CHAPTER FOURTY SIX

423 6 0
                                    

TULUYAN umuwi sa San Salvation si Desiree kasama ang mga bata. Dahil biglaan ang pag-uwi sa Lola Devina niya ay hinayaan na ni Desiree na umalis ang mga yaya ng kambal. Tutal ang nagpapasahod sa mga ito ay ang Lolo't Lola ni Ezekiel.

Kamakailan ay nagpunta roon ang binata. Upang humingi ng tawad at makipag-ayos na rin kay Desiree. Ngunit nanatiling nagmamatigas siya, maging ang Don Napoleon at Donya Millete ay malimit bumisita sa mga apo.

Magkagayunman kahit na may hindi pagkakaunawaan si Desiree at Ezekiel ay nanatili ang babae sa kumpaniya ni Szuttete kung saan siya nagtratrabaho ngayon.

May pinagsamahan din naman sila ng Tita ni Ezekiel. Kaya nahihiya naman siyang isali pa niya ito sa away nila.

“Anong binabalak mo ngayon ija? Hindi naman habang-buhay ay iiwasan mo si Zeck. Wala na ba talagang pag-asa na magkaayos pa kayo?” tanong ni Szuttete ng imbitahin siya nitong muli sa isang dinner.

Napatigil naman sa pagkain si Desiree at mataman tumitig lamang sa plato na kaharap niya.

Sa totoo lang... sa mga araw na lumilipas ay walang araw na hindi niya naalala si Ezekiel. Lalo ngayon na ilang araw na rin hindi ito nagpaparamdam sa kanya. Marahil ay nagsawa na ito sa kasusuyo sa kanya.

“Ija, kilala ko si Ezekiel. Hinding-hindi niya magagawang lokuhin ka.”

“Pero may nagpadala po ng litrato sa akin. Na magkasama si Ezekiel at si Gale na parehas na nakahubad.” Sa pagkakaala ni Desiree sa mga tagpong iyon ay parang pinipilas ang puso niya.

“Ija, iyan ba ang ibinubulong ng puso mo. Wala ka bang tiwala kay Zeck?” tanong pa rin ni Szuttete.

Natigilan muli si Desiree, dahil ang totoo gulong-gulo na siya. Ang puso niya iba ang isinisigaw.

Mayamaya naramdaman ni Desiree ang paglapat ng kamay ni Szuttete sa kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa.

“Sabihin na lang natin ija, totoo ang sinabi ni Gale. May nangyari nga sa kanila. Hahayaan mo na lang ba na magwagi ang babaeng iyon at maagaw niya sa iyo si Ezekiel?”

Napatitig tuloy si Desiree kay Szuttete matapos niyang marinig ang sinabi nito. Tuluyang tumulo ang luha sa mata niya.

Iyon din naman ang tanong niya sa isipan, kakayanin ba niyang mawala ang binata?

“Desiree, mas gusto ko pa rin na ikaw ang makatuluyan ng inaanak ko at hindi ang ibang babae.” Nakataas ang kilay at may mapaglarong ngiti sa labi nito.

Pinahid na ni Desiree ang luhang humalagpos sa mata niya. Ngayon ay tuluyan nabuo ang isang desisyon sa kanya.

Sa ilang ulit ay muli siyang susugal sa pagmamahal niya kay Ezekiel.

Dali-daling nagmaneho si Desiree papunta sa mansyon ng Don at Donya matapos siyang magpaalam ng maayos sa Tita Szuttete ni Ezekiel.

Agad-agad niyang itinigil ang kotse sa tapat ng malaking gate. Pababa na siya ng makasalubong niya papasok si Badette na mukhang palabas naman. Kitang-kita pa nito ang pamimilog at katuwaan sa glamorosang mukha nito.

“Naku! ija, mabuti na lang at nadalaw ka rito. Ang totoo ikaw talaga ang sadiya ko, nami-miss ko na kasi ang mga apo ko,” tuloy-tuloy na sabi ni Badette matapos nilang magbeso.

“Nasa San Salvation po kami. Sa Lola Devina Tita, kung gusto niyo po sumabay na kayo sa pag-uwi sa akin mamaya. Kakausapin ko lamang si Ezekiel,” sagot naman ni Desiree. Akmang hihilahin nito ang babae ng hindi ito tuminag.

“B-bakit anong sadiya mo sa kanya, ija?” takang-tanong ni Badette.

Isinalaysay naman ni Desiree ang pakay niya kay Ezekiel, dahil malapit naman sila nito ay may karapatan din itong malaman ang mga desisyon niya. Tutal ay ina ito ng namatay niyang asawa.

“Ganoon ba, ang alam ko wala sa loob si Ezekiel. Nagpunta daw si Ezekiel kay Nickolai, gusto mo samahan kita para makapag-usap kayo?” nasabi ni Badette na iginawi pa pabalik sa kotse niya.

“S-sige po Tita.” Tuluyan naman pumasok si Desiree at ini-start na ang kotse.

Habang si Badette ay umupo naman sa tabi nito. Nasa kalahati na sila sa byahe. Nang biglang umimik si Badette.

“Nabalitaan ko Des, may nagpunta raw na Gale sa mansyon at sinabing babae raw siya ni Ezekiel. Ang bilis mo naman na tinanggap ang pagkakamali ng lalaking iyon ija. Habang ang anak ko dati, hindi mo nagawang pagbigyan ng isa pang pagkakataon para maayos ang pamilya niyo.” Nahimigan ni Desiree ang hinanakit sa tinig ni Badette na nakatitig sa kanya.

Para naman nahiya si Desiree, ngunit nagpapakatotoo lamang siya.

“Sorry po Tita, mahal ko lang ho si Ezekiel.,” mababa ang tinig ni Desiree.

“Ang anak ko, hindi mo minahal o sabihin na lang natin na mas matimbang ang pagmamahal mo sa lalaking iyon. Kaya sorry na lang kung gagawin ko sa'yo ito, Des.” Kasabay niyon ang paglabas mula sa bag ng baril ni Badette at agad inuumang sa tagiliran niya.

“A-ano pong ibig sabihin n-nito Tita?” Nangatal na ang takot sa buong sistema ni Desiree.

“Tinatanong pa ba iyan. Halla! sige magmaneho ka, pero hindi tayo pupunta sa opisina ni Nickolai!"bl Bulyaw ni Badette.

“P-po saan po tayo pupunta?” Takot na takot si Desiree. Halos manginig ang kamay niyang nakahawak sa manibela. Mariin siyang napapikit ng idiin pang lalo ni Badette ang nguso ng baril sa tagiliran niya.

“Huwag ka ng magtanong pa, itikom mo na lang iyang bibig mo at magmaneho ka ng tahimik!” Paninindak pa ni Badette.

“Please, Tita, maliliit pa po ang mga anak ko, maawa naman po kayo sa akin.” Pakiusap ni Desiree.

“Maawa? Naawa ka ba kay Guiller dati? sa nararamdaman ng anak ko. Hindi diba? Alam mo napakasuwerti mo nga sa anak ko. Dahil ikaw at ikaw na lang ang pinipili niya, gayong hindi ka naman karapat-dapat sa pagmamahal ni Guiller!" Para na itong nasisiraan ng bait sa pagkakataong iyon.

“P-patawarin niyo sana ako Tita.” Paghingi ng pasensya ni Desiree.

“Huwag kang magsayang ng laway. Dahil hindi na mababago pa ang isip ko, sige iliko mo. Magdaan tayo sa kakahuyan!” Mando pa ni Badette.

Wala na ngang nagawa si Desiree kung 'di sundin ang ipinag-uutos nito.

Sa ilang minuto pang nagdaan ay tuluyan itinigil ni Desiree ang kotse sa isang abandunadong bahay.

“Sige baba! Ano pang tinutunga-tunga mo. Maglakad ka na! Kung ayaw mong tuluyan kita ngayon sa kinaroroonan mo!” Utos ni Badette.

Dahil sa labis na pag-aalala sa kapakanan niya ay sinunod na lamang ni Desiree ang utos nito.

Kitang-kita niya ang dalawang sanggano na nagbabantay sa harapan ng lumang gate. Sa itsura pa lang ng mga ito ay nakatitiyak si Desiree na halang ang mga bituka.

Tuluyan nadapa si Desiree ng maramdaman niya ang pagtulak sa kanya ni Badette palakad. Kasalukuyan umaambon sa mga oras na iyon, kaya maputik ang daan papasok.

Napadaing sa sakit na naramdaman si Desiree. Nang madama niya ang sakit sa may balakang niya na unang sumalampak sa basang lupa.

Hindi pa siya nakakabawi sa pagkakatumba ng tuluyan siyang sabunutan ni Badette.

“Aray ko Tita! Ang buhok ko po!” Atungal ni Desiree na humawak pa sa kamay ni Badette.

“Huwag kang mag-inarte, sige lakad! Nababasa na tuloy ako! Napaka-arte mo!” Bulyaw pa nito kay Desiree na nag-iiyak na.

“Maawa  po kayo sa akin, a-akala ko po ba okay na tayo?” Pagmamakaawa ni Desiree.

“Sana... kung naging masunurin ka lang, Des. Kaso, inuna mo pa ang paglalandi mo! Mag-iiba tuloy ako ng plano. Ang inaakala ko kasi ay matagumpay kong nasira ang pagsasama niyo ng lintek na si Ezekiel. Pero mukhang walang silbi ang ipinagawa ko sa pamangkin kong si Gale. Dahil gusto mo pa rin makipagbalikan sa lalaking iyon!”

Halos hindi mapaniwalaan ni Desiree ang narinig buhat sa dating biyenan.

“Ano kamo, k-kilala niyo si Gale? Palabas niyo lang po ang lahat ng pagkakagulo namin sa mansyon T-tita?” hindi makapaniwalang bulalas ni Desiree. Matapos siyang itulak ni Badette papasok sa isang madilim na kwarto. Nasa tabi naman ng dating biyenan niya ang mga tauhan nito.

“Yes Desiree, planado ko ang lahat. Frame up lang iyon para magmukhang niluko ka ni Ezekiel. Inaakala ko nga na magiging okay na ang lahat. Pero nagbalak ka pang makipagbalikan. Alam mo Des, tuloy-tuloy na sana ang pakikisama ko sa iyo. Tutal ina ka ng kambal, pero dahil sa desisyon mong pakikipag-ayos kay Ezekiel. Sorry ka na lang dahil hindi ako papayag na maging masaya ang anak ni Dhalia ng dahil sa'yo! Papatayin ko muna kayong dalawa bago kayo maging masaya. Isasama ko pati si Zedrick, pati si Don Napoleon at Donya Millete. Sa akin dapat mapunta ang kayaman na dapat  kay Carl ng patayin ni Dhalia si Rodel. Ako lang ang may karapatan ng lahat, ako lang!” Nanggigil na sigaw ni Badette. Matapos iyon ay pabagsak na isinarado nito ang bakal na pinto sa harap niya. Gumapang siya para makalapit.

“Tita! Buksan niyo ang pinto!” Kanda sigaw si Desiree. Ngunit walang sumasagot sa kanya.

Hanggang sa makarinig siya ng nahahapong ungol mula sa madilim na gilid ng silid kung saan siya naroroon.

Kinusot niya ang mata, hpang aninagin iyon, dahil sa bukod na walang kagamit-gamit sa loob ay tanging isang maliit na bintana na may rehas ang nagsilbing pasukan ng liwanag mula sa labas.

Nang mapag-sino niya iyon, nagmadali siyang lumapit sa duguang lalaki. May piring ito, habang may busal ang bibig. Habang ang kamay ay nakatali.

“K-Kiel! Oh my God! A-anong ginawa nila sa'yo!” Hysterical na si Desiree ng tuluyan niyang kandungin ang ulonan ng binata. Pinagmasdan niya ang bugbog-sarado, duguan na mukha at katawan ni Ezekiel.


Hidden Desire R-18(COMPLETED) SOON TO BE PUBLISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon