Chapter 45 Marry Me

7.1K 159 7
                                    

General POV

Pabiling biling sa kama si Karylle kaya nagising si Vice.

"Love..." mahinang tawag ni Vice. Lumapit naman si Karylle at inunan ang dibdib ng binata. Hinaplos ni Vice ang buhok ni Karylle.

"Bakit?" Masuyong tanong ni Vice.

"Hmmm hindi ako makatulog.. Love"

Inakap nya mahigpit ang kasintahan.

"Lately pag gantong oras di na ako makatulog.."

"Alastres pa lang ng madaling araw eh"

Bigla naman pumasok sa isipan nya na baka ang dahilan nun ay ang pagbubuntis nya. Naramdaman nya ang pagdampi ng labi ng kasintahan sa ulo nya.

"Tulog na Mahal ko wag kang lumuha malambot ang yung kama sige wag kang matakot" napangiti sya ng marinig ang kanta nito.

"Hindi naman ako natatakot eh, hindi lang ako makatulog"

"Love.. Mahal mo ba ako?" Napabangon si Karylle sa tanong ng kasintahan. Yun kasi ang kauna unahang pagkakataon na tinanong sya ng kasintahan ng tanong na yun.

"Anong klaseng tanong yan ha? Hindi mo ba nararamdaman?"

"Mali naman yung sagot mo eh"

"Mahal nga kita!!" Hinampas nya pa ito sa dibdib.

"Bakit ka nagagalit?" Ngumiti ito ng nakakaloko. Bumangon din ito para parehas sila.

"Alam mo ngayon mo lang yan tinanong sakin" Lumapit sya sa kasintahan.

"Hindi ka kasi makatulog baka pag sinagot mo yung tanong ko makatulog kana.." nakangiting sabi nito habang hinaplos ang mukha ng dalaga. Sya namang pagakap ng dalaga sa kanya.

"Mahal na Mahal kita" sambit ng dalaga. Sasagot sana si Vice ng marinig nila pareho ang cellphone nito.

"Mahal na Mahal kita Vice" narinig nila. Napalook up si Karylle kay Vice.

"Gusto ko kasi parating naririnig yun," explain nito bago tumayo para sagutin ang tawag.

"Teka seriously at 3:25 am may natawag sayo. Trabaho bayan?" Naka cross arms na sabi ng dalaga. Nakita ni Vice ang caller id kaya tumingin sya kay Karylle

"Love I have to answer this importante to eh, Dito ka lang" tapos nag lakad sya papunta sa balkunahe. Out of curiousity sumunod si Karylle.

"Yes.. Baby.." narinig ni Karylle na sagot ni Vice sa tawag. Napakunot ang noo nya sa narinig Baby?. "Oo magkikita tayo mamaya. Basta itxt mo na lang yung details.. sige.. sige.. bye.. Make sure di nya malalaman" mukhang masaya ito sa pakikipagusap sa kausap nito. May emosyong namumuo sa kaibuturan ng puso ni Karylle. Selos at Takot. Ag seselos sya sa kung sino mang Baby ang kausap nito at natatakot sya na baka naglolokohan lang pala sila ni Vice all through out. Nang makita nya na papasok na ito mabilis syang pumunta sa kama.

"Love.." lumapit ito para sana halikan sya kaya lang umiwas sya.

"Love inaantok na ako" nahiga sya at nagbalot ng kumot.

Nanibago naman si Vice dahil sa pg shift ng mood ng girl friend. Nahiga na lang sya sa tabi nito. Nakataliko ito sa kanya, kaya niyakap nya ito behind her back at siniksik ang mukha sa batok nito.

"I love YOU Mrs. Viceral" bulong nya sa tenga nito. Hindi tumugon si Karylle, kaya tiningnan sya ni Vice at nakitang nakapikit na ito. Nagkibit balikat na lang si Vice at hinalikan sa pisnge ang kasintahan. Bago inakap ulit ito.

My Conceited Prince || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon