CHAPTER 3

182 21 0
                                    

GABB's POV
Nagulat ako ng nagchat si Coleen medyo kinilig ako. Nagsabi siya sakin na hindi siya makatulog kaya sabi ko sa kanya call kami tapos kantahan ko siya, kahit medyo nakakahiya yung boses ko hindi ko alam bakit nahihiya pa ko, e kumakanta pa nga ko sa harap niya at tuwing magkacall kami tapos ngayon lang ako nahiya. Epekto ba to ng feelings ko for her? Hays self tropa mo lang dapat siya.

Kinantahan ko na siya ng Pangarap lang kita kaya ayan yung kinanta ko kasi hanggang pangarap lang naman talaga ako.

Ramdam ko na nakatulog na si Coleen kasi rinig ko ang kanyang paghilik kaya tinignan ko kung tulog na talaga.

IN CALL...
:Coco? Coleen? Tulog ka na?
Ramdam ko na tulog na talaga siya dahil hindi na siya nagsalita kaya ako ay may sinabi sa kanya dahil alam kong hindi niya maririnig.

:Matagal na kitang gusto sana ramdam mo, sana ikaw rin. Una palang alam ko naman na hanggang pangarap lang talaga kita. I like you sana masabi ko yan sayo ng gising ka dami ko nang sinabi sige na nga babye na. Goodnight Coco!

END CALL...

Nung na end call ko na iniisip ko pa rin kung paano pigilan yung feelings ko sa kanya kaso habang pinipigilan mas lalong lumalala, tinatry ko rin namang umamin pero iniisip ko yung pag umamin ako mawawala lang yung closeness namin. Atsaka isa pa babaeng babae yon mas straight pa yon sa buhok ko. Ewan ko ba sa kanya ako bumaliko. Hays matutulog na nga ko baka bukas malate pa ko ng gising.

COLEEN's POV
Ito na pasok na naman pangalawang araw namin sa pagpasok pero tinatamad na agad ako, maaga naman ako nagising at binibilisan ko na rin kumilos.

Habang ako ay naghihintay kay mommy para maihatid niya na kami ni Mark naalala ko na natulugan ko pala si Gabb kagabi kaya agad agad ko siyang chinat at nagpasalamat.

Gabb thank you!
Seen.

No worries chat ka
lang pag hindi ka
makatulog hahaha.
Seen.

Grabe naman lods
ganda kasi boses kaya
nakatulog agad ako.
Seen.

Nambola pa tigilan
mo ko Coco!
Bye na magcocommute
na ko papuntang school.
Seen.

Sige ingat.
Andito na rin
si mom e papunta
na rin ako sa school.
Seen.

Ingat rin kayo
nila tita.
Seen.

Btw, palagi ganyan ang ginagawa namin ni Gabb sa isa't isa pag kami ay hindi makatulog nag uusap kami o kaya magkakantahan pampaantok lang namin para makatulog. Close kasi talaga kami ni Gabb naging close na nga rin yung family ko at yung family niya kasi bata palang kami, kami na talaga palaging magkasama.

PANGARAP LANG KITA (UNICOCO)Where stories live. Discover now