Chapter 09 Version 2.0 Inlove Ako

12K 168 2
                                    

Karylle's POV

Bakit ko nga ba paulit ulit na tinatanong yun sa kanya? Eh alam ko naman na hindi sya naniniwala sa pagibig. Pero may sumasakit parin sa dibdib ko kapag na iisip ko yun. Nababasa ko sa kanya na mag isa lang sya sa mundo nya. Sa pagiisa nyang yun parang gusto ko syang samahan. Kung pwede lang sana. If he just let me. Pero one thing for sure hindi nya gagawin yun. His a strong person na hindi na ngangailangan ng tulong.

"Am.. Vice.. uuwi na ako.." sabi ko sa kanya.

"Ihahatid na kita.." pagkatapos umalis sya para magbihis. Napabuntong hininga ako. Nagtungo ako sa salas. Ni isa wala man lang picture frame kahit picture nya wala. Puro painting. Tapos something caught my eye isang relo. Risk watch na mukhang mamahalin. I was about to pick it up ng dumating sya.

"Karylle.." napalingon ako sa kanya.

"Yes." kinabahan ako ah. Seryuso nanaman sya.

"Halikana.." aya nya sa akin. Tapos sumunod ako sa kanya. His so mysterious. Pagkarating namin sa parking lot sumakay kami sa kotse nya. Tahimik lang ako. Pinag masdan ko sya, kahit ano atang isuot nya gwapo parin sya.Napabuntong hininga lang ako.

'Karylle.." nabigla ako ng tawagin nya ako.

"Yes..Sir!!" bigla kung naiusal.

"Sir nanaman? asa office na ba tayo?" kunot noo nyang tanong sa akin.

"Sorry.." mahina kung sambit.

"Karylle.. bukas sumama ka sa akin pupunta ako ng laguna.." sabi nito na seryuso sa pag d drive.

"Si.. sige" sagot ko sa kanya.

"Andito na tayo.." sabi nya pinark ang kotse. Bumaba na ako. Tapos sya bumaba din sya.Bahagya akong napatingin sa kanya. Nakasando lang kasi sya na black at pantalon na maong. Ang cute nya. Kaya napangiti ako ng lumapit sya sa akin.

"Hati na kita hanggang sa inyo.. baka sabihin ng Nanay mo na pinabayaan kita.." tapos hinawakan nya ako sa risk. Nauuna nanaman sya maglakad sa akin. Tapos pinag titinginan kami ng mga tao dun.

"Ana.. sino yan nobyo mo?" napalingon ako kay Mang Kanor. Nagiinum sila nina Mang Dante, Alvin, Marlon Mang Nikolas at Johnny. Yung mga usual na tambay at mga langong alak boys sa kanto namin. Nakita ko yung pagsama ng tingin ni Vice sa kanila. Kaya inakap ko sya sa bewang baka mapaaway nanaman to. Kasalanan ko nanaman.

"Ah..  Mang kanor opo.." sagot ko.

"Nako Ana.. Dapat ay pinapatagay yan.." nagsalin ito ng alak sa shot glass. Akala ko naman hindi nila papatagayin anak naman ng pating.

"Nako Mang Kanor.. wag na ho maaga pa---" inaabot ni Mang Kanor yung alak kay Sir Vice. Tinanggap naman ni Sir Vice. Pagkatapos ininum nya. Kaya naman nagsigawan sila. Tiningnan ko pa si Sir Vice kung okay lang sya. Mukha naman na okay sya.
"Mang Kanor.. sige po.." hinila ko na sya. Habang naglalakad kami.

"Bakit mo naman ako hinatak kaagad?" tanong ni Sir Vice. Napatigil ako sa paglalakad at tiningala sa kanya.

"Alam mo kung hindi kita hinatak hindi ka titigilan ng mga yun.." sabi ko sa kanya na nakapamewang sa harapan nya. Kumunot lang ang noo nito at tiningnan ulit ako. "Halikana.." pagkatapos nag lakad ulit kami. Nakarating kami sa tapat ng bahay namin. Narinig ko na ang ingay sa loob. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Vhong.

"Karylle.." nakangiti nyang sabi sa akin.

"Vhong.. anong ginagawa mo dito?" nagtataka kung tanong sa kanya. Bahagya kung nilingon si Sir Vice at tama nga ang hula ko masama ang tingin nya kay Vhong.

My Conceited Prince || ViceRylleWhere stories live. Discover now