Chapter 72 Take Away

5.3K 119 8
                                    

[Author's Note]

Hindi ako masyadong mahilig sa sabunutan eh hahaha trip ko talaga ang drama. Dahil madrama ako

Pretty well hope you like this one

Spread young wings..

Taste of FREEDOM

.
.
.
.
.

.
General POV

Hindi matanggap ni Angel ang isinagot sa kanya ni Karylle. Ang tanging lalaking iniibig nya ngayon ay wala na.

"Miss... para sayo" nag angat ng paningin si Angel sa taong nag aabot sa kanya ng panyo. "Wag ka ng mahiya alam ko kailangan mo yan" umupo pa ito sa tabi nya para ito mismo ang magpunas ng panyo."Hindi mo na ba ako naalala?" Tanong ng lalaki. Kumunot lang ang noo ni Angel. "Aray.. ang sakit naman di mo ako naalala.. Dr. Luis Manzano.. yung kasama ni Peter"

"Sorry short term memory"

"Bakit kaba umiiyak?" Tiningnan muna sya ni Angel. Hindi nya malaman kung sasabihin nya ba sa lalaking ito ang problema nya, sabagay wala namang masama. Nakakaramdam sya ng sakit dulot ng pagiwan ng asawa kailangan nya ng kausap.

"Iniwan ako ng asawa ko" 

"Ang walang hiya naman ng asawa mo.. gusto mo iganti kita.. sino ba sya uupakan ko sya ang ganda ganda mo.." bahagya namang natawa si Angel sa mga sinabi nito.

"Hayaan mo na sya.. tutal hindi di naman magiging akin sya.. pinakasalan nya lang naman ako dahil pinagkasundo kaming dalawa pero ang totoo.. may mahal syang iba" naramdaman ni Angel na may umakap sa kanya.

"Iiyak mo lang.. kung nasasaktan ka.. sabi nila kapag umiiyak raw parang nababawasan yung sakit" pakiramdam ni Angel nagkaroon sya ng kasama ng kakampi, kaya hinayaan nya ang sariling magkulong sa mainit na yakap ng istrangherong binata.

"Pagod na pagod akong umiiyak.. ang sakit sakit.. parati na lang bang ganito.." hagulhol ni Angel.

"Sssshhh.. andito lang ako" sa lahat ng naranasan ni Angel noon lang ulit sya naging komportable. Feeling safe and protected.

.

.

.

.

.

.

.

.
General POV

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Karylle kay Vice na nun ay palapit sa kanya. Pagkalapit nito sa kanya kaagad nitong nilagay ang kamay sa bewang nya sabay ngumiti. Napangiti na lang din si Karylle. Perfect view. Karylle hug him tight, like she doesn't want to let him go.

"Mag de  date tayo"

    

"Eh parati naman tayong de date ah" nag angat ng paningin si Karylle at tiningnan ang kasintahan sa mata.

"Gusto ko kasi masolo kita talaga Mrs. Viceral" bulong nito sa tenga nya.

"Na so solo mo naman ako parati.. kulang na nga lang mabuntis ulit ako sayo"

"Bakit nga ba hindi?" Sabay ngisi nito ng nakakaloko. Hinampas sya ni Karylle sa dibdib.

"Alam mo, pwede na yun kapag divorce ka na po ng tunay"

My Conceited Prince || ViceRylleWhere stories live. Discover now