Chapter 11 Akin Sya!!

12.9K 182 4
                                    

General POV

Nagulat si Karylle sa narinig mula kay Vice. Humigpit pa ang hawak nito sa kanya. Hinatak sya nito mula kay Archie at hinila palabas ng lugar na yun. Walang nagawa si Karylle kundi ang mag pati anod sa binata. Nakarating sila sa tapat ng kotse nito. Pabalagbag syang isinandal nito sa kotse at itinukod nito ang parehong kamay sa bubong ng kotse, habang hinihingal ito. Dun nya lang napansin na paga pala ang kamao nito dulot siguro ng pagkakasuntok kay Archie.

"F*ck.. Karylle.. maghapon sya ang kasama mo!! Anong ginawa nyo. bakit ka nakikipaghalikan sa kanya!!" galit na sabi nito. Nanlilisik ang mga mata nito.

"Pwede ba hindi ako nakikipaghalikan sa ka----" bigla syang siniil nito ng halik. Madiin ang paraan ng paghalik nito. Itinutulak nya ito pero talagang napakalakas ng binata. Hinapit ng kaliwang braso nito ang bewang nya upang mas mapa diin ang katawan nya sa katawan nito. Kinagat nito ang ibabang labi nya para maipasok nito ang dila sa loob ng bibig nya. Napapikit ng mariin si Karylle sa ginawa nito. Mapusok at na ngangailangan ang mga halik nito. Hindi nya maintindihan ang binata, kanikanina lang ayaw sya nitong pansinin pagkatapos ngayon, nagagalit ito dahil maghapon nyang kasama si Archie. Hindi nya napigilan ang sarili na maluha. Ano bang tingin nito sa kanya? Napahikbi sya ng malakas. At dun nya naramdaman ang unti unting pag tigil nito. Napadilat sya ng makita ang mga mata at  ang pag amo ng expression nito malayong malayo sa kaninang kaharap nya.

"I... I'm sorry.." mahinang usal nito. Napalakas ang hikbi nya sa narinig.

"Bakit?.. Bakit mo ba ako parating sinasaktan.." tinitigan nya ito sa mata. Uniwas ng tingin ang binata sa kanya."Bakit?!" halos hagulhol na iyak nya dito.

"Karylle.. hindi ko alam..!" Itinulak nya ang binata. Pagkatapos nag martya paalis. "Karylle!!!" sigaw ng binata. Pero di nya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
Karylle's POV

Anong akala nya sa akin.. libre saktan pwedeng gawin kahit ano.

"Karylle!!.. Stop!!" naririnig ko sya pero di ko sya pinansin. Bahala sya sa buhay nya. Aalis na ako dito.
"Karylle.." naramdaman ko ang katawan nya mula sa likuran ko. Natigilan ako. He never did this thing to me. Ngayon lang. Humigpit yung yakap nya. "Please.. stay.. I'm sorry.. Kung gag* ako.." what? sinasabi nya ang mga bagay nayun. Ang puso ko bumibilis nanaman ang tibok. My heart easily melts as he said those words. Nakakainis bakit ganun ang daling lumambot ng puso ko kapag nakikiusap sya. Pumikit ako  ng mariin. "Please.. Stay.. I'm sorry
Karylle.." usal nito na nakikiusap sa akin. Nakapatong yung baba nya sa kanang balikat ko at amoy na amoy ko ang alak sa kanya.

"Buti inamin mo na gag* ka" sabi ko sa kanya.

"I'm sorry" bulong nya ulit na tila nahihirapan. Sya yung tipo ng tao na mataas ang pride at hindi marunong mag sorry sa iba pero sa akin nag so sorry sya. "I was just afraid na maiwan ulit ako mag isa" Sa sinabi nyang yun bahagya ko syang nilingon, nakita ko na may pain sa mga mata nya.

"Your.. forgiven.." sabi ko. I can't stand seeing him in pain. Humarap ako sa kanya.I wrap my arms around his neck. "Paki control naman ng temper mo.." bulong ko sa kanya. He wrap his both arms around my waist.

My Conceited Prince || ViceRylleWhere stories live. Discover now