CHAPTER TWENTY NINE

597 8 1
                                    

HINDI alam ang gagawin ni Desiree ng mga sandaling iyon. Paano ba naman kasi, pinaggitnaan siya ng dalawang lalaki. Kasama nila ang Mama at Papa niya na nasa kaibayong sofa. Habang ang tatlong matatanda ay piniling matulog ng hapon na iyon. Napagod ang mga ito mula sa mahabang biyahe.

“Mabuti naman at nagka-oras kang puntahan itong anak ko ijo,” seryusong baling ni Laila sa manugang.

“P-pasensya na po Ma, busy lang ho kasi sa trabaho,” sagot naman ni Guiller sa tonong nahihiya.

“Baka iba lang ang inaatupag mo roon.” Hindi pa rin naniniwala ito sa naging sagot nito.

“W-wala ho Ma, ang totoo kumuha po ako ng leave sa opisina, para makasama ko ang mga bata a-at si Desiree.”

“Oh, ganoon ba. At ikaw naman ino, ikaw si Ezekiel di'ba? salamat nga pala sa pagpapaunlak sa imbitasyon kong magbakasyon kayo rito kasama ng apo ko.” May totoong ngiti sa labi ng Ginang matapos masabi iyon.

“Wala ho iyon Tita, sa totoo lang ay binabalak ko talagang ipasyal sa Mama niya si Zedrick. Dahil miss na miss na nito si Desiree, sakto naman po ang pagtawag niyo kamakailan,” tugon naman ni Ezekiel.

“Oh siya, kung may kailangan kayo ay nariyan naman si Desiree. Magpapahinga muna kaming mag-asawa. Kapag nabo-bored kayo'y maari kayong magpasama rito sa anak ko sa mga sikat na pasyalan dito sa Bohol,” dagdag pa ng Ginang bago ito napasunod sa asawa.

“Anong gusto niyong gawin, tutal tulog ang mga bata. G-gusto niyo bang lumabas?” tanong ni Desiree sa dalawa matapos na makapasok sa silid ng mga ito ang Mama niya. Pinaglipat-lipat ni Desiree ang tingin sa dalawang lalaki na mataman ang pagkakatitig sa kanya.

Para siyang naabalidbaran sa paraan ng pagkakatitig ng dalawa sa kanya.

“Ahmmm, kung okay lang ba kay Guiller. Ayos lang din sa akin.” Pagbasag ni Ezekiel sa tensyon na bumabalot sa pagitan nila.

“Oo okay lang,” maiksing tugon naman ni Guiller, matapos nitong uminom at ibaba ang basong may laman na tubig.

“That's good, sige. Magbibihis muna ako sa silid ko. K-kayo baka gusto niyong magpalit ng damit.”

Sa iisang silid kasi napagdesisyunan ng magpinsan na matulog dahil na rin sa hiniling magbakasyon nilang parehas sa probinsiya ng magulang ni Desiree.

“Sige ayos na kami sa suot namin Des, just take your time.” Si Ezekiel.

Binalingan naman ni Desiree ang asawa na tumango lang din.

Tuluyan ng pumunta sa silid nito ang babae upang makapagpalit.

“Mabuti naman at nagka-oras kang dumalaw sa mag-ina mo Guiller.” Maya-maya'y pagbasag ng katahimikan ni Ezekiel sa pagitan nila ng pinsan niya.

“Ah, o-oo nga sobrang b-busy sa opisina,” tanging naisagot ni Guiller nanatiling nasa labas ang pansin nito.

“Talaga ba?”

“Oo, halos natambakan ako lately ng trabaho,” maiksing tugon ni Guiller.

Gusto pa sanang usisain ni Ezekiel ang pinsan ngunit lumabas na sa silid nito si Desiree. Agad inalis ng binata ang pansin sa nakahantad at mapuputing biyas ng babae, dahil sa suot lang naman nitong maiksing puting short. Maging ang yellow spaghetti sando nitong suot ay nakakadagdag pag-iinit sa nararamdaman ni Ezekiel.

Napansin niya ang matamis na ngiti sa labi ni Desiree. Agad na sinalubong at inalalayan nito mula sa paanan ng hagdan ni Guiller. Habang siya mataman na nakamasid lamang.

Sa totoo lang, kahit hindi maayos ang pagsasama ni Guiller at Desiree ay wala pa siyang karapatan para pumapel. Ito pa rin kasi ang legal na asawa ng babaeng mahal niya.

“Ang ganda-ganda naman ng asawa ko.” Papuri ni Guiller.

“Thank you,” maiksing sagot ni Desiree na inabot ng tuluyan ang kamay ng asawa niya.

Binalingan nito si Ezekiel na nanatiling nakatitig lamang. Naghihintay siyang may sabihin man lang ito, ngunit nanatiling tikom ang bibig nito. Lalong pinilas ang puso ni Desiree ng nauna na ito sa kanilang naglakad palabas ng sala.

“Tara honey, mukhang ihahanda ni Ezekiel ang sasakiyan niya. Baka iyon na gamitin natin sa pamamasiyal.” Pagtawag pansin ni Guiller.

“Siguro.” Hindi pa rin kumbinsido ang babae. Hanggang sa makasakay at bumabiyahe sila ay nanatiling tahimik si Ezekiel. Mabigat man sa loob ni Desiree ay hinayaan niya ito. Patuloy na lang niyang kinausap si Guiller, ngitian ng katulad dati. Pero hindi pa rin makapa ni Desiree ang kasiyahan.

Hanggang sa makarating sila sa mga sandaling iyon sa Chocolte Hills. Iyon ang unang napiling puntahan ng tatlo.

Kahit mataas pa ang sikat ng araw ay hindi naman gaano kainit ang dapyo niyon sa kani-kanilang balat. Nagbibigay ng nanunuot na lamig na dulot ng presko at natural na simoy ng hangin sa buong paligid. Dagdag pa ang kakaibang ganda ng mga kumpol-kumpol na burol na nakikita nila.

“Ang ganda naman talaga rito,” ani ni Guiller na lumanghap pa ng sariwang hangin.

“Sinabi mo pa.” Pagsang-ayon naman ni Desiree.

“Bakit hindi ko naisipan na dito na lang ta'yo ikasal,” out of the blue ay naisatinig ni Guiller.

“Ewan ko sa'yo, marahil atat kang ikasal tayo di'ba dahilan na iyon ang gusto ng Mama mo.”

Natigilan naman si Guiller. Bigla na lamang nagulat si Desiree ng yakapin siya mula sa likuran ng asawa, hindi siya nakapalag, dahil mahigpit na mahigpit ang yakap nito sa kanya.

“I'm sorry honey, hayaan mo babawi ako. Pinagsisihan ko talaga ang lahat ng iyon, s-sana mapagbigyan mo ako. Maitama ang lahat ng naging kamalian ko sa pagsasama natinng dalawa,” puno ng sumamo at pag-aasam ang nasa tinig ni Guiller.

Napatitig siya kay Ezekiel na mataman din ang pagkakatitig sa kanilang dalawa sa may hindi kalayuan. Maya-maya'y kita ni Desiree ang pagtango at mapait na ngiting pumunit sa labi ng binata. Naglakad na ito palayo sa kanila.

Hindi alam ni Desiree kung ano ang dapat niyang gawin. Papayagan ba niyang buksan muli ang puso na minsan nasaktan sa pagmamahal niya kay Guiller at protektahan ang minsan inaakala niyang wagas nilang pagsasama. O mangingibabaw ang tulak ng pagnanasa na magpaangkin sa pagmamahal ni Ezekiel na kaytagal niyang inaasam. Naguguluhan siya.

Pababa na sina Guiller at ni Desiree ng mapansin nila si Ezekiel na naghihintay sa nakaparada nitong kotse.

“Tara punta naman tayo sa Laboc Adventure Park, may zip line raw doon subukan natin.” Pag-aya ng binata ng makita si Desiree at Guiller.

Nag-drive na nga si Ezekiel. Habang ang dalawa ay patuloy na nag-uusap. Mataman lamang nakikinig ang una.

Pagkarating nga nila ay biglang umurong si Guiller. Takot pala ito sa mataas.

“Doon kanina sa Chocolate Hills nakaya mo, bakit dito hindi?” takang tanong ni Desiree. Sa totoo lang ay ngayon niya lang din napag-alaman iyon.

“C'mon Des, huwag mo na nga akong kinakantiyawan. Kayo na lang ni Ezekiel. Maglalakad lang ako, may nakita akong kainan doon. Mukhang masarap ang mirienda roon.” Paalam ni Guiller na dumiretso sa Salve's Pa-init and Bohol-anon.

Halos kalahating oras din sina Ezekiel at Desiree roon.

“Minyo namong duha, Ma'am ug Sir?” pagtatanong ng isa nagbabantay sa may zip line sa diyalektong Boholano. Itinatanong nito kung sila ay mag-asawang dalawa.

“Ayy! Dili. Amo ra na siyang bisita.” Iyon na lang ang naisipan ni Desiree na sabihin sa lalaki. Dahil totoo naman na bisita niya ito.

Hindi naman nagkomento si Ezekiel ngunit sa paraan ng pagtitig nito sa kanya ay may kakaiba roon. Naglalakad na sila papunta sa kainan, kung nasaan si Guiller ng biglang magsalita si Ezekiel. Hinayaan lamang ni Desiree ng yapusin ng may pagsuyo nito ang palad niya na hinawakan ng binata. Parang magkaholding hands na sila habang matagal na naglalakad.

“Masaya ako Des, k-kahit na marami kaming nagawang pagkakamali ng pinsan ko ay hindi mo hinayaan na makaapekto iyon sa trato mong dalawa sa amin,” bukal sa loob na sabi ni Ezekiel na titig na titig sa babae.

Unti-unting bumagal ang paglalakad ni Desiree hanggang sa tuluyan itong napahinto.

“Wala naman kasing mababago, kung hahayaan kong magalit ako sa inyong dalawa. Saka, ama kayo ng mga anak ko. Malaking factor na iyon para mapatawad ko kayo ng ganoon kabilis. Ayaw kong mabuhay dito sa mundo ng puro hinanakit ang dala. Gusto ko mas marami akong mabaon na magagandang alaala sa mga taong nakapaligid sa akin,” mahabang lahad ni Desiree.

“Masaya ako at ikaw ang babaeng pinili ng puso kong mahalin at maging ina ng anak ko, napakabuti ng kalooban mo,” madamdamin anas ni Ezekiel na hinalikan pa ang likuran palad ni Desiree.

“Tara na, baka mainip na si Guiller doon.” Naiiling at napapangiti na lang si Ezekiel na sinundan ng tingin ang babae.

Nakita nga nila na busy na sa paglantak si Guiller sa inorder nitong Kusanos na may kanin.

Habang ang dalawa ay piniling mag-order ng Bibinca, sikwate na gawa sa cacao para ipang-take out. Maging ang best seller na halo-halo sa may Hardin Cafe ay tinikman din nila. Kung saan-saan na sila nakarating na tatlo sa paglilibot.

Balak pa sana nina Ezekiel at Desiree na mapuntahan ang Laguna Hills ay pinili na lang nilang umuwi dahil hapon na sumabay pa ang biglang pagsusuka ni Guiller.

“O-okay ka lang ba talaga? Mukhang nasobrahan ka sa kain niyong inorder mo, balik na lang tayo sa ibang araw,” nag-aalalang sabi ni Desiree sa nakasandig ang mister niya sa kanya.

“Nanibago lang siguro ako sa klima at pagkain dito honey. K-kung gusto niyo bumalik na lang kayo pagkatapos niyo kong ihatid sa bahay ng Mama mo.” Nakangiting baling ni Guiller, halatang nahihiya ito sa pagkaunsyami ng lakad nila.

“May ibang araw naman Guiller, tama si Desiree tutal late na rin. Baka kanina pa naghihintay ang tatlong bata.” Pakikisali ni Ezekiel habang nasa pagda-drive pa rin naman ang pansin ng binata.

“Pasensya pa rin sa abala.” Paghingi pa rin ng patawad ni Guiller.

“Ano ba Guiller, ayos lang.” Si Desiree.

Maya-maya'y naramdaman na lang nito ang pagyakap pang lalo ni Guiller rito. Hinayaan na lang niya ang lalaki, ganito talaga ang asawa niya kapag masama ang pakiramdam. Halos hindi umaalis si Desiree sa tabi nito dati.

Isang oras din ang ibinyahe nila pabalik. Kung nasa Maynila lamang sila ay marahil tatlong oras pa ang itinagal ng kanilang byahe.

“Maganda talaga rito sa Bohol Des, walang traffic,” ani ni Ezekiel na bumaba matapos nitong maiparada sa garage nila Des ang kotse nito. Habang si Guiller naman ay dumiretso na sa silid nila. Mukhang sumama talaga ang pakiramdam nito.

“Mama, Papa kanina pa ko naghihintay. Sarap nito pong burger,” pagdadaldal pa ni Zedrick na tangan-tangan pa ng bata ang burger na ipinatake-out ni Desiree na pasalubong rito.

Maging ang tatlong matatanda na abala sa kambal ay sarap na sarap din sa bibinca at halo-halo na binili nila.

“Oh nasaan ang asawa mo Des? Isang araw pa lamang yata na kasama ka niya hindi ka na niya matagalan.” Naiiling na pagpaparinig ng Ama ni Desiree.

“H-hindi naman po Pa. Sumama lang ho kasi ang pakiramdam niya.” Pagbibigay naman ni Desiree ng dahilan.

“Mukhang hindi po sanay ang pinsan ko sa klima rito,” dagdag pa ni Ezekiel.

Nagpatango-tango naman ang Ama ni Desiree, ngunit halatang hindi ito kumbinsido.

“Ang mabuti pa'y dalhin mo sina Darren at Warren kay Guiller. Para kahit paano gumaan ang pakiramdam ng ama nila.” Suhestyon ng Lola Ofen.

“Sige po La.” Kasabay niyon ang pagbitbit ni Desiree kay Darren at Warren.

“Akin na si Warren, ako ng hahawak sa kanya.”

“Mabuti pa nga Kiel, mabigat na kasi silang dalawa.” Kasabay niyon ang pag-abot nito kay Warren.

Nagalak naman si Desiree ng iunat pa ni Warren ang maliit nitong kamay sa direksyon ng binata.

“Mukhang gusto ka niya ijo,” sambit ni Lola Ofen. Matipid na lang ngumiti si Ezekiel at sinabayan ng maglakad si Desiree.

Hidden Desire R-18(COMPLETED) SOON TO BE PUBLISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon