Chapter 02 Prinsipe Ng Kasungitan

12K 189 4
                                    


General POV

Nasapo ng dalaga ang noo nya dahil sa  sobrang kahihiyan. Hindi pala sya masamang tao.? Sabi nya sa sarili. Kaya napatayo sya at umalis sa pulis station.

"Attorney.. Pala sya..Teka pano pala ako uuwi nito.eh.. wala akong pera.." sabi nya sa sarili. Narinig nya na may bumusina kaya napalingon sya sa bumusina. It was her cousin Anne.

"Hey.. what happened to you girl?" sabi nito na tila nagtataka sa itsura nya. Ang haggard kasi ng itsura nya.

"Anne nanakawan ako eh.."

"What? Oh my gosh.. pumasok ka nga dito.." pumasok sya sa loob ng kotse. "Ano ba kasing nangyari?"

"Anne kasi kanina nag hahanap ako ng trabaho tapos on my way nanakawan ako.."

Anne Curtis Smith pinsan  nya sa mother side. Lumaki ito sa austrilla. Mayaman ang mga ito. Kabaligtaran ng buhay nila.

."Hatid na kita sa inyo.. at saka ito puntahan mo tong address na to bukas may trabaho dyan..Sabihin mo sa may ari nyan bayad na sya sa utang nya sa akin kapag tinanggap ka nya.." May binigay ito na papel sa dalaga. Address yun.

"Salamat Anne.." sabi ng dalaga. Hinatid nya sa may Kanto ng Brgy. 17 ang pinsan. Pagkatapos nag lakad sya paloob ng kanilang baranggay. Pagkapasok nya sa bahay nila nakita nya si Aling Petra ang pinagkakautangan nila. Narinig nya ang pagtalak nito.

"Abay Kelan ba kayo mag babayad ng utang baka gusto nyo namang magbayad ke tagal tagal na ng utang nyo hindi pa kayo nag babayad!!!" talak agad nito.

"Aling Petra sa sabado ho magbabayad ako.." sagot ng dalaga.

"Aba ilang kakasabado na ba ha? Hindi naman nauubos yang sabado nayan.. aba naman.. Sabi mo nung isang linngo tumagal na ng tumagal eh Hindi parin kayo nakakabayad.." sabi nito.

Napahinga ng malalim ang dalaga.

"Kapag di pa kayo nakabayad sa sabado.. Kukuhanin ko ang mga gamit nyo dito sa bahay!!" sigaw nito bago umalis. Napahawak sya sa ulo nya. Sumasakit nayun dun lang nya na realize na hindi pa pala sya kumakain. Kaya nagbuklat sya ng mga pagkain sa lamesa. Meron dung toyomansi, tinapa na prito at kamatis. Kumuha sya ng plato at kumain. Natutulog sa sofa ang nanay nya may katabing bote ng gin. Sanay na sanay na sya sa ganung routine ng nanay nya. Pagkatapos nya kumain naghugas sya ng pinagkinan. Iniisip nya ang mga nangyari sa kanya at isa ito sa pinaka malas na araw ng buhay nya. Na pabuntong hininga na lamang sya. Bukas ma bukas maghahanap na ulit sya ng trabaho.

.

.

.

.

.

..

..

.

.

.

.***********

May mga naabutan na aplikante ang dalaga sa address na ibinigay ng pinsan nya. Napansin nya kada lumalabas na babae dun sa opisina kung hindi umiiyak, eh umiiyak at bagsak ang balikat.

Nang turn na nya huminga muna sya ng malalim bago pumasok. Pagkapasok nya sa office naka tungo ang lalaki. Bumilis ang tibok ng puso nya. Nang mag angat ito ng paningin at magtama ang mga mata nila napagtanto nyang ito ang  binatang abogado.Salubong ang kilay nito at hindi pa yata ngumingiti. Naalala nya ang mga nangyari sa kanila kahapon. Bigla naman syang tinamaan ng hiya kaya tumalikod sya para sana umalis.

My Conceited Prince || ViceRylleWhere stories live. Discover now