Chapter 1 Prinsesa Ng Kamalasan

13.7K 213 1
                                    


[Author's Note]

Hai there trip na trip ko talaga yang pa chapter chapter hahaha sana nabasa din nyo yung other story ko na Perfeçtly Yours Only ViceRylle story ko din ^__^
.
.
.

.
...

....

General POV

Kakarating lang sa bahay ng dalaga ng marinig nya na may  nagbabasag ng plato. Usual na ito sa kanya.  Pagpasok nya may plato na lumipad patungo sa kanya buti na lang nakuyuko sya. Nakita nya ang nanay nya na humihingal dahil sa pag babasag ng plato.

"Ma..Tama na " sabi nya na lumapit sa ina at inakap. Simula ng mamatay ang tatay nya nag kaganun na ang ina. 2 years na simula ng mamatay ang tatay nya at dalawang taon ng ganun ang ina. Nakita nya ang dalawa nyang kapatid na bumaba mula sa taas na parte ng bahay nila.

"Ate.." lumapit ang mga ito sa kanya. Napatingin sya sa kapatid nasi Coco at Zia.

"Ate.. Malapit na tayong maputulan ng kuryente at tubig." sabi ni Zia. Napahinga sya nang malalim.

"At saka ate mag babayad na pala kami ng miscellaneous fee" sabi ni Coco. Napahinga ulit sya ng malalim. Simula ng mamatay ang tatay nya at nagkaganun ang Mama nya. Sya na ang sumagot ng lahat ng gastusin sa bahay nila. Ang dami nyang trabahong pinasok para lang matustusan yun. Madalas kapag mag isa sya umiiyak na lang sya dahil ang lupit ng pagkakataon sa kanila.  Ang hirap pa ng buhay nila.

"Sige Coco gagawan ko yan ng paraan.. At saka Zia.." sagot na lang nya sa mga kapatid. Natanggal sya kagabi sa pinag ta trabahuhan na Bar dahil inaway nya ang babaeng kahalikan ni Dingdong. Isa kasi syang waitress at dahil sa nangyari kahapon nawalan sya ng trabaho.

"Ate. . Nakatulog na si Mama" sabi ni Zia. Tumango lang sya.

"Mag bibihis lang ako.." sabi nya. Tinungo nya ang maliit na kwarto para kumuha ng damit. Huminga sya ng malalim at pumikit ng mariin upang pigilan ang luhang nag babadyang maglandas sa pisngi nya. "Kailangan kung maghanap ng trabaho" usal nya sa sarili. Tinungo nya ang banyo nila at naligo sya.

.

.

.

.

.

... ..

..
********

Sa Viceral Law Firm..

"Kumusta Pañero.." Napatingin si Vice at mabilis na binalik ang pansin sa ginagawa. "Alam mo nakakatampo ka eh.." sabi ng dumating.

"Bakit ba? Wala kabang kleyente?" pasupladong sagot ni Vice.

"As always.. Ang sungit mo parin." sabi ng kausap.

"Attorney Navarro.. Go away" naiiritang sabi ni Vice. Itinaas ng binata ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

"Aalis na ako.." sabi nito. Tumayo na si Attorney Navarro.

"Vhong.." napalingon si Vhong.

"Ano yun?"

"Mag pa hire ka ng secretary!" seryusong sabi ni Vice. Natawa naman si Vhong bago lumabas ng opisina ng kaibigan. Napailing na lamang sya dahil lahat ng sekretarya nya ay hindi nakatagal sa kanya. Halos every month ay papalit palit sya ng secretary dahil narin sa hindi matagalan ng mga ito ang ugali nya. Inalis nya ang eyeglasses bago nag turn around para tanawin ang bintana. Pumasok sa isipan nya ang babaeng basta na lamang umalis sa unit nya at hindi man lang nagpasalamat. Napailing na lamang sya sa naisip.

My Conceited Prince || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon