CHAPTER 5

171 20 0
                                    

Gabb's POV
Niyaya ako ni Coleen na sumama sa family outing nila and pumayag naman ako, nagpaalam na ko sa mama at papa ko and pumayag naman na sila kaya wala nang dapat pang ipagalala. Napapadalas pagsasama at pag uusap namin ni Coleen close na nga kami mas pinaclose pa, ganon grabe yung bond naming dalawa.

All set up na susunduin daw ako nila tita (mama ni coco) apat lang kaming pupunta doon kami lang nila tita, Coco, Mark and ako. Ewan ko bakit naisipan nila tita na isama ako.

Sinundo na ko nila tita dito sa bahay namin and nakasakay na ko sa kotse nila. Nasa harapan ng kotse si Mark and tita at magkatabi naman kami ni Coco sa backseat.

Habang naandar ang sasakyan nagulat ako ng may kumagat sa balikat ko at napasabi nalang ako ng "A-arayyy ko Cocooooo!" and yes anlakas ng trip niya pero nung time na yon nasasaktan ako pero kinikilig rin ako at the same time. Pagtapos nya kong kagatin sumandal siya sa balikat ko at natulog na, ang ganda at ang cute niya talaga ewan ko ba bakit hindi pa to jinojowa e.

Napaisip ako bigla habang nasa byahe at habang natutulog si Coco sa balikat ko. Napasabi nalang ako sa isip ko ng "Siguro nahihirapan na tong kyut na babaeng to sa buhay showbiz." Hindi kasi siya palasabi ng problema kahit alam niyang maraming tao na handang makinig sa kanya at mauuwian niya. Nasanay na kasi siya na kinikimkim yung problema at to be honest kinagagalitan ko kay Coco yon madalas kasi siyang magdwell sa kalungkutan pero hindi niya ipapahalata na malungkot siya. Proud ako sa kanya kasi ang tapang niya nakakayanan niya yung mga problema, kahit hindi niya sabihin alam ko pag may problema siya basang basa ko na siya noon pa and never ko pa siyang nakitang umiyak sa harapan ng tao kasi may problema madalas namin siyang makitang masaya kahit halata sa mata na malungkot talaga siya. Napapaisip nalang ako kung bakit hindi niya ko nasasabihan ng malalaking problema madalas puro maliliit lang.

Nakarating na kami sa amanpulo at super ganda dito, napasabi nalang ako habang nakatingin kay Coco ng "ito na ang pahinga sa napakagulong mundo."

Pumunta na muna kami sa aming mga kwarto kasama ko si Coco sa kwarto and si Mark and Tita naman ang magkasama sa kwarto. Kumain na muna kami bago maligo sa napakalinaw na dagat. Pagkatapos naming kumain ito na swimming time inaantay ko nalang si Coco antagal magbihis. Bigla siyang lumabas at nakasuot ng 2 piece at bigla din naman akong natulala
"Taraa na Gabb!" saad ni Coco habang ako ay nakatulala.
"Hoy Gabb tara na baka matunaw na ko nyan" saad ulit nya.
"A-a-ah ta-tara na" utal na pagsabi ko.

Naligo kami, nagtawanan, at nagbanlaw na lumubog na ang araw kumain na kami at kailangan ng magpahinga pagod na din ang lahat.

Nakatulog na ako at biglang naalipungatan, 1:30 ng madaling araw na and nakita ko na wala si Coco sa kama nya kaya lumabas ako para hanapin siya, nakita ko naman din agad siya andun lang siya malapit sa dagat nagpapahangin kaya pinuntahan ko siya agad.

"Hey!" Saad ko

"Oy! Bakit ka nandito? Tulog ka na diba?" Sabi ni Coco

"Oo nga, nagising ako e tapos nakita kita na wala ka sa kama mo kaya lumabas ako tapos hinanap kita. Bakit andito ka pa gabing gabi na e?" sagot ko naman sa kanya.

"Nagpapahangin lang atsaka hindi rin naman ako makatulog." Sagot niya.

Naisipan ko na baka ngayon pwede na ko umamin para gumaan man lang yung pakiramdam ko. Ang hirap na may tinatago e.

PANGARAP LANG KITA (UNICOCO)Where stories live. Discover now