Chapter 16

640 32 31
                                    


Chapter 16
  

   

"Zachary" tawag ko sa pangalan niya ngunit wala nang sumasagot.

Humakbang pa ako para sundan ang direksyon na tinungo niya pero wala na talaga akong makita. Sobrang dilim na na kahit mga bituwin at ang buwan ay nawala.

"Zach, please come back, don't leave me" umiiyak na pakiusap ko habang nakatingin sa kawalan kung saan siya naglaho.

Walang tigil na sa pagbagsak ang luha ko habang nakikiusap na bumalik na siya ngunit ni isang sagot ay wala na akong natanggap.

"Adi" lumingon ako nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko. Mahina ang boses kaya hindi ko sigurado kung saan ito galing.

"Adrianne"

"Adrianne!"

Palakas na ng palakas ang boses hanggang sa naramdaman kong may humawak na sa kamay ko na naging dahilan ng pagkagising ko.

"Oh my god, Adrianne, you scared me" buntong hininga ni kuya Ryan na nakaupo na sa tabi ko.

Agad naman akong naupo at nagtatakang tinignan siya.

"Umiiyak ka habang tinatawag ang pangalan ni zach. What happened? Are you okay now?" Nag aalalang tanong niya

Napayuko ako nang mapagtantong panaginip lamang iyon. Ilang gabi ko na rin napapanaginipan si zach pero ngayon lang na parang totoo ito na umabot sa umiyak na pala ako sa tulog ko.

"Is everything fine? Gusto mo ba samahan muna kita rito?"

Umiling ako bilang sagot pero kumunot lamang ang noo niya dahil dito.

"I-I'm fine, kuya. I just had a bad dream" paliwanag ko

"It's already 3am, matulog ka na ulit at may pasok ka pa bukas. Dito nalang muna ako, babantayan kita" aniya at inayos muna ang kumot ko bago tumayo at naupo sa may single sofa.

Tumango nalang ako at humiga na ulit para matulog. Kahit naman sabihin ko na okay lang ako ay makulit parin sila at ipipilit ang gusto nila.

Ilang minuto na ang nakakalipas at hindi parin ako nakakatulog. Nakaharap ako sa may bintana kaya hindi ko makita si Kuya Ryan dahil nasa bandang likuran ko siya, nasa tabi ng pintuan yung sofa na kinauupuan niya. Mukhang tulog na ata siya dahil wala na akong naririnig na ingay mula sa pwesto niya.

"You can talk to me if there's anything that bothers you"

Bigla akong napalingon sa kanya dahil hindi pa pala siya natutulog. Hawak hawak niya ang cellphone niya at kunot noong nakatingin sa'kin.

"Akala ko nakatulog ka na" sabi ko lang

Ibinaba niya na ang cellphone niya bago niya tinanggal ang salamin niya at nilapag sa maliit na mesa na nasa tabi.

"May bantay ba na natutulog?" Medyo natatawang sabi niya.

Naupo na ulit ako at hinarap siya.

"Alam ko na hindi ka makakatulog agad kaya sinabi kong babantayan kita. You had a bad dream and I'm just waiting for you to talk about it dahil hindi ka nakakatulog kapag hindi mo naikukwento saamin iyan"

Naglakad na siya palapit sakin at naupo may dulo ng kama ko.

Bumuntong hininga ako at natawa naman siya. Kabisadong kabisado talaga nila ako, hindi ako makakawala sa mga mata nila tch!

Kinuwento ko na sa kanya ang napanaginipan ko, lahat lahat hanggang sa parte na nagising na ako.

"I don't know what to say. Alam ko na kahit sabihin ko na panaginip lamang iyon ay hindi parin makakatulong." Bumuntong hininga siya at saka niyakap ako.

Scarlet TearsOn viuen les histories. Descobreix ara