Book 2 Foolish Hearts

6.2K 126 17
                                    


Chapter 50 A life with out Him

General POV

After 4 years....

Ano na kaya ang buhay ni Karylle?

"Peter Jose!!!" Sigaw ni Karylle ng hindi mahagilap ng mga mata ang anak. "Anak!!"

"Mommy.. andito lang po ako" napa tingala si Karylle sa bubung ng bahay nila. Lumabas sya ng bahay at tinanaw ang anak.

"Anak bumaba ka dyan ikaw na bata ka pag nahulog hulog ka dyan"

"Mommy ang ingay po kasi ni Lilibeth tahol ng tahol hindi po ako nakapagbasa ng ayus...sabihin nyo po kasi dun sa mga chicser na kapitbahay natin ibenta na si Lilibeth para wala ng maingay" sigaw nito pabalik. Napailing na lang si Karylle sa sinabi ng anak. Umakyat din sya sa bubung para tabihan ang anak.

"Ano ba yang binabasa mo?"

"Constitution of the Philippines, binigay po sa akin ito ni Ate Angelique (Dedicated to AngeliqueAnnYadao) "

"Anak.. bakit dika nag babasa ng mga pambatang libro"

"Mommy boring po yun!" Sagot nito. Hinaplos nya ang buhok ng anak. Kamukhang kamukha ka talaga ng Daddy mo at kaugaling kaugali rin, manang mana ka sa kanya lahat lahat. "Mommy umiiyak nanaman" lumapit ito sa ina para punasan ang luha.Pagkatapos hinalikan nya sa lips ang Mommy nya. Para talaga itong matanda mag salita.

"Anak yung totoo ilang taon kana?"

"Mommy naman eh" naka pout na sabi nito.

''Para kasing mas matanda ka pa sakin" isinara ni Peter a ng libro. Matalino ito katulad ni Vice, sa edad na 4 na taon saulo na nito ang multiplication table at periodictable. Hindi ito katulad ng ibang bata. Masyado itong seryuso parang ang ama nito. Kamukhang kamukha nito si Vice. Kaya naiiyak madalas si Karylle sa tuwing pinag mamasdan ang anak.

"Mommy masyado po ba akong pogi para parati kayong umiyak?" Inosenteng tanong nito. Napatawa sya katulad na katulad ng Daddy nya.

"Oo anak ang pogi mo"

Narinig nila ang pagtahol ni Lilibeth. Nakita nya ang pag irap ni Peter.

"Mommy.. bakit po ba si Lilibeth parating galit sa mundo?" Naka pout na tanong nito.

"Kasi anak aso sya"

"Mommy si Bella naman po aso din sya pero hindi naman po sya galit sa mundo.. ang bait po kaya ni Bella"

"Anak ganyan talaga eh"

"Mommy gusto ko po ng adobo" tumayo ang bata at lumiban sa bintanang dinaanan nito kanina. "Dali na po nagugutom na po ako!!" Excited na sabi nito. Napangiti si Karylle na sumunod sa anak. Ang daya mo Vice bakit nakuha ng anak natin ang lahat ng katangian mo. Ikaw na ikaw sya. Ganun nga yata talaga kita kamahal.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
Karylle's POV

Ilang taon na ba? Apat na taon na nabubuhay ako na wala sya. A life with out is like a life in hell. Ang hirap hirap mabuhay na hindi sya kasama. At inaamin ko na hanggang ngayon Mahal na mahal ko parin sya. Hindi naman nag bago yung pagmamahal ko sa kanya. Pero hindi nanaman kami mag kikita.

My Conceited Prince || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon