CHAPTER FOURTEEN

900 8 3
                                    

PAGKAGISING ng umagang iyon ni Desiree ay wala na sa tabi niya ang asawang si Guiller. Kahit paano ay nakaramdam ng pagkalungkot ito. Ngunit mabilis niyang binalewala iyon. Inisip na lang niyang kakaumpisa pa lamang nito sa bagong trabaho kaya marahil ay kailangan nitong magpakitang gilas. Ganoon naman eh.

Bumangon na siya at nag-inat, kahit tinatamad pa'y inayos na niya ang pinaghigaan nilang mag-asawa. Naisip niya ang payo ng Mama niya na dapat ay umakto na siyang may bahay magmula ngayon. Dahil iyon na ang pinili niyang landas. Kaya dapat mapanindigan niya.

Eversince na nakatapos siya ng pag-aaral ay nagtrabaho na siya. Naging independent na siya dahil iyon ang gusto niya. Gusto niyang nacha-challenge siya.

Matapos niyang magligpit ay dumiretso na siya sa banyo para makaligo. Sanay na siyang maglinis  muna ng katawan, bago mag-almusal.

After fifteen minutes ay natapos na siya. Pagkalabas pa lamang niya ng pinto ng banyo ay nakarinig na siya ng sunod-sunod na pagkatok sa may pinto sa labas.

“S-sino kaya 'yun?” pagtatanong ni Desiree sa sarili. Kumuha muna siya ng maisusuot, minadali na niya ang pagbibihis.

“Sandali lang naman,” sagot niya nang muling naulit ang pagkatok.

Nakasimangot tuloy siyang binuksan iyon. Inayos niya ang itsura nang makita niya na isang babae ang nasa labas. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang niya ito nakita, pero may pakiramdam siyang kakilala siya nito.

“H-hello po, sino po hanap niyo?” tanong ni Desiree na tutok na tutok sa magandang mukha ng babae. Sa tingin niya'y ka-edad lamang ito ng kanyang Mama.

“So, ikaw ang wife ni Guiller,” the older woman stated.

“O-opo, ako nga. Kilala niyo po ang asawa ko?” nasabi ni Desiree.

“Of course, I'm Badette Jacinto. I'm Guiller's mother dear,” may kakaibang kislap ng mata na nasabi ng babae sa kanya.

Bigla ang pamimilog ng mata ni Desiree, agad-agad ay niluwagan niya ang pagbubukas ng pinto nila.

“Oh goodmorning po M-Ma, p-pasok po wait lang po ipaghahanda ko ho kayo ng mamemeryenda. Hindi ko alam na darating kayo ngayon.” Paaniya-niya ni Desiree sa Biyenan.

Akmang papasok na paloob si Desiree, ngunit nakitang itinaas na nito ang kamay upang awatin siya.

“Huwag ka ng mag-abala ija. Narito lamang ako para dumaan at mabalaan ka.” Hindi naman alam ni Desiree kung ano ang ire-react sa sinabi ng ina ni Guiller.

“A-ano po ang ibig niyong sabihin M-mama?” takang-tanong ni Desiree na napabalik sa harapan nito.

“Kilala mo naman si Ezekiel right, Dr. Ezekiel Uson Abenedi.” Deklara ni Badette.

“O-opo Mama, siya po ang Therapist ko para sa sakit ko. Siya rin po ang tumulong kay Guiller para magkatrabaho Ma, b-bakit po?” tanong ni Desiree.

Isang malutong naman na tawa ang pinakawalan ni Badette. Hindi alam ni Desiree, pero pakiramdam niya may kakaiba sa tawa ng ginang.

“Don't be deceive by his act dear, lahat ng iyan ay pakana lang niya,” mapaklang bigkas ng ginang.

“P-po? Hindi ko ho kayo naiintindihan,” sabi ni Desiree.

“Desiree alam ko, matagal na. Hindi mo ba alam... May binabalak si Ezekiel para sirain ang pagsasama niyo ng anak ko.” Kagiyat naman napipilan siya. Ngunit kaagad din nakabawi pagkatapos.

“H-huh! imposible po iyon Ma, mabait pong tao si Ezekiel.” Pagtatanggol niya sa binatang Doctor. Hindi niya matukoy, ngunit nakaramdam siya ng pagkainis sa babaeng kaharap.

Totoo yatang may masamang ugali ito, ayon na rin sa nai-kuwento sa kanya ng mister.

“Makinig ka Desiree, ikaw lamang ang magiging daan para malaman ng anak ko ang mga binabalak ni Ezekiel. Kaya please pakinggan mo ang lahat ng sasabihin ko. Huwag na huwag niyong pagtitiwalaan si Ezekiel. Lalo ka na, hindi mo ba alam ang ginawa niya sa iyo dati? Kung bakit nararanasan mo ang kakaibang sakit mo na?”
Pinanlakihan ng mata si Desiree sa tinutumbok ng usapan nila ng Ginang.
“A-ano po bang sinasabi niyo, pwe-pwedi po diretsahin niyo na lang ako,” tensyonado na wika ni Desiree.

Maang lamang siyang tinitigan ni Badette.

“Si Ezekiel, siya ang lalaking nakialam sa'yo noon sa private resort ng Boss mong si Nickolai. Nang minsan magkaroon ng occasion sa kumpaniya niyo.”

Parang biglang may sumuntok sa sikmura ni Desiree sa sandaling iyon. Upang hindi siya agad nakapagsalita. Bigla siyang namutla, napasandig tuloy ng wala sa oras ito sa may pader. Pakiramdam niya nanlalambot siya. Nagtataka siya bakit nito alam iyon?

“Alam ko ang iniisip mo ija, bakit ko alam? Dahil matagal na kong nagmamanman sa mga kilos ni Ezekiel. Actually nagkaroon kami ng affair ng amain niyang si Rodel na asawa ng ina niyang si Dhalia. Siya ang nakilalang ama nito noon, sinungaling kasi talaga ang Nanay niya; alam mo na baliw. Ama ni Guiller si Rodel kaya may karapatan naman talaga ang anak ko na asawa mo sa mga ari-arian na minana niyan si Ezekiel sa mga Lolo at Lola niya nasa America, eh sa totoo lang. Pero garapal talaga iyang si Ezekiel masyadong bitter, ipinagdadamot ang kayamanan na mas higit na nararapat sa asawa mo, dahil si Rodel ang panganay. Habang ang tunay naman na ama ni Ezekiel na si Carl ang nakakabatang kapatid naman ni Rodel, siya naman ang kabit ng malandi niyang Nanay na si Dhalia! Akala mo kung sinong matinong pamilya nanggaling ang batang iyan pero hindi! Kaya please ija. Habang wala pa siyang nagagawa upang masira kayo  ay sana makinig ka sa akin. Napakawalang-hiya niyang si Ezekiel, dahil ipinagdadamot niya ang dapat kay Guiller. Naiintindihan mo ba? Paghihiganti ang motibo niya sa paglapit sa inyo!”

Napatango naman si Desiree, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga ibinunyag nito sa kanya. Tila biglang sumakit ang ulo niya.

“Matutulungan mo ba ako ija? Please pagsabihan mo ang asawa mo.” Habol pa nito.

“Susubukan ko po,” napapalunok niyang sabi.

Humalikipkip naman si Badette at mataman napatitig sa manugang.

“Ayaw mo naman siguro na malaman ng anak ko na nagkaanak kayo ni Ezekiel, right?” malamig na siwalat ng babae.

Bigla ang pagbaling ng mukha ni Desiree sa kaharap. Napamulagat siya at halos hindi kumukurap.

“P-paano po niyo i-iyan n-nalaman.” Napakuyom ng kamao si Desiree.

“Wala kang maitatago mula sa akin ija, lahat ay alam ko. Gusto mo bang malaman ni Ezekiel kung saan naroroon ang anak niyo at kunin niya ito sa'yo . Hindi naman diba? Kaya magtulungan tayo Desiree,” makamamdag nitong sabi.

“Pero hindi naman po niya gagawin na ilayo ang anak ko. In the first place ay siya ang may nagawang kasalanan sa akin!” masama ang loob niyang sabi sa babae. Lihim naman nagdiwang ang loob ni Badette dahil nakuha niya agad ang simpatiya ng manugang.

“Hindi mo kilala si Ezekiel ija, gagawin niya ang lahat para makaganti. Wala siyang pakialam kahit may madamay pang iba!" Sagad na ang panulsolsol pa ni Badette.

“S-sige po Ma, pero please huwag niyong ipapaalam k-kay Guiller na m-may anak na ko.” Pakiusap ni Desiree.

“I promise ija, basta tumupad ka sa ipinakikiusap ko.”

Tumango naman si Desiree.

“Sige mauuna na ko,” Pagpapaalam ni Badette.

“Mag-iingat po kayo,” tugon naman ni Desiree.

Akmang maglalakad na si Badette paalis. Nang bigla itong muling pumihit pabalik.

“One more thing ija, gusto ko paikutin mo Ezekiel. Saktan mo siya, hinay-hinayin mo lang,” nakangiting utos ng biyenan niya. Mukhang binago nito ang taktika.

“Po? hindi ba't sabi niyo layuan namin siyang mag-asawa, bakit po parang–”.

“So heto na lang Desiree ang plan B, alam ko naman na hindi kayo basta-basta lalayuan ni Ezekiel. Para mas masaya. Ang gusto ko akitin mo na lang siya, pahulugin mo ang loob niya sa'yo. Kapag hulog na hulog na'y magsabi ka sa asawa mong nagte-take advantage siya. Para maniwala, madali naman ang ipinapagawa ko diba?”

Gusto niyang salungatin ito, ngunit pinabayaan na lang niya.

“S-sige Mama,” sagot niya.

“It’s a deal then.” Saka ito naglahad ng kamay.

“D-deal po,” sagot ni Desiree.

Matapos maisara niya ang kanilang pinto pagkaalis pa lamang ni Badette ay tuluyan siyang napasandig doon.

Nakagat niya ang labi, imbes na magalit sa nalaman na si Ezekiel pala ang walang habas na gumalaw sa kanya noon. Heto siya, natutuwa pa ang loob niya sa natuklasan!

Hindi niya alam kung mapapanindigan niya ang deal nila ng ina ni Guiller o mas mananaig sa kanya ang nararamdaman sa lalaking kaytagal niyang hinintay.

Pinanabikan niya tuloy ang muli nilang pagkikita ni Ezekiel.

“Bahala na nga!” Tila ulap ang nilalakaran ni Desiree. Habang may nakapagkit na kakaibang ngiti sa mapupulang labi.


P.S

Kung naguguluhan kayo at gusto niyong mabasa ang romance story ng Mama ni Ezekiel na si Dhalia. Maari niyo naman siyang basahin sa GoodNovel . Search niyo lang ang “Ang Lihim Ni Dhaia” by Babz07aziole salamat! 

Hidden Desire R-18(COMPLETED) SOON TO BE PUBLISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon