikitulugan ako sa bahay ng lalaki. Ayoko! Saka hindi papayag sila nanay

Mukha naman syang kinabahan. Napangisi ako "Ano? Ihatid mo na ako"

"Tsk, oo na. Tara na" hinawakan nya ako sa magkabila kong balikat at saka bahagyang itinutulak palapit sa kotse nya. Sya narin may dala ng mga bag ko

"Paano nga pala kayo nakalabas ng hospital?" Tanong nya pagkapasok nya sa driver seat

"Simple lang. Nagpanggap lang naman kaming pinsan ng pasyente nung magbabayad na kami. Oo nga pala, pasabi sa magulang mo na babayaran namin yung binayad sa hospital. Thank you narin"

"Wag na. Hindi pinapabayaran nila mom" nagsimula na syang magdrive "Buti hindi kayo nahalata na pasyente"

"Magaling kaya kami" Basta kalokohan. Oo nga pala. If you're wondering kung nasaan sila Zeus at Amari. Magkasama sila sa kotse ni Zeus.

"Sa sobrang galing nyo ay pinapahamak nyo na ang sarili nyo. Plinano nyo pang sumakay ng jeep huh? Do you know how dangerous is it? Paano kung may mga bastos sa jeep"

"Dale, ilang taon na akong sumasakay ng jeep at wala pa namang nangyayari sa akin na masama"

"Wala pa! Paano kung meron? Sa tingin mo ba lahat ay kaya mo?"

Ayan na naman sya sa pagiging tatay ko. Daig nya pa sila nanay at tatay kung pagalitan ako

Hindi ko nalang sya inimik para hindi na humaba pa ang usapan. Magaaway lang kami kapag sumagot pa ako. Mabuti na ang umiwas

Nakarating kami sa bahay kaya agad akong bumaba at tumakbo papasok. "Nay, Tay. Andito na ako!" Sigaw ko

Lumabas si nanay mula sa kwarto nila kaya agad ko syang sinalubong ng yakap at nagmano

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon