Chapter 40

2.9K 46 10
                                    

Nung makarating ako sa school ay sumalubong sa akin si Zeus at Amari na may nagaalalang mukha din

Mabilis kong tinakbo ang principal office. Walang katok na binuksan ko ang pinto at pumasok don

Mukhang nagulat pa ang principal pero wala na akong pake

"May sinabi ba sayo si Margaux na lilipat sya ng school"

'Please, say no. Please, say no'

"Lumipat na sya ng school. Hindi nyo ba alam?" Takang tanong nya

Nanghihina akong napaupo sa visitors chair. Walang emosyon akong napatawa habang nangingilid ang luha ko

Umalis nga sya. Iniwan nya na nga ako. Dahil ba sa nasaktan ko sya? Dahil ba don?

"Alam nyo po ba kung saan sya lumipat?" Tanong ni Zeus

Nagangat ako ng tingin. Umaasa na sasabihin ng principal namin pero ng umiling sya ay nawala ang pagasa ko

"Tinanong ko sya pero hindi nya naman sinabi"

"What is her reason para lumipat ng school Mrs Principal?" Naiyak ng tanong ni Amari

"Well. We all know naman na she have meningioma brain tumor. Wala syang pampagamot at naisipan ng pamilya nya na umuwi nalang ng probinsya---"

"Meningioma brain tumor? Are you fucking kidding me?!"Sigaw ko

Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay ko. Yung takot at kaba ko ay mas dumoble pa

Hindi rin nakakatulong ang paghagulhol ni Amari. Mas lalo lang akong kinakabahan

"Yes, Mr Bernas. Didn't she tell you? Nalaman namin na may brain tumor sya ng magaway sila ni Jeah sa cr. Ikaw pa nga ang nagdala sa hospital kay Jeah tapos nadatnan ng isang teacher na walang malay si Margaux sa cr"

Yung kaninang pinipigil kong luha ay sunod sunod na pumatak. Noong araw na yon ay kasama ko si Jeah at don nya sinabi na may sakit sya kahit wala

Tapos yung babaeng mahal ko ay don rin pala sa araw na yon nalaman na may sakit sya at wala ako sa tabi nya para damayan manlang sya. Ang tanga tanga ko

Hindi ko manlang nahalata na may sakit na pala sya. Hindi pala simpleng stress at pagod lang ang nararamdaman nya

Kaya pala laging sumasakit ang ulo nya at nahihimatay. Napakawalang kwentang boyfriend ko

Napaupo nalang ako sa sahig at don humagulhol habang iniisip ang paguusap namin kagabi

"But Jeah needs me. Masama parin ang pakiramdam nya"

"I need you too. Kailangan din naman kita. Hindi mo alam ang nararamdaman ko. Kahit ngayon naman piliin mo ako. Kahit ngayon nalang Dale"

Kailangan nya ako. Wala ako nung mga oras na nalaman nya na may sakit sya. Alam ko na sobrang sakit non para sa kanya.

Mas inuna ko pa ang iba kaysa sa kanya. Hindi ko sya pinahalagahan

Yung mga oras na inaalagaan ko si Jeah ay sana sya ang inalagaan ko. Yung mga oras na kasama ko si Jeah ay dapat pala tinuon ko sa kanya

I even told her to stop being selfish kahit wala naman syang ginawa kundi intindihin ako. Hindi nya nagawang sabihin na may sakit sya. Mas pinili nya pa na alagaan ko si Jeah kaysa sa kanya

Napakawalang kwenta kong boyfriend. Wala akong binigay sa kanya kundi sakit. May sakit na nga sya pero dinagdagan ko pa. Ang gago ko. Ang gago gago ko

"This is your fault!" Sigaw ni Margaux. Kahit hindi ko sya tingnan ay alam ko na ako ang tinutukoy nya "Kung hindi mo sana inuna si Jeah edi sana alam natin kung nasaan sya. Sana alam natin na may sakit sya!"

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora