Chapter 13

403 29 12
                                    

Chapter 13
       
        
         
   
Adi's POV
         
       
      
"Adi" tawag ni Cayden sa'kin ng makita n'ya ako. Maraming estudyante ang nagkukumpulan kaya di ko makita kung sino ang dalawang taong sinasabi nila.

"Adi, what are you doing here?" Naramdaman ko ang paghawak ni cayden sa kamay ko ng lampasan ko lang s'ya.

"It's not safe for you here, ihahatid na kita" Aniya pero umiling lang ako at binalik ang tingin ko sa kumpulan ng mga tao

"It's them" sabi ko lang habang ang tingin ay naroon parin. Hindi ako pwedeng magkamali, base sa nakikita kong reaksyon ni cayden ay tama nga ako.

Hindi sumagot si Cayden at bumuntong hininga lang ito, binitawan n'ya ang kamay ko at naglakad palapit sa'kin.

"I don't have any time for your reasons, Cayd" tinalikuran ko na s'ya at mabilis na naglakad tungo sa kung saan nagkukumpulan ang mga estudyante.

Malayo palang ay nakita ko na ang ibang mga kaklase ko. Their faces are blank at hindi mo malaman kung ano ang iniisip nila.

Sobrang daming tao kaya hirap akong dumaan at ng magtagumpay ay tumambad sa'kin sina Kris at Ryle na duguan ang mga mukha at halos hindi na makilala. Nasa tabi lang nila yung ibang kaklase namin at sina Fred naman ay may tinatawagan.

Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko, hindi ko maalis ang tingin ko sa dalawang kaklase ko na walang malay. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko, galit, awa, hindi ko maintindihan.

"Adi" gulat na tawag sa'kin ni Ethan..naglakad s'ya palapit sa'kin at humarang sa harap ko.

"You shouldn't be here" aniya at luminga linga na parang may hinahanap.

Di ko s'ya sinagot kaya magsasalita pa sana s'ya ng marinig na namin ang sirena ng ambulansya na papalapit. Nagsialisan ang ibang mga estudyante para magbigay daan sa paparating na ambulansya.

Huminto ito di kalayuan samin kaya wala ng kumibo ni isa sa'min, nakatingin lang kami hanggang sa isakay na nila sina Kris at Ryle. Sumunod naman sina Fred at Gavin at yung iba ay nagpaiwan na.

Nang makaalis ang ambulansya ay nagsialisan narin ang mga estudyante, kami kami nalang ang naroon, pare parehong walang imik at malalim ang iniisip.

Desidido na ako sa plano ko, ibang usapan na ang idamay pa nila sina Ryle at Kris.

Lumingon ako sa bandang likuran ko kung saan nakita ko kanina si Ivan. Hawak n'ya ang cellphone n'ya at mukhang may tinetext. Naglakad ako palapit sa kanya at napansin naman n'ya ito kaya itinago muna n'ya ang cellphone n'ya.

"Ihahatid na ba kita?" Tanong n'ya

"Let me join your gang" bahagyang napanganga s'ya ng marinig ang sinabi ko. Nakarinig din ako ng iba't ibang reaksyon mula sa mga kaklase ko na isa isang lumapit sa'min.

"W-what?" Bakas parin ang pagkagulat sa mukha ni Ivan, nagtataka na hindi makapaniwala sa narinig sa'kin.

"You heard me, and I'm not asking you. As one of the Empire executives, I'm ordering you" mas lalong nalaglag ang panga n'ya, maging ang mga kaklase ko ay gulat din sa nga narinig.

"A-Adrianne" tawag ni Cayden sa'kin na para bang sinasabihan ako na magdahan dahan sa mga pinagsasabi ko.

"You think I'm joking? Thunder, one of the 3 deities of AU gangs, a rank M member of Empire, it will be a privilege for you if I'll join your gang"

"B-but-

"Then I'll join Grey's gang" putol ko sa sasabihin ni Ivan at hinarap si Grey na kakarating lang.

Scarlet TearsWhere stories live. Discover now