Chapter 18

134 5 3
                                    

Chapter 18
  
    
     
  
"Ivan" tawag ko sa kaniya nang makita ko siya sa sala nitong bahay.

Lumingon naman ito at huminto sa ginagawa niya. Sinara nito ang laptop na hawak niya at nilapag na sa tabi niya.

"You need something?" Tanong niya

"Uhhmm...if it's okay, can I call my brothers?" Nag-aalangang tawag ko na nagpatigil sa kaniya.

Hindi ito sumagot at tinitigan lang ako.

"I'm sorry, Adi. My boss told me to not let you contact any of your brothers, not until he's here" sagot niya at nag-iwas na ng tingin

"Does your boss has grudge against us?" Tanong ko na matagal bago niya sinagot.

Para lang akong hangin na nakatayo rito at hindi niya pinapansin at nagpatuloy lang sa pagta-type ulit sa laptop niya.

"Sayo wala pero sa mga kuya mo marami. That person specifically mentioned your 5 older brothers." Sagot niya habang ang tingin ay nasa laptop parin niya

"5? You mean Jaxon, Mikael, Ryan, Gabriel, and Leviathan?" I asked, my mouth still slightly open.

Nilingon na niya ako ngayon at tinignan na para jina-judge ang buong pagkatao ko.

"You're calling them by their full names now?" Tanong niya kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

"Nah! I was just in a state of shock when you told me that your boss has something against my brothers" sagot ko habang ang tingin ay nasa labas ng bahay.

"No one heard it. Kaya wala ring makakaalam. Wag mo masyadong ipahalata na guilty ka" natatawang sabi niya habang umiiling-iling pa.

"Whatever" inirapan ko na siya at saka ako naglakad palabas. Madilim na ang paligid at napakalamig na ng simoy ng hangin. May suot akong blazer pero ramdam ko parin ang lamig.

"Hey, you're only wearing a thin clothing. You'll catch a cold with that"

Narinig kong humabol siya pero hindi ko siya pinansin at niyakap ko lang ang sarili kp habang deretso parin akong naglalakad palapit sa may dagat.

"Adrianne!" Tawag niya habang humahabol parin sa akin.

"I don't have anything thicker than this" inis na nilingon ko siya.

Huminto naman siya at humingang malalim muna bago nagsalita.

"I'm sorry. I was in a rush to get here kaya hindi na ako nakadala ng mga makakapal na damit. Kaya tara na at pumasok nalang ulit tayo, malamig na ang hangin ngayong oras" aniya pero hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

You brought me here so deal with my bratty attitude

"Gusto kong tumambay rito. Kung ayaw mo akong magkasipon, gumawa ka ng paraan. Ayokong pumasok" sagot ko at naupo na sa buhangin

"Adrianne please" nakikiusap na ang boses niya

"I already said no. So I won't go. Ikaw ang nagdala rito sa akin kaya responsibilidad mo ako" sabi ko pa

Humugot siya ng malalim na hininga at saka humakbang palapit sa akin.

"Adrianne, sorry, I just can't let you call them. That person will kill me for real if I failed this mission" he pleaded

"It's not about them. Gusto ko lang talaga muna tumambay dito" sagot ko bago ako tumingala sa kalangitan.

"I can't quiet remember when was the last time I saw the stars" dagdag ko habang nakatingala parin sa napakagandang kalangitan. Walang buwan pero napakaliwanag parin nito dahil sa mga nagkikislapang mga bituwin.

Scarlet TearsWhere stories live. Discover now