CHAPTER 2

199 20 0
                                    

Natapos na ang klase nila at sila'y mag uuwian na. Nung naglunch break sila wala silang ginawa kundi mag usap at magtawanan habang nakain. Uwian na nila kaya panahon na para magpaalam sila sa isa't isa.

GABB's POV
Itutuloy ko sa inyo ang pagpapakilala ko. Secret fan kasi ako ni Coco medyo mahirap maging secret fan kasi walang nakakaalam na may fan acc ako sa twitter para kay Coco dun ako nagpapapansin sa kanya buti pa don nasasabi ko na gusto ko siya, sa real life ang hirap.

Matagal na kong may gusto kay Coco simula elementary siguro grade 5 kami non iba kasi yung katangian niya sa iba e kaya nyang makipagsabayan, mabait and bonus pa yung pagiging maganda niya inside and out.

Updated ako sa mga twinitweet niya kaya once na may tweet siya nagpapapansin agad ako hindi mawawala yung paglike, pagretweet, at pagcocomment ko sa kanya.

Nakauwi na nga pala kaming lahat sa aming kanya kanyang bahay tamang usap usap nalang kami sa gc tapos tamang gawa lang ng mga pinapagawa.

Napansin ko na gabi na pala kaya nagbalak na kaming lahat matulog baka kasi malate pa kami ng gising bukas.

11:00pm
Still awake hindi ako makatulog e pinipilit kong matulog pero wala talaga hindi talaga ako makatulog.

COLEEN's POV
It's 11pm na pero i'm still awake pa rin can't sleep e at dahil wala akong magawa naghanap ako sa active list ko at bigla kong nakita na nakaonline si Gabb kaya siya nalang inabala ko.

Gabb gising ka pa?
Seen.

Ay hindi na tulog na po si Gabb.
Seen.

Ayos mo rin kausap no?😑
Seen.

Joke lang hehe.
Bakit gising ka pa?
Di ka rin makatulog?
Seen.

Can't sleep e ikaw lang
Nakita ko sa active list
ko na pwedeng
gambalain hehe sorry.
Seen.

Hindi rin naman ako
makatulog e call tayo?
kantahan kita?
Seen.

G na yan want ko na
talaga makatulog e
baka sakaling ikaw
ang sagot HAHAHAAH
Seen.

IN CALL...
:Kanta ka na want ko na talaga matulog e.
Gabb: Medyo nahihiya ako sa boses ko pero sige na nga HAHAHAHA
:Wow Gabb ah parang ngayon ka lang ata nahiya lagi ko ngang naririnig boses mo pag magkacall tayo at magkasama tapos mahihiya ka.
Gabb: Oo na ito na.
Sinimulan na ni Gabb kumanta.

🎵Mabuti pa sa lotto🎵
May pag asang manalo
Hindi tulad sayo imposible
Prinsesa ka, Ako'y dukha
Sa tv lang naman kaso may mangyayari.

Sobrang hinhin lang ng pagkanta nya kaya ako ay napapikit na.

🎵At kahit mahal kita🎵
Wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita.

At tuluyan na akong nakatulog.

PANGARAP LANG KITA (UNICOCO)Where stories live. Discover now