Chapter 8

1K 57 73
                                    

Chapter 8

   
   

Third person's POV

"Don't let your emotion carried you, isang maling galaw mo lang ay maari n'ya itong ikapahamak" maotoridad ang boses ng lalakeng nakaharap sa mga computer, sinersermonan ang kakarating din na lalake

"I just can't help it" sagot naman ng isa bago pabagsak na naupo sa mahabang sofa, isa isa nitong tinanggal ang sumbrero nya at mask nya bago naman ang suot nyang itim na hoody jacket

Inikot naman ng lalakeng nasa harap ng computer ang swivel chair nya at hinarap ang kakarating na lalake

"Revealing yourself means putting her in more danger, Konting tiis nalang at maari mo na syang makita, we just need to finish off this problem" tumayo sya at umupo sa sofa na kaharap ng isang sofa kung saan nakaaupo ang ngayon ay nakapikit ng lalake

"God knows how I badly miss her" mababa at seryoso ang boses na ani ng isa habang nakapikit parin

Napasandal nalang ang isang lalake at pumikit narin "sa susunod ako na muna ang magbabantay sa kanya"

"You can't" kontra sa kanya ng kausap nya at umupo ito ng maayos "Your wounds is not totally healed yet, don't sacrifice yourself again, alam mong mas masasaktan sya pag nangyari 'yon" tumayo ito at isinabit ang hood nya sa sabitan ng mga damit bago naglakad tungong banyo.

"Drink your meds old man, wala dito ang mga kapatid mo para mag alaga sa'yo" dagdag pa nya bago isinara ang pintuan ng banyo na pinasukan nya

***********

Adi

"Adi, uuwi ka na?" Tanong ni ryle ng makita nya akong nililigpit na ang mga gamit ko

"Oum" tumango ako bago ko isinabit ang bag ko at naglakad na palabas "mauna na ako sainyo"

"Adi samaaaaa" narinig kong sigaw ni ryle at tumakbo pa sya para habulin ako na sinundan naman ni kris

"Uuwi ka na pa bahay nyo?" Tanong ni kris

"Alangan namang sa bahay nyo ako uuwi" walang ganang sagot ko kaya napakamot nalang sya sa ulo

"Sino ang susundo sayo?" Tanong naman ni ryle

"Wala" tipid na sagot ko

"Eh paano ka uuwi nyan?" Tanong ulit nya

"Gagapang nalang ako papunta ron" inis na sagot ko, nahihiwagaan na ako sa dalawang to eh "Ano na naman ba trip nyo ngayon?" Inis na binigyan ko sila ng masasamang tingin.

"Adi diba magkaibigan tayo?" Ngingisi ngisi na ani Kris

Ano na naman kailangan ng dalawang to? Tch!

"Ayoko" sagot ko nilampasan na sila

"Adi hintaaaaaay! Pa-drawing na oh" sigaw naman ni ryle

Sabi na eh, alam na alam ko na takbo ng utak ng dalawang itlog na 'to

"Ayoko" sagot ko ulit pero ayaw parin sila patinag at sumunod parin sa'kin hanggang sa labas na ng campus

"Adi ganda sigi na, di naman kami marunong magdrawing eh" pagmamakaawa ni Kris pero di ko siya pinansin at kinuha ko nalang ang cellphone ko at tinext si aldrin

To: Aldrin

Where are you?

Ilang minuto bago sya nag reply

Scarlet TearsWhere stories live. Discover now