CHAPTER THIRTY SIX

465 9 0
                                    

PUYAT man ay maaga pa rin bumangon si Desiree.

Napansin niyang wala na sa tabi niya si Ezekiel, dahil sa pagod ng naging pagtatalik nila kagabi ay hindi man lang niya naramdaman ang pag-alis nito.

Unti-unting kumurba sa labi ni Desiree ang isang napakatamis na ngiti sa pagkakaalala sa namagitan sa kanila ni Ezekiel.

Hindi mapalis-palis sa isipan ni Desiree ang naging maalab nilang pagniniig. Pumasok na si Desiree sa loob ng banyo, naligo na siya at binilisan niya ang pag-aayos.

Nang bumaba siya ay pinuntahan niya muna ang silid ng kambal. Tulog na tulog pa ang mga ito, habang si Zedrick ay ganoon din.

Tapos na siya ng pagpre-prepara ng breakfast nila nanh pumasok sa kusina si Lola Ofen.

“Goodmorning ho La, maupo na po kayo after five minutes ay pwedi na itong soup.”

Tumango naman si Lola Ofen na matipid lamang nangiti.

Matapos nga niyang mailagay ang mga niluto ay nagmadali na siyang umakyat.

“Mauna na po kayong kumain Lola, mukhang nagising na ang kambal,” nasabi ni Desiree. Hindi na nito nahintay ang sagot ng matanda, dahil mabilis na niyang tinakbo ang second floor.

Nadatnan niyang naroon na sa loob si Zedrick na kinukusot pa ang mata. Halatang nagising din ito sa pag-iyak ni Darren.

“Mama, I'm hungry,” nakanguso pang saad ng bata.

“Bumaba ka na, naroon naman ang Lola Ofen mo siya na mag-asikaso sa iyo,” tugon ni Desiree na inumpisahan nang buhatin si Darren.

Babalikan na lamang niya si Warren pagkatapos niyang ibaba sa baby chair ang isang kambal.

“Akin na si Darren ija, kuhanin mo na si Warren.” Tuluyan nitong kinuha mula sa kamay niya si Darren.

Dali-dali naman pumanhik pabalik si Desiree.

“Goodmorning Baby Warren, ano gusto mo?” pagtatanong ni Desiree.

Akma siyang maglalakad nang matigilan siya. Napakunot-noo siyang lumapit sa lamesa na nasa gilid ng bintana. Kapag si Ezekiel ang nagbabantay sa kambal ay doon ito nakaupo at tumatapos ng mga inuuwi nitong paper works.

Isang puting sobre ang naroon, kita niyang nakasulat doon ang pangalan niya na lalong ikina-corious niya.

Tuluyan niyang kinuha iyon at inilagay sa bulsa ng suot-suot niyang apron. Dahil sa pagmamadali kanina ay hindi na niya naalis iyon sa katawan niya.

Pagkababa niya ay nakita niyang kumakain na si Zedrick. Habang si Darren naman ay sinusubuan naman ng cerelac ni Lola Ofen.

Inuupo na niya si Warren sa baby chair nito. Pinaghanda na niya ito ng pagkain.

“Ano pa lang plano mo ija ngayong araw?” Maya-maya'y pag-imik ni Lola Ofen na naghuhugas na ng mga pinagkainan nila.

Kasalukuyan sumisimsim ng mainit na kape si Desiree.

“Plano ko ho sana na puntahan si Ezekiel sa clinic niya Lola, balak ko ho siyang surpresahin.”

“Ah! Ganoon ba. Sige ako na munang bahala sa mga bata, pumanhik ka na para makapaghanda ka na.”

“Sige po.” Dali-dali naman na umakiyat si Desiree. Excited na siya sa binabalak na panunurpresa kay Ezekiel.

Matapos niyang maisarado ang pinto ng silid nila ay tuluyan na niyang tinanggal ang apron na hindi pa niya naalis sa kusina.

Agad ang paghayon ng pansin ni Desiree ng mapansin niya ang pagkahalog ng puting sobre.

Dinampot na niya iyon at binuksan.

Isang liham ang nasa loob niyon. Tuluyan siyang naupo sa kama nila ng binata. Inumpisahan na niyang basahin ang nilalaman ng naturang sulat-kamay ng binata.

Dear Desiree,

Marahil nagtataka ka kung bakit at para saan ang sulat na ito. Dito ko na lang kasi naisipan na sabihin ang lahat ng gusto ko. Ngayon pa lang ay hinihingi ko na ng kapatawaran sa lahat.

I'm sorry, siguro kulang pa ito para mapatawad mo ako sa gagawin kong pagtalikod sa relasyon mayroon tayo Des.

Masiyado ng kumplikado ang lahat ng nasa paligid natin Desiree. Ngayon pa lang tinatapos ko na ang lahat sa atin, hindi ko pala kaya, pagod na ko.

Mas mabuting bumalik ka na lamang kay Guiller, mas may karapatan siya sa iyo.

Again, I'm sorry...

–Ezekiel

Hindi alam ni Desiree kung paano niya natapos basahin ang liham ng binata sa kanya. Dahil habang binabasa niya iyon ay parang pinipilas ang puso niya.

“B-bakit! Bakit Kiel! Bakit mo ako nagawang iwanan?” nagsisigaw na si Desiree.

Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya nito na para siyang isang bagay na basta na lang nito isinantabi ng ganon-ganon lang!

“Desiree apo!” Pagtawag sa kanya mula sa pinto ni Lola Ofen.

Agad iniiwas ni Desiree ang mukha maging ang mga luha na nagmamalabis sa pisngi niya ay tuluyan niya pinunasan.

“P-po? Oh, hello La... n-nasaan po ang k-kambal?” nauutal niyang tanong. Pinilit niyang ngumiti pero napansin pa rin ni Lola Ofen ang lungkot sa mata niya.

Agad naman naupo si Lola Ofen sa tabi niya. Hinaplos nito ang mahabang buhok niya. Hanggang sa tuluyan siya nitong niyakap at isinandig sa dibdib nito.

“I'm sorry ija, wala akong nagawa para pigilan bumalik mula sa America ang apo ko.”

Dahil sa narinig ay tuluyan napaiyak si Desiree.

“So totoo po na iniwan na kami ni Ezekiel, bakit ganoon Lola? Basta na lamang niya kami ginanito ng mga bata. Hindi man lang niya inisip ang mararamdaman ko at ni Zedrick! Bakit? Bakit!” Humagulhol na si Desiree.

“Hayaan mo na muna siya Desiree. Ang mabuti pa'y intindihin mo na lang ang apo ko. Baka mas okay na unahin mo na lang ang sarili mo at ang mga bata kung ano ang mas makakabuti sa inyong mag-iina.”

Hindi na sumagot si Desiree at nag-iiyak na lamang, dahil sa sama ng loob sa ginawang pagtalikod sa kanila nito.

Hindi aakalin ni Desiree na lahat ng ipinangako nito ay hindi totoo!

“Sana... Sana, hindi na lang kita nakilala,. Sana hindi na lang kita minahal at sana hindi na lang ikaw ang naging ama ni Zedrick!" Hiyaw mula sa isipan ni Desiree.

Pagkaalala sa anak nila ay lalong nadagdagan ang hinanakit niya sa binata. Sa ginawa nito'y hinding-hindi na niya ito mapapatawad.

Para sa kanya isa itong sinungaling, matapos siyang paniwalain sa lahat ng pinangako nito!

“Sige na apo, ako ng bahala muna sa mga bata. Ihanda mo na ang mga dadalhin niyo sa Maynila. Kahit paano ay matutuwa si Guiller na makita ang mga anak niyo,” tugon ng matanda na pinunasan pa nito ang luhang umagos sa pisngi ni Desiree.

“S-sige po, h-halos isang Buwan na rin po ang nakalipas na hindi nagkikita ang mga ito.” Tumayo na siya at hahakbang na sana para kumuha ng maleta ng maramdaman ni Desiree ang paghawak ni Lola Ofen sa kamay niya.

“Apo, sana tatagan mo lang ang loob mo. Magiging maayos din ang lahat...”

Tumango na lamang si Desiree at naghanda na.

DAHIL sa traffic ay halos gabi na sila nakarating sa apartment nila ni Guiller si Desiree at ang mga bata.

Kahit tuluyan na silang iniwan ni Ezekiel ay nanatili pa rin sa tabi niya ang Lola Ofen. Dahilan nito'y ayaw nitong mapalayo sa apo at para hindi na rin siya kumuha ng yaya ng mga bata.

Ang malaking mansyon na iniwan nila mula sa San Salvation ay pinasuyo na lamang nila sa Lola Devina at Lolo Marcelino niya na tignan-tignan habang wala sila.

Nasa harap na sila ng pinto ng apartment at akmang kakatok na si Desiree ng bigla na lamang magbukas iyon at iluwa ang babaeng hindi niya inaasahan na makikita pa roon…

Hidden Desire R-18(COMPLETED) SOON TO BE PUBLISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon